Eunice's POV
HEY HEY HEY HEEEEY!!!!
Di naman siguro halata na excited ako eh noh? Ngayon kasi ang simula ng 3rd year highschool namin, so bale returning of class. August na ngayon, if nagtataka kayo bakit ang tagal ng pasukan eh ang alam ko ginaya nila ang Amerika sa pag bubukas ng pasukan, pero sa Amerika yata eh sa September magsisimula. Aish, pake ko ba? Excited talaga ako kasi syempre namiss ko yung mga tropapips ko, its been a while.(A/N: Naku! Para namang di kayo nag kita eh, kahapon sabay kayo namili ng school supplies.)
Hehe. Sorry naman author, di ka naman mabiro eh. Ay oo! Magkasama pala kami boung summer vacation.
Nasa sasakyan na kami ni daddy, bale malapit na kami sa school pero kainis naman tong traffic eh! Patay talaga ako sa tropa neto.
Hahays.
"Daddy? Matagal pa ba tayo sa school?" Sabi ko kay daddy. Naiinip na ako.
"Hay nako ate, eh kung bumangon ka agad nung ginising kita edi sana di tayo aabutin ng traffic." sabi ng echosera kong froglet na brother.
Inirapan ko nalang siya, sabagay may point naman siya.Tumawa nalang si daddy sa amin dalawa.
After 15272926393028 years, ay nasobrahan yata haha, at ayun! Nakita ko na ang school ko!! Omg.
Bumaba na ako agad at syempre kiniss ko muna si daddy sa cheecks.
Nag lalakad na ako ng-Shet.
Patay.
Nakikita ko na sila mula dito.
Nag aabang sa akin.
LATE NA NAMAN BA AKO?!
Tumakbo na ako agad sa kanila, ng merong napakalawak na ngisi para naman kunwari di ko alam. Hehe. Patay nako neto!
"Wag mo kaming nginingisi dyan" sabi ni Emanuell/Eman. Hay nako! Natatakot talaga ako pag nag salita siya ng ganyan, aakma na sana akong magpaliwanag kaso-
"Late ka na naman" hala nag salita si Rafie, minsan lang yan magsalita kaya talagang naiinis na guro to, ayaw pa naman niyang naghihintay.
"Patay ka nanaman Eun (pronounce as 'yun') " Sabi ni Janpi. Sinenyasan ko naman siya ng tulungan-mo-ako-dito look. Kaso wala tumatawa lang siya ng palihim, nako nako! Babatukan ko talaga siya mamaya.
"Eunice Cessy Leamse, nag hintay na naman kami" sabi ni Nelly at Husya. Binigyan ko lang sila ng peace sign. Hehe. Tsk tsk bakit ba kasi ako nalate?
*FLASHBACK*
Kasalukuyan akong nanonood ng movie nila Liza Soberano at Enrique Gil na pinamagatang Just The Way You Are.
Kanina pa ako tumatawa mag isa, kanina pa nga ako nanonood eh.
Andami ko ng movies na napanood, binalak ko kasi talagang mag alone movie marathon.
Kaya pagka bukas-
"Ate, gising ka na oh! First day na ng school!" pasigaw na sabi ni Shaj.
Binato ko lang sakanya ang alarm clock, pero siguro naka ilag kasi wala naman akong narinig na umaray o ano bang tawag dyan. Sinenyasan ko siya na umalis at maliligo lang ako. Pero ang totoo natulog ako ulit. Hehe.
*END OF FLASHBACK*
Kaya ayun, nahuli ako ng gising at nalate kami. Bakit ba ang dami namin?! Di ko tuloy makita si Duke. Siya panaman ang tig tanggol sa akin. Huhuhu.
"Hay nako! Inaapi niyo na naman si Eunice" Wooh yes! Sabi naman ni Duke. YES DUMATING DIN! Safe na ang lola niyo. Yes!
"Sige kampihan mo pa, Duke" sabi ni Alyza, ambad talaga nila sa akin huhuhu. Why not forgive me nalang kasi.
"Sus, pagbigyan niyo na, kaysa sa pagalitan niyo, pumunta na tayo sa sections natin" suhestiyon ni Duke.
At buti naman at sumangayon sila. Haysss. Im safe.
Tumabi ako kay Duke habang naglalakad.
"Duke beshy, thank you kanina ha, savior talaga kita." with matching pabebe pa HAHAHA. Besties kami ni Duke since grade 6. Pero mas matagal ko ng kaibigan si Sol, noong grade 5 pa kami nun.
