Dear Crush,
Napapansin ko na sa bawat paglipas ng mga araw ay lalo tayong napapalapit sa isat-isa. Aasa na ba 'ko? Dapat na ba? Madalas mo 'kong kausapin, tumatabi ka rin sakin. Tapos tuwing duty natin, napaka-gentleman mo. Minsan naman nagagawa mo pang buwisitin ako at asarin, lamog tuloy ang malaman mong braso. Nagji-gym ka ba? Feeling ko kasi ang hunk mo na o baka ganun kasi gusto mo ang isang tao, lahat ng nakikita mo sa kanya pawang maganda lamang at naka-aakit sa mata.
Kanina cleaners ka, kaya hinintay pa kitang matapos bago tayo mag-duty. Kainis! Ang tagal niyo kaya, tapos ng matapos kayo tinakbuhan mo naman ako kaya ako heto hanggang ngayon hinahabol ang paghinga. Dont worry, kahit hindi ka nag-aalala wala naman akong asthma napagod lang talaga siguro.
Pagkatapos nating mag-duty, sabay tayong naghugas ng kamay. Ayaw mo pa nga 'kong pauwiin kasi nanghihingi ka ng kiss. "Kiss mo muna 'ko"sabay turo mo sa kaliwang pisngi mo. Ang sama mo! Alam mo bang halos himatayin ako kanina tapos ikaw tuwang tuwa ka pang asarin ako.
Gusto naman talaga kitang i-kiss kanina kaso nakakahiya pa rin no. Baka sabihin mo ang easy to get ko kaya wag na lang. Next time na.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
ChickLitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.