Alyza's POV
Hi I'm Alyza Montega. Ang daughter ng may ari ng Royal Eastwood Academy. Kasali rin ako sa The Majestics.
Pinaka close ko sa aming tropa ay si Eunice at Duke. Para kaming triplets kumbaga.
Alam niyo kanina? Ang saya saya ko na tingnan si Eun habang nag uusap sila ni Nhur. Long-time crush kasi yun ni Sis, kaya siguro kinikilig na yun ngayon.
Eto naman si Duke, lagi niya akong inaakbayan, lagi niya akong pinagtatanggol. Kahit palakol ang mga grades niya eh makikita mo na nag eeffort siya para pumasa.
Kaya di na kayo magtataka kung nahulog ang loob ko sakanya.Papunta na kami ng tropa sa tambayan ng may binulong sa akin si Duke.
"Aly, may pupuntaha muna ako ha, paki sabi sa tropa kung magtatanong sila" tapos tumakbo na.
Saan naman kaya yun pupunta?
Matagal na akong may gusto kay Duke since 1st year highschool kami. Mabait kasi si Duke. Yung tipong masasabi mong night and shining armor mo.
Nagsimula yung feelings ko para sakanya noong-----
*FLASHBACK*
Naglalakad ako papuntang 7/11 kasi bibili lang ako ng makakakain.
Take note, naka uniform ako then ang iksi pa naman ng palda namin.
May narinig ako na sumitsit. G*go, sino yun?
"Ah mish ... shaan ... *hik* ka fufunta?" Sabi ni manong na halatang lasing na.
Taena naman manong! Ang tanda tanda eh ang landi.
"Mish ang kinish ng valat mo ah" sabi ni Manong Lasing #2.
Hindi ko ba nasabi na lima sila? Hahaha.
Hahahahahaha.
AMPOTA OO LIMA SILA?!
Papalapit na sila sa akin, natatakot na ako, nga biglang-
*BOOGSH*
*POOOOW*
*BOOGSH*
Hala? Sino yun? Binababa ko na ang libro na tinakip ko sa mukha ko kanina.
Teka?! Si Duke ba yun?!
"DUKE?!" sabi ko
Humarap siya sa akin. SABI NA SI DUKE EH!!!!
(A/N: Sino namang may sabi na hindi si Duke yan? Diba wala? Uso gamitin ang utak)
Taena naman Author, eh kung iuntog kita sa pader?
(A/N: Baka gusto mong patayin kita sa storyang to?)
Si Author naman di ma joke! Ang cute cute mo talaga Author. Kaya mahal ka namin eh.
Balik sa realidad. (Para namang nawala? -,-) hehe sornah man.
"Sinaktan ka ba nila Aly?!" Pagaalalang sabi ni Duke.
Pero dahil nashock ako sa lahat ng nangyari eh hindi ko napigilan na umiyak.
Pi-net niya nalang ulo ko at sinabing
"Hayaan mo Aly! Lagi na akong nandito para sayo, lagi kitang ipagtatanggol" Sabi niya
"Di mo *sniff * naman *sniff * kailangan gawin yun eh?" Sabi ko
"Kailangan yun Aly, ganyan ang gawain ng mga gwapo" ay sinimangutan ko siya at siniko pero di naman malakas.
"Ang cute mo talaga! Pero dahil importante ka sa akin, mahal kita, mahal ko kayo ng tropa kaya ayaw kong mailagay kayo sa ikakapahamak niyo" Sabi niya
At umalis na kami.
*END OF FLASHBACK*
Doon nagsimula ang feelings ko sakanya, pero kahit si Eun hindi niya alam na may nararamdaman ako para kay Duke.
Kaya nalang nag walk out ako noong nakita ko si Duke kanina na kasama yung kaklase naming si Mau. Naka ngiti pa ang g*go.
Nagselos ako nun. Uminit ang dugo ko kay Mau kaya minabuti ko na umalis.
At ngayon naka harap lang ako sa salamin.
"Tangina naman Aly! Nagseselos ka kila Mau at Duke? Eh sa sino ba ang nagsabi na may karapatan ka? UMASA KA KASI! Yan ang hirap sayo. Ang tanga mo Aly! Matalino ka nga sa school pero sa pagibig kulelat ko. Angtanga tanga mo!!!!"
Sabi ko habang naka harap sa salamin."Tapos ka nang mag drama jan?" Nakita ko si Eun na naka sandal sa may pintuan. NARINIG NIYA BA YUN?!
"Yes Aly, narinig ko" aba? Mindreader na pala siya ngayon?
Pumunta siya sa harap ko at sinabi na
"Bakit di mo sinabi sa amin? O kahit sa akin na lang Aly? Magkaibigan tayo, please pagkatiwalaan mo naman ako sa nararamdaman mo. At eto ang sasabihin ko sayo, di ka tanga Aly, sadyang nag mahal ka lang talaga. At di yun nakita ni Duke. Pag pasensyahan mo na yung kumag na iyon. Kaya Aly, para saan nalang ang pagkakaibigan kung hindi mo rin pagkakatiwalaan? Aly nandito ako lagi para sayo" umiyak naman ako sa sinabi mi Eun, tama siya kailangan na may sinasabihan ako ng problema.
"Sorry Eun dahil di ko sinabi sayo, takot lang ako. Pero kasi ang tanga ko dahil minahal ko si Duke eh alam ko na wala talaga akong pag asa. Ang sakit sakit lang kasi Eun" sabi ko habang tinuturo pa ang puso ko.
"Mahal mo siya diba?" Biglang tanong ni Eun. Tumango lang ako.
"Pag nasabi mo sa sarili mo na handa ka ng mahalin siya eh dapat isipin mo rin na handa ka dapat na masaktan. Pain is part of love. When you get hurt it means that you really love the person. Kahit ilang beses ka niyang saktan, accept it. Kasi minahal mo siya kung ano siya. Kung di man magiging kayo maging masaya ka para sa kanya, maging masaya ka kung saan siya masaya. Wag mong isipin na di mo siya deserve, bagkos isipin mo na di ka niya deserve. Mabait, maganda at matalino ka Aly. Marami lang lalake dyan na para talaga sayo. Wag mong saktan ang sarili mo sa isang tao na di naman karapatdapat. Isipin mo rin ang naka paligid sayo Aly. Nasasaktan kami na ganyan ka kumilos." tama si Eun! Dapat di na ako masyadong naapektuhan. Dapat maging handa ako sa pwedeng mangyari. Kung di man matupad na kami ang magkatuluyan eh maging masaya nalang ako. Nasasali ko pa sa kagagahