Ryan's POV
"Pre, gwapo lang kasi talaga ako kaya 'wag ka ng magalit kung madaming chix ang naghahabol sakin!"sabi ni Sean. Sige lang, dre. Ipaglaban mo pa.
"Mas gwapo ako sa'yo, Sean. Ay mali pala, di ka naman talaga gwapo." Tapos tumawa ako. Gwapo naman talaga 'yang si Sean. Syempre, binibiro ko lang.
Sumabat naman si Michael. "Yayabang niyo, di naman kayo mga gwapo, mga kwago kayo. Ako lang ang gwapo dito. Gwapo na nga ako, hot pa. Oh diba, san ka pa?"
"Nagsalita ang di mayabang. Ang hangin, oh. Nilalamig nga ako. Parang kailangan ko ng jacket," asar ni Sean kay Michael. Natatawa talaga ako sa mga kalokohan naming tatlo.
"Talaga. Hindi ako mayabang. Nagsasabi lang ako ng totoo," sagot ni Michael. Lalo tuloy akong natawa. Wala, tropa talaga. Ganyan talaga ang sinasabi ng isa man sa amin, kapag sinabihan kami na mayabang.
"Yae ka na, dre. Makapagtanong ka pa ng 'San ka pa?' Di kami bakla ni Sean, dre. Di ka rin naman kapatol-patol. 'Wag ganon, dre. 'Wag ganon." Ako naman ang nang-asar kay Chael.
"Pinagtutulungan niyo kong dalawa. Hayp kayo!" sabi naman sa amin ni Chael pero tumatawa. Seryoso? Haha.
Tumawa na lang kami ng tumawa. Para na nga kaming mga baliw dito. Baka sabihin ng mga makakarinig sa'min, bagong labas kami galing sa mental o kaya nakahithit kami ng shabu o ng rugby.
Ganto naman kasi talaga kami. Laging nag-aasaran pero hindi naman kami nagkakapikunan. Joke joke lang talaga, kumbaga. Masaya naman kami sa ganitong usapan dahil para kaming mga baliw. Halos puro kalokohan.
Pero syempre, nagkakaseryosohan din naman kami. Madalang nga lang. Saka lang naman nangyayari 'yun kapag may problema ang isa sa amin.
Nagtatagpo na lang kami sa may cafeteria 'pag break time. Para di masyadong hassle maghanapan.
Habang naglalakad na kami papunta sa may caf, di maiwasang marinig namin ang mga bulong-bulungan tungkol sa amin.
"Guys, si Fafa Sean!"
"Ohmayghad. Si Ryan! Ang gwapo talaga niya!"
"Ang boyfriend ko andyan na!"
"Kyaaah! Mahihimatay na ako. Eto na, eto na!"
Napapatawa na lang ako sa reaksyon nila. Ang cute ngang tingnan. Nakakaproud na pag-usapan ka ng ganyan.
Sikat talaga kaming tatlo dito. 'Yang dalawa, syempre, dahil mga playboy kaya ganoon. Ako naman, varsity kasi ako ng basketball kaya ganoon.
Nang makarating kami sa caf, nag-order na kami at naghanap ng table. Habang kumakain, isang alaala ang bumalik sa isipan ko.
-Flashback, years ago-
Nandito kami ni Ash sa cafeteria. Kumakain kami ng lunch. Sinusubuan ko siya minsan tapos ako din sinusubuan niya. Sweet namin, no?
"Tian, may plano ka na sa college?" tanong sa akin ni Ash.
"Di ko pa alam, Ash. Saka na 'yun. 3rd year high-school palang naman tayo," sagot ko naman sa kanya.
Masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa college life. Pero sabagay, sabi nga nila, kailangan may mga plano na tayo sa buhay para sa mga susunod na mangyayari. Plan your future ahead, ika nga.
Kaso, syempre, kailangang mas pagtuunan ng pansin ang present. Syempre, mas mahalaga muna kung ano ang nangyayari ngayon.
"Sabagay. Pero sana 'pag nagcollege na tayo, sana tayo pa rin, no? Sana walang magbago, Tian. Isasama mo ko sa mga plano mo, huh?"sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
She's My Ex-Girlfriend (Revising)
Teen FictionMahal na mahal nila ang isa't- isa, pero naghiwalay sila dahil sa isang pagkakamali. Pero paano kapag ang isa ay lumayo at bumalik bilang ibang tao? Parehas silang nagmahal sa ikalawang pagkakataon. Kaya pa kaya nilang ibalik ang kanilang naudlot na...