Chapter 2: It's a joke, right?Eil's POV.
Natapos ang agad ang tatlong klase namen sa pang umaga ng hindi ko namamalayan dahil sa pagiging okupado ng isip ko sa pinagsasabi ng baliw na lalaki kong katabi..
>>>>>>>>Flashback<<<<<<<<<
"Alam mo ba lagi akong gumigising ng umaga"
Tinatakpan ko nalang ang tenga ko dahil sa mga walang kwenta nitong sinasabe..
"Alam mo rin ba paborito ko ang ketchup ng jollibee ang sarap kasi non papakin" masigla pa nitong pagkakasabe
"Alam mo wala kong pake" tugon ko dito sabay irap
"Alam mo ba mahilig akong manood ng tv at kumain ng ulo ng manok" ngisi ngisi nitong pagkakakwento
"Aarrghh!! Will you please shut up.. Napaka daldal mo kalalaki mong tao" iritado kong saad dito
Lumingon lang sya sa akin sabay ngiti ng napaka tamis na kayang tunawin ang isang babae.. Pero sorry diko sya type.. Nakakarindi sya
"Alam mo ba napaka hilig ko sa bola.. Ayy mahilig din ako sa mga insekto maliban lang sa palaka" ani nya kasabay ng nadidiring ekspresyon
Hanggang sa di na sya natapos kaka.. "Alam mo ba.."
>>>>>>>>End of flashback<<<<<<<<
Sobrang nakakarindi talaga yung lalaking yon. Bat ba sa akin pa tumabi yon? Bakit ba napaka malas ng araw na toh.? Bakit ba napaka daldal ng lalaking yooonnn!!! Aarrgh nakakainisss wala tuloy akong naiintindihan sa mga lesson namen.. :'(
Pero....
Ang hindi ko talaga maintindahan..? Mahilig daw sya sa insekto...pero ayaw nya daw sa palaka.. Paano namn napasok ang palaka sa paborito nyang insekto.? -_-" abnormal lang
"Huuyy.. Tulala kana jan ahhh" bati sa akin ni jane
Sabay kaway kaway pa ng kamay nya sa harap ng mukha ko..
Tinapik ko lang ang kamay nya..
"Ttsss.. Ano ba.? Porket ba may bago ka ng friend ganyan kana" sabay pagmamaktol pa nya
"Anong bagong friend.?"
"Oohh bakit hindi.? Aba aber kung makapag kwentuhan kayo ng lucas nayon eeh parang isang taon kayong hindi nagkita at parang miss na miss nyo ang isa't isa na kung makapag daldalan kayo ay parang matagal na kayo magkakilala at ngayon lang kayo ulet nagkita at akala nyo pa ata ay solo nyo lang yung room kung makapag chismisan kayo talo nyo pa yung mahabang formula na sinusulat ni Ma'am Morales sa haba ng pinagkekwentuhan nyo.. Nakakatampo na talaga toh Eil... Ang sakit sakit, sooobbrraang sakit nang ginawa mo saken.. Eehh tayo nga hindi tayo nakakapag kwentuhan sa room naten dati dahil kapwa tayong busy sa pakikinig..... Tapos yonnn!!! Yung lalaking yonn na kanina mo lang nakilala kung makapag kwentuhan kayo parang kayo pa yung sobrang close.. Pinagpalit mo na ba ko.?"mahabang paliwanag nito sabay nguso
O_o
Napanganga nalang ako sa sinabi nya dahil sa pagiging OA nya..
"Ang OA mo.."di makapaniwalang saad ko saknya..
-_-
" ewan ko sayo.. Hhmmpp!"
Sabay tinalikuran nya ako at nagpa unang maglakad"Hey! San ka ppnta..? Iiwan mo ko?"sigaw ko
" sa canteen.. Dalian mo!"sabay nagmadali maglakad
Grabe naman yung babaeng yun. Tampo tampuhan lang ang peg.
