Dear Crush,
Naging maganda yung bakasyon namin, bukod sa payapa ang puso ko dahil hindi kita nakikita ay naging masaya at memorable ang buong buwan kong ito. Nagpunta kami sa probinsya namin at dahil ro'n nakakilala 'ko ng iba pang tao, baka kasi sa sobrang pagkaka-gusto ko sa'yo ay ikaw na lang ang kilala ko.
May nagsasabi na nagiging Crush mo lang naman ang isang tao marahil lagi mo siyang nakakasama't nakakasalamuha pero kapag nawala na siya sa tabi mo'y makakalimutan mo rin siya. Naisip ko na rin yan minsan, siguro gano'n lang ang nararamdaman ko para sayo kaso mali pala 'ko. Gusto kita nandito ka man sa tabi ko o wala.
Kamusta nga pala ang bakasyon mo? Naging masaya kaya? Sana oo? Para pareho tayo. Huwag mo nga palang kakalimutan na kumain sa tamang oras, bakasyon pa naman baka computer games lang ang atupagin mo. Baka manlabo yang mata mo? Ayos lang sana kung manlabo yan tapos ang dahilan ay sa pagbabasa mo nang libro, matutuwa pa sana 'ko.
Malapit na naman ang pasukan, makikita't makakasama na naman kita sa iisang silid. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa o malungkot?.Ako kasi inaasam kang makita habang ikaw, inaasam mo siyang makuha.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
Genç Kız EdebiyatıHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.