Dear Crush,Alam mo ba? Syempre hindi mo alam, kasi wala ka namang pakealam pero ako meron.
Sumali ako sa JP or Junior Police. Ang sabi kasi ni Maam kapag sumali roon ay may dagdag grades sa Ap though alam ko naman kasing hindi naman ako hirap pag dating sa history. Kaso syempre, isa ka rin kasi sa sumali kaya naki-join na lang din ako.
Tuwing gabi ang duty bago umuwi, iche-check daw natin ang room na naka-assign sa'tin kung malinis ba o pinatay yung ilaw at electric fan. Kung sinarado ba yung bintana at tinapon yung basura. Medyo creepy, oo. Nakwento kasi ni Maam Carmen na may multo raw sa school. Anyway okay lang, kasama naman kita kaya hindi ako matatakot.
Kanina kasama kita ng mga 20 minuto siguro, tayo kasi ang partner sa pagcheck sa Room D-3 sa 3rd floor.
Ang saya ko kanina sobra, nahalata mo ba? Feel ko ramdam mo naman eh, nagtanong ka pa nga kung okay lang ako dahil para 'kong tangang ngingiti-ngiti. Sobrang sulit, hindi ako nagsising maging JP at kahit na distracted ako kasi kasama kita syempre hindi ko pa rin nakakalimutan ang responsibilidad ko. Para sa ekonomiya!
Teka? Naka-uwi ka na ba? Dumiretso ka ba sa inyo o sa ibang bahay pa? Yari ka sakin.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
ChickLitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.