Kaye's POV
Kinurot ko ang braso ko para isipin na nanaginip lang ako pero hindi e. Nasaktan ako, ibig sabihin di nga ako nanaginip.
Kasalanan ko 'to. Bakit ba kasi hindi ko nalang sinabi agad sa kanya ang dahilan? Habang buhay kong pagsisisihin 'to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magiging malala ang sitwasyon niya.
Ang sama sama ko. Kung hindi dahil sa akin hindi siya maaaksidente. Naiinis ako sa sarili ko!
"Doc, kumusta po ang lagay niya? Okay lang po ba siya? Malala po ba ang nangyari sa kanya?"sunod-sunod at nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Calm down, iha. Don't worry, she's stable now. Pero baka matagal pa bago siya magising."
Paano ako kakalma kung nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni AJ? Paano kung ilang araw o linggo o buwan pa bago siya magising?
"Po? Gaano po katagal? Tsaka bakit po?"
"Just calm down, iha. Siguro mga after few days, magising na rin siya. Kapamilya ka ba niya? Asan ang pamilya niya? They need to know this."
"Wala po sila dito. Nasa America po sila. Tatawagan ko din po sila mamaya para ipaalam sa kanila ang nangyari."
He nodded. "Okay. E ikaw, ano ka ng pasyente?"
"G-girlfriend niya po ako.." hindi ko siguradong sagot sa kanya.
Nagulat si Doc pero napatango nalang siya. "Ah sige. Gusto kong ipaalam sa'yo na there's a possibility na may mga makalimutan siya. Posibleng 'yung mga nangyari before mangyari ang aksidente. Napatama kasi ang ulo niya sa lupa nang bumaliktad ang kotse niya. Pero don't worry, hindi naman tayo sigurado."
Tumango nalang ako. Nginitian niya ako at naglalad papalayo.Napaupo nalang ako sa upuan dito sa may waiting area.
Gusto kong isipin na sana hindi nya maalala ang mga nangyari pero ayokong maging selfish. Tatanggapin ko nalang ang mga masasakit na salitang makukuha ko mula sa kanya.
Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Tita. Kailangan niya nang malaman ang mga nangyayari.
Sinagot niya naman agad ang tawag. Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at sinabi ko sa kanya ang sinabi ng doctor.
Pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan ng pag-aaway namin. Kahit ito man lang. Ayokong magalit sa akin sina Tita. Itinuring ko na rin sila bilang pangalawang pamilya ko at ayokong mawala rin sila sa akin.
"Oh my gosh. I can't believe it's happening." She's already crying. I knew it.
"I'm sorry Tita. It's all my fault," my voice broke.
"It's okay, iha. Wala naman sa ating may gustong mangyari ito.."
"Thank you Tita.."
"No problem. Just wait for us... Sa makalawa kami uuwi, paki-alagaan nalang si AJ."
"Bye po.."
Kaya ako sa Stanford pumasok dahil dun din nag-aral ang ex ko noong kami pa. Hindi na ko lumipat noon kasi nasimulan ko na siya e. First year college pa lang kami noon. Naghiwalay kami dahil nanawa siya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi naman ako 'yung ideal at perfect na girlfriend.
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako nakakapagmove on talaga. I really fell in love to that jerk but he easily fell out of love.
Parehas lang naman kami ni AJ na hindi pa nakakapagmove-on totally pero I know, and I really feel it. I love her. I love Ashlene Jhayne so much.
BINABASA MO ANG
She's My Ex-Girlfriend (Revising)
Teen FictionMahal na mahal nila ang isa't- isa, pero naghiwalay sila dahil sa isang pagkakamali. Pero paano kapag ang isa ay lumayo at bumalik bilang ibang tao? Parehas silang nagmahal sa ikalawang pagkakataon. Kaya pa kaya nilang ibalik ang kanilang naudlot na...