Ryan's POV
Nasa airport ako ngayon. Aalis ako. I'll be going to Cali, doon muna ako for 3 weeks. Yeah, absent ako sa school. Pero okay lang. Di naman ako babagsak or hindi ako makakagraduate. Pede naman akong humabol pagkabalik at tsaka, you know, connections.
Ang nakakasura lang talaga, kung kailan matagal na kaming wala ni Ash, saka lang ako pinayagan nina Mommy papuntang Cali. Like seriously, diba?
Pero, what if makita ko siya doon? What if bigla ko nalang siyang makasalubong or what? What if bigla ko nalang siyang makita sa isang lugar?
What if makita ko siya na may kasamang iba? What if single pa rin pala nga siya?
Paano na?
Anong mangyayari?
Ito na ba ang muli naming pagkikita?
"Bro, good luck. Baka makita mo si Ash. Baka yakapin mo agad, huh."
Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Chael. Tumawa pa ang loko. Huh, yayakapin agad? Ano ako, adik? Mangyayakap nalang basta basta? Uh-huh. Hindi ako ganon. Baka siya pa. Halik pa nga ang kanya.
"G4go, bro! Masyado naman malaki ang Cali. Baka naman di rin kami magkita."sagot ko sa kanila.
Sana nga. Sana nga di muna kami magkita.
Hindi pa kasi ako handang makita ulit siya.
Sean's POV
Pano kaya 'pag nagkita nga ulit 'yung dalawa? Ang alam ko kasi andun parin si Ashlene. Pero sabagay, malaki naman nga ang California. Pero malay natin diba?
"Sige, guys. Alis na ako. Magchecheck-in na ako. Bye guys!"paalam sa amin ni Ryan. Nagpaalam na din kami sa kanya tapos naglakad na siya papalayo.
I wonder kung magkikita nga sila. Ano kayang magiging reaksyon nila sa isa't-isa? Syempre magugulat. Sa tagal tagal na ba naman nilang hindi nagkikita, bigla nalang sa hindi inaasahang pagkakataon, magkita sila, diba?
Pero sana 'wag. Sana 'wag silang magkita. I know I'm too selfish. Pero wala, e. Gusto ko si Ash.
Yes, I like Ash. I like her so much. Kaso, si Ryan nga ang napili niya. Wala na naman akong magagawa doon. She has her own decisions and feelings. Hindi ko naman siya pwedeng turuan na ibaling nalang sa akin ang pagmamahal niya.
Actually, nagkita kami ni Ash, three years ago. Not really nagkita, nakita ko lang siya. Hindi ko lang alam kung nakita niya rin ako noon.
"Paano 'yun, Sean? Paano 'pag nagkita sila ni Ashlene?" Tanong sa akin ni Chael.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema na nilang dalawa 'yun. 'Wag mo na problemahin. Alam naman ni Ryan ang gagawin niya."
"Sabagay. Tara na, uwi na tayo."sabi niya sa akin. "'Wag muna tayo umuwi. Gala muna." Umoo naman siya.
Naglakad na kami pabalik sa aming mga sasakyan. Umalis na din kami doon sa airport. Nasa likod ko siya. Nang magred ang stop light, tumunog ang phone ko.
Kinuha ko muna iyon. Message pala from Kaye. She's my cousin. Pero di naman kami super close.
From: Kaye
Sean, where are you right now? Itinatanong kasi ni Mommy. Baka namimiss ka. Haha.Napangiti ako sa nabasa ko. Si Auntie talaga, mahal na mahal ako. Kay Kaye niya pa itinanong, pede namang diretso sa akin. Hay nako, si Tita.
Madalang naman kasi kami magkita ni Kaye. Sa Stanford University kasi siya nag-aaral. Hindi ko nga alam kung ano naisip noon at doon nag-aral. Sa pagkakaalam ko, sa De La Serna grumaduate sina Tito at Tita. 'Yung boyfriend nga daw pala noon, hinahatid siya sa Stanford, e sa St. Venice nag-aaral.
BINABASA MO ANG
She's My Ex-Girlfriend (Revising)
Fiksi RemajaMahal na mahal nila ang isa't- isa, pero naghiwalay sila dahil sa isang pagkakamali. Pero paano kapag ang isa ay lumayo at bumalik bilang ibang tao? Parehas silang nagmahal sa ikalawang pagkakataon. Kaya pa kaya nilang ibalik ang kanilang naudlot na...