Eunice's POV
UGH. Nakakainis talaga. Gosh! Daming problema sa world. So ayon nga bumalik na ako sa gym kasi para namana kong tanga kung magstay sa cr diba? And kailangan ko ring mag sorry kay Nhur. Baka kung ano isipin nun kasi nag walkout ako..
Pero, bat ba kasi di nalang pwede na hindi ituloy ang fixed marriage na yan!! Ugh! I think I'm falling inlove with someone... WOOH!
Think positive Eunice! You can do it. Kaya mo yan gurl!!!
**GYM**
"Eunice! Thank God, lumabas ka na!! Ano bang ginagawa mo sa cr? Pagkatapos na pagkatapos ng performance niyo ni Nhur eh tumakbo ka sa cr tapos ang tagal mo nag stay dun! Aminin mo nga, natatae kaba?" mahabang pagpapaliwanag ni Samara.
"Oo nga Eun! Kawawa naman masyado si Nhur parang tanga dun naka tingin lang habang tumatakbo ka. Run away bride kumbaga. Kala mo naman maganda, pangit mo naman. Hehehe" pangungutya ni Yvan
"Nako, tama na yan! Shhhh! Tahimik na! Nga pala Eun, okay ka lang ba?" Pagtatanong ni Duke.
"Guys.. sorry uhmm medjo sumama lang pakiramdam ko kaya ako nakatakbo agad sa cr. Pasensya na't pinagalala ko kayo" paliwanag ko
"Oh ayan naman pala eh! Tahimik na guys! May paliwanag naman pala si Eun. Pero Eun, satingin ko mas kailangan mong humingi ng tawad kay Nhur." Sabi ni Nelly
"Tama. San nga ba siya?" Tanong ko.
"Uhhh.. baka mamaya mo nalang makausap pinatawag pa kasi lahat ng transferees na kabatch natin ng mommy ni Alyza" sabi ni Janpi
"Ahhh sige, ganun ba? Punta nalang tayo sa canteen. Gutom nako eh" sabi ko habang hinahawakan tiyan ko
"CANTEEN HERE WE COME!!" Sigaw ni Samara
"Libre ko na guys, celebration narin ng pagkapanalo namin ni Samara" sabi ni Yvan
"Naks naman! Galing kasi kanina eh. Damang dama ko yun mga tol! Fafa yvan ehehe" sabi ni Duke ng may pa baklang tono.
"Urgh. Kadiri ka. Lumayo ka nga sakin" sabi ni Yvan at nauna na silang maglakad.
"Oy Samara! Congrats! Galing mo kanina" sabi ko
"Nako Eun! Galing niyo rin kanina eh. Pero salamat! Lika na!" Sabi niya sabay akbay at sabay na kaming pumunta sa canteen.
**CANTEEN**
"Sge order lang kayo dyan, treat ko naman eh!"
-YvanNaks naman tong si Yvan. Daming pera..
"Ahh matagal pa ba yun si Nhur?" Tanong ko
"Hindi ko alam, Eun. Baka mamaya darating din yun kasi maglulunch break din sila mama kaya baka darating din yun" sabi ni Alyza
"Ahh ganun ba yun? Sige" sabi ko
At pagkatapos namin kunin ang mga order namin ay pumunta na kami sa table namin na saamin talaga dito sa canteen. Habang kumakain eh nagkwekwentuhan lang kami at as usual nag babangayan lang si Yvan at Samara. Di naman siguro yun mawawala diba? HAHAHAHA.
"Oh ayan na pala si Nhur" sabi ni Yvan.
"NHUR! DITO KA!" Sigaw ni Duke
At lumingon ako patungo sa direksyon kung saan siya nanggaling. Paglingon ko para bang may anghel na paparating. Napaka ganda ng kanyang mga mata kung saan para itong kumikinang. Ang kanyang ilong na sobrang tangos. Ang kanyang balat na sobrang puti na nakakainggit na. Matanong ko nga siya kung nagpapa belo siya? Hmm maybe mamaya.
Tumingin siya sa direksyon ko. Siguro dun niya palang ako napansinna nakatitig sakanya. Kaya umayos ako ng pagkakaupo.
"Ah sorry di muna ako sasabay" sabi niya at tumalikod
Kaya bat di siya sasabay kasi nandito ako? Galit parin pa ba siya? Susundan ko siya!
At umalis ako ng walang paalam sakanila. At tumakbo papunta sa direksyon ni Nhur. Naririnig ko pang tinatawag ni Duke at Samara ang pangalan ko pero hindi kailangan kong mahabol si Nhur.
"Nhur!"
Wala parin siyang lingon."Nhur!!"
At nagpatuloy parin siya sa paglalakad"NHUR!"
Hindi niya parin ako pinapansin"Nhur! Teka di ako maka hinga"
Finally! Tumakbo na siya papalapit sakin."Ano ka ba naman Eun! Ayos ka lang ba? Let me take you to the clinic" sabi niya
"No, I'm okay. No need to wory. Napagod lang ako kakahabol. I'm okay, okay?" Sabi ko sakanya at tumango lang siya
"—but are we okay?" Sabi ko at tumingin sakanyang mga mata
"I'm sorry if iniwan kita dun, Nhur. I get it bat ka nagagalit and to the point na di ka sasabay kakain sa amin. It's just that sumama agad pakiramdam ko kaya ako nakatakbo sa CR. Pasensya na at pinagalala kita." Paliwanag ko
"Hay nako. Wag mo na yang uulitin ha? Pinakaba moko dun. At para rin akong tanga tinitingnan kang tumatakbo ka palayo sa akin.. ayoko ng umaalis ka sa tabi ko........." Sabi ni Nhur
"Huh? Anong ibig mong sabihin" tanong ko
Sasagot pa sana siya ng may nagsalita sa likod ko.
"Bro! Nakalimutan mo nga pala ID mo sa office ni Mrs. Montega. Buti nalang at nahanap kita" sabi nung lalake sa likod ko
Yung boses na yun. Kilalang kilala ko yun. Pero hindi pwedeng nandito siya!!! Pero hindi rin akong pwedeng magkamali.
At sa pag lingon ko sa lalakeng nasa likod ko..
"Ford......"
Kasabay ng pagpatak ng luha ko.
********************************************
Sorry for the short and very very very late update!!! I'm very sorry! I've been busy with mu studies & life! I'm sorry!!!Keep reading!! Love you all! ❤️
YOU ARE READING
Majestics Story
FanfictionEto ay isang kwento kung saan makikita mo ang katatagan ng pagkakaibigan ng The Majestics. All rights reserved✔