Eunice's POV
OMG!!
Di talaga ako maka paniwala.
Huhuhu nakakalaglag panty mga bes!
Shet di ko akalain!
Classmate ko si Nhur.
YUNG CRUSH KO LANG NAMAN!!!!
Ano kaya mukha niya sa personal?
Hanggang stalk lang kasi ako.
Gwapo kaya siya?
Sana naman.
Shet talaga!!!
"Take your seats" Ay? Nandyan na pala yung teacher namin. Di ko man lang napansin na pumasok siya. Eto kasing si Nhur, di na naalis sa utak ko. Hehehe.
(A/N: Sisihin ba naman? -,-)
Wala kang pake Author, bleh!
"So now class, introduce yourself first" Yes! Walang lesson BWAHAHAHA.
Nagapakilala na kami.
"Hi I'm Nelly Villaquez" pagpapakilala ni Nell, with matching peace sign pa. Ang kulit hahaha.
"Husya Gomez naman name ko" Hay nako. Napaka hinhin talaga ni Husya parehos sila ni Rafie, what a perfect match!
"I'm Alyza Montega, call me Aly" sabi naman ni Aly.
"HELLO SA INYO AKO NAMAN SI SAMARA UEGE HILTON!!" Jusko naman tong babaeng to! Parang naka lunok ng mic.
Tapos ah, turn ko na pala.
"Hi guys! Ako nga p-pala s-si ano ako si ano si E-eun-nice Ce-essy Le-ea-amse" nauutala ako habang nagpakilala ako habang tutok sa labas ng room,may nakita akong lalake, sigurado akong si Nhur yun.
"O ayan na pala yung isa sa bago niyong kaklase, pasok ka Mr. Niyscom" saad ni Ms. Vergara
Hala!!! ANG GWAPO NIYAAAAAA!!
"Hello! Ako si Ericho Alnur Niyscom call me Eric" Sabi niya
"Mr. Niyscom doon ka umupo sa tabi ni Ms. Leamse" shet naman Maam! Di ako ready eh, bata pa ako huhuhu.
"Kaya pala nauutal si Eun dahil kay Eric eh! Ayieeee!" Sigaw ni Jeremy, isa sa mga classmates namin.
Nahiya ako kaya feel ko na namula na talaga buong mukha ko.
Si Nhur naman ngumiti lang at kinamot ang batok niya.
Kaya sabay na kaming pumunta sa upuan namin.
Nagpakilala na lahat pati na ang mga bestfrienda kong lalake.
Alam mo yung salitang AKWARD? Ganun kami ni Nhur ngayon.
Bale ganito amg seating arrangements naming tropa
Husya|Rafie Ako|Nhur Aly|Duke
Samara|Yvan Nell|Eman Janpi|KezGanyan. Walang nagsasalita ng biglang pumasok si Lily, Campus President.
"Maam Vergara, may urgent meeting lahat ng staffs,at faculties kaya free time lahat ng students whole day, pero bawal umabsent, secretaries of each room should still check the attendance" tumango naman si Maam at sinabi sa amin na mag pa check parin ng attendance kahit walang klase.
At umalis na siya.
"WOOOOH! PARTEH PIPOL!" Sigaw ni Samara.
Kaya nag si alisan na lahat ng estudyante at napagplanuhan namin na pumunta sa tambayan. Sinama ni Janpi si Kez. Di ko alam anong status nilang dalawa. Ayaw pa kasi umamin.
Kinausap ko si Nhur.
"Nhur, ano kasi dahil wala ka pa namang close, sa amin ka muna sumama" ngumiti siya at sinabi na
"Ikaw lang dapat ang tumawag ng Nhur sa akin ha, Cess" ano daw? Cess? Sino yun?
"Huh? Cess? Sino yun?" Tumawa lang siya sa akin
"Edi ikaw, diba second name mo ang Cessy? Oh edi Cess ang tawag ko sayo, para unique tayong dalawa" Kinilig naman ako dun.
"HOY KAYONG DALAWA! ANO HINIHINTAY NIYO PASKO?" Sigaw ni Samara sa amin, kahit kailan talaga kontrabida talaga to eh. Pero love ko naman siya.
Binatukan naman siya ni Yvan.
"Nakikita mo na ngang nagmomoment yung dalawa, sinisira mo pa" And guess what? Nag si batukan silang dalawa.
Kaya binira ko nalang si Nhur papunta sa tambayan.
Pagkarating namin doon eh nagtaka ako kung nasaan si Duke.
Tinanong ko si Aly, sabagay mas close naman silang dalawa at seatmates sila so baka alam niya.
"Aly, saan si Duke? Hindi ko siya nakita sumabay sa atin eh"
"Ang sabi niya may pupuntahan lang siya- Oh ayan na pala!"
Pumasok si Duke ng kasama ang isang babae, teka classmate namin to ah?
"Guys! Sorry late ako, atsaka sinama ko si Mau" sabi ni Duke.
Kinukulit ng tropa si Duke dahil kay Mau.
Eh etong si Mau, nahihiya rin sa amin.
"Ah pupunta muna ako sa CR" sabi ni Aly. Bakit ganun si Aly?
Di ko nalang pinansin.
*chika*
*chika*
*chika*
Teka parang angtagal naman yata ni Aly?
Parang may mali eh.
Sinabi ko sa tropa na naiihi ako pero palusot lang iyon, gusto kong kausapin si Aly.
Di naman siya ganun pag nalelelate si Duke.
Ngayon lang ng kasama niya si Mau.
SI MAU!!!
OMG.
DI KAYA?!
Nagseselos si Aly kay Mau?
YOU ARE READING
Majestics Story
FanfictionEto ay isang kwento kung saan makikita mo ang katatagan ng pagkakaibigan ng The Majestics. All rights reserved✔