Dear Crush,
Bakasyon na, hindi na kita makikita let me rephrase it hindi ko na kayo makikita. Buti naman, ang sakit niyo kasi sa mata. Crush kita pero ang alam ng lahat si Kid ang nagugustuhan ko. Tinago ko sayo at sa kahit na sino. Kaya kahit nasasaktan ako ay wala 'kong mapagsabihan.
Nagbakasyon kami sa Quezon, sa Province ni Mom with my relatives. Sobrang saya dahil medyo nakalimutan kita, ni hindi ka siguro sumagi sa isipan ko kahit isang saglit.
Naka-uwi na kami kaya ito oh, nagsusulat ako.
Iniisip ko? Dapat pa bang ituloy ko ang pagsusulat ko sa'yo? Oo, crush pa rin kita pero kahit ano naman sigurong gawin ko ay malabo mo 'kong magustahan. Kaso may nagsasabi rin sakin na, huwag akong sumuko na ituloy ko kasi habang may buhay ay may pag-asa. Hihintayin ko na lang na magbreak kayo, wala namang forever eh.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
Chick-LitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.