Nagmadali na akong maglakad para agad ko syang mahabol pero sadyang mabilis sya maglakad––––or should i say? Halos tumatakbo na sya.. Ang arte!
Binagalan ko muna maglakad dahil sa sakit ng paa ko.. Hello! Naka high heels kaya ko..
"Tsk. Takong pa!" Mahinang bulong nakakainis.. Nadamay lang nman ako sa kaartehan ni Jane eh
"Hey are you okay miss?"ganon naba ako kahalata na nahihirapan nakong maglakad -_-
" do you need help.?"alok ng lalaki
"What help can you give.?"pagbabalik ko sakanya ng tanong
" Ahhmmm.. Pwede kitang pahiramin ng Doll shoes"pagaalok nya
"Hahahahaha" bakla kaya toh.. Hahaha Doll shoes daw..
"Anong nakakatawa.?"nagtataka pa sya hahahaha.. Anlalaki laking tao nagda doll shoes wwhahahaha
-_- <<–––– haha sya yan
^_^
" Bakla kaba?"
"Awww.. Kaya kaba tumatawa dahil yan ang iniisip mo"sabay ngumiti
" hmm. Siguro.?"nagpipigil pa ko ng ngiti haha..
"Kung ayaw mo eh diwag" sabay talikod
Aay galing. Talikod ang peg.
"Tsk."
Nagtuloy nalang ako sa paglalakad para hanapin si jane ng bigla akong bunguin nitong grupo ng mga clown na babae..
"Aww sorry aah.. Paharang harang ka kase" sabay tulok saken ng malakas
Buti nalang matibay ako at di pako natumba
Tiningnan ko sila na parang sila na ang pinaka panget na tao na nakita ko
"Oh ano pa ang tinitingin tingin mo pa jan.. Maka tingin akala mo kaya mo kami.. Kaya mo ba kami hah.. Hah!"sabay tulak tulak sa balikat ko
Napangiti nalang ako sa mga walang kwentang toh.
Mga tukmol.
Babanatan ko na sana sila ng biglang dumating ang diko inaasahan....
"Hoy.. Angelica itigil nyo nga yang gingawa nyo.. Yan na ba ang bagong trip mo ang mang buyo.. Wag nyo kaming sapawan ng grupo ko baka mapasama kayo ng grupo nyo sa mapagtripan ko.."pagbabanta nya
" so-sorry..tara na nga girls"sabay takbo nila
Buti nakayanan nila yun kahit naka heels sila.. Samantalang ako hirap na hirap maglakad ng maayos.. Haayy.. Bumuntong hininga nalang at nagpatuloy sa paglalakad..
Sabay hila saken..
"Ano ba.?"hinila ko yung braso ko letche aah.. Ansakit
" wow thank you pagkatapos ka ipagtanggol tuloy tuloy ka lang"
"Ooh anong gusto mong gawin ko luhuran ka.. At sambahin ka.. Hiningi ko ba ang tulong mo eeh bigla bigla ka nalang sumusulpot jan.. Abno ka ba.?" Inirapan ko nalang sya.. Walang kwenta!
"Hoy babaita tara na nga kan..... Oohh bat kayo magkasama" sulpot ni jane
"Sumulpot lang yan..tsk. Parang kagaya mo pasulpot sulpot tara na nga.."tatalikod na sana kami ng..
"May kapalit yong ginawa ko. Magiging girlfriend kita for 1 month at magsisimula na tayo bukas.. Sigeee byee babe"
Huh.?
Ano ba pinagsasabi mo..?
Magiging boypren ko yun..ang isang Lucas Buenavides.. Ohhhh
NO WAY!
––—————————————————
I hope you'll like it.. ;)
YOU ARE READING
My Dream Boyfriend's List
Genç KurguAno ba ang tipo mo sa isang lalaki? . . . Siguro lahat ata ng magandang personalities na sa kanya na.. Ang problema walang taong PERFECT at napaka-imposible nya atang Mag-EXIST!!