Dear Crush,For 4th Grading Project natin sa Filipino kailangan naming mag-act. Iro-role play natin ang one of the best novels of Francisco Balagtas Baltazar
Which is Florante at laura.
Bakit kasi ako? Ako yung piniling Laura tapos ikaw si Florante? No choice, ganun?. Hindi pa naman ako marunong umarte at syempre ikaw loko-loko ka kaya.
Ginawa na lang natin ang best natin, nagpractice nang ilang araw at success naka-95 naman tayo. You have to congratulate me, kasi kakaibang pagpipigil ang ginawa ko mula pa lang ng practice hanggang sa mismong act na. Tapos yung yakap mo sakin, parang ayaw mo na 'kong pakawalan. Siguro kung hindi kita tinapik ay malamang gano'n na lang tayo hanggang sa matapos ang klase.
Sobrang higpit nang yakap mo at pakiramdam ko nga noon tayo talaga yung nasa storya.
Kunwari nasa gyera tayo, tumakbo ka papunta sakin upang yakapin ako at para na rin isanggalang ang sarili mo sa mga panang nagbabadyang tumama sakin. How sweet right? Kaso hindi 'yon mangyayari, kasi mas malaki pa ang posibilidad na ako ang ipangharang mo sa mga kalaban huwag ka lamang matamaan.
Pagkatapos ng play kinausap ako ni Lian at Ana, bakit daw ang lapad nang ngiti ko habang yakap mo 'ko. Nahalata nilang gusto kita, tatanggi sana 'ko kaso nasigaw na nila bago ko pa sila mapigilan. Mga kaibigan mo talagang chismosa at pakealamera ng lovelife nang may lovelife.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
ChickLitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.