"Tigil tigilan mo ako Eunice. Hays naman kasi Eun, agahan mo na yang pag gising mo. Ako tuloy napapahamak sa squad natin. Osge pinapatawad na kita" AYUN! Sabi na di niya ako matitiis eh. Hihihi.
Ay di pa pala ako nag papakilala, hehe sorry naman. I'm Eunice Cessy Leamse, hango ang name ko sa name ni mommy na Cessil. Then yung kapatid ko naman na lalake ang pangalan naman niya is Ethan Shaj Leamse. Kung tatanungin niyo saan lupalop ng mundo nakuha ang "Shaj" aba di ko rin alam. So better shut up. Hehe. Im 16 yrs. old, 3rd year highschool, Single. Nag aaral ako sa Royal Eastwood Academy. I have a squad, and we're compose of 10. Sila ay si-
*Nelly Villaquez
-Siya ang pinaka eldest sa amin, ay pero months lang ang lamang namin sa isa't isa. Hehe. Part of honor students si Nell pero kasali rin ako dun, wag kayo. Bleh. Siya yung mature kung mag isip sa amin, ate atehan ko na rin yan. Part siya ng Math Club sa school, matalino eh.*Husya Gomez
-Ang pag pronounce ng name niya ay "usha", siya yung makinis, maganda, pero di naman katangkadan, mag jowa sila ni Rafie. Grabe to maka advice, wagas! Parang na experience na niya lahat ng dapat mapagdaan ng isang tao. Pero may pagka childish din. Part naman siya ng Cheerleeding Squad, maganda eh.*Alyza Montega
-Eto yung pinaka close ko sa aming lima na magbabarkada. Eh kasi parehos kaming bunso, pero mas bunso siya ng 14 days sa akin. Honor student din siya. May golden voice yang si Aly, wag niyon iniismall. Part naman siya sa Glee Club.*Samara Uege Hilton
-Eto yung joker sa amin, pero ang daming lovelife lahat naman di nag work. Alam niyo ba na sa groupchat namin sa messenger eh, bigla bigla nalang yang magsesend ng voice message niya nang kumakanta ng Milo song ni James Reid. May pagka topak yang si Sam. Part naman siya ng Dance Troupe.*Eunice Cesiara Williams
-AKO YAN! NO NEED TO DESCRIBE.*Duke Cabarial
-Bff ko yan! Siya talaga yung tigligtas sa akin, pagnapapahamak ako. Ti'g libre ko yan, konting pabebe eh nakukuha ko naman. Wala pa yang lovelife, sabi niya last year magkaka lovelife na daw siya pag 3rd yearhigh na siya. Ewan ko, angulo. Feeling gwapo rin si Duke. Asin sobrang hangin niya. Sobra pa sa bagyo. Hehe.*Emanuell Soledad
-Pero mas gusto niya na ang itawag sa kanya ay Eman. Pero syempre, matigas ang ulo ko, Sol ang tawag ko sakanya, atfirst ayaw niya talaga pero napilit ko rin, aakma nga sana ang tropa na tawagin siyang ganun pero sabi niya wag daw kung ayaw daw nilang kumain ng bomba. Ang saklap noh? Hahaha. Part naman siya ng Soccer Team namin, bale siya ang captain.*Janpi Potter
-Ay eto! Si Janpi, matinik sa chics yan! Isang kindat lang, jusko maka laglag panty. Kaso di na umuubra sa aming babae niyang kaibigan. Parehos kaming mahilig sa soccer, pero di yung soccer na laro talaga yung sa messenger lang, yung pinipindot na dapat di mahulog. Gets mo? Kung hindi, eto bomba, kainin mo. Part naman siya ng Volleyball Club.*Yvan Lee
-Bestfriend siya na Duke. Mayaman ang pamilya nila. May ari ng lahat ng airlines sa pilipinas. Mala mansion ang bahay nila Yvan. Kaya doon kami madalas nag sle-sleepover. May jowa na rin yan si Yvan, pero taga ibang bansa, o diba? Lakas maka punit ng chics, di na dito sa pilipinas, sa ibang bansa na. Part naman siya ng Basketball Team, parehos sila ni Rafie at Duke.
*Rafie Lou Guzman
-Jowa ni Husya. Matangkad, pero tahimik lang. Pero pagkalabanin mo sa arts, jusko habang maaga pa mag back out ka na. Tahimik man si Rafie, pero pag nag salita may sense talaga. Di ko ba alam bakit nagkagusto si Husya dito, hehe jk lng :)))))So ayun na nga, kami ang tinagurian sa school na The Majestics.
YOU ARE READING
Majestics Story
FanfictionEto ay isang kwento kung saan makikita mo ang katatagan ng pagkakaibigan ng The Majestics. All rights reserved✔