DC29

431 19 21
                                    


Dear Crush,

           Aakyat sa stage nang may nakasabit na medalya. Napaka-sarap sa feeling lalo na't sa baba ng rurok na kinatatayuan mo ay naroon ang mga magulang mo, nakasuporta't masayang masayang pinapalakpakan ang kanilang anak. Kung proud ako sa sarili ko, mas proud ako sa mga magulang ko dahil napagtapos nila ko sa pag-aaral kahit papaano. Ikaw din, may honor ka congrats ha! Nagbunga na rin yang kaka-computer games mo.
           Isipin ko pa lang na hindi ko na makikita ang mga taong nakasanayan kong mamasdan magmula ng apat na taon kong ito sa paaralan, halos mangiyak ngiyak at namumugto na ang mga luha sa mga mata ko. Mamimiss ko kayo, lalong lalo na ikaw. Yung mga kakulitan, asaran, harutan at sakitan na naranasan nang bawat isa na mas lalong nagpatatag sa ating samahan ang isa sa mga hindi ko makakalimutang ala-ala. Mga luha't ngiting pumukaw sa mga mata't labi nang bawat isa ang nagpapa-kumpleto ng araw ko sa tuwing papasok ako sa paaralan ko na naging tahanan ko na rin sa loob ng Apat na taon. Lalo na ang mga gurong naging gabay natin sa paglalakbay at pagkalap ng kaalaman.
           Nang magtapos ang moving up natin, lahat nag-iyakan tapos nagyakapan at naggawad na ng paalam sa bawat isa. Malamang kung magkita man tayo sa kung saan man magmula ngayon, iba na ang magiging reaksyon ng bawat isa sa atin.
            Hindi pwedeng umalis ako ng walang napapala, pumunta agad ako sayo tumingin ka sa'kin at agad akong niyakap. Yakap na ayaw ko ng tapusin dahil alam ko na pagka-tapos nito ay hindi na kita makikitang muli, maririnig ang mga tawa mo at mahahagkan ang mga bisig mo. Nagtagal ata ang yakap ko sa'yo, nakita pa tuloy tayo ng ate mo.
          Aalis na sana ako ngunit hinablot mo ang kamay ko, kahit ayaw kong mag-assume ay parang hindi mo 'ko pinapa-alis. Ayaw mo kasing bitawan ang kamay ko kaya...
Hinalikan na lang kita sa pisngi. 'Yon bumitiw ka na rin. First kiss ko 'yon ah, wag ka swerte mo. Remembrance ko na yung kiss, thank you hindi ka pumalag. Baka gusto mong maka-isa, isang suntok.

                                   Nagmamahal,
                                      Narhian

Dear Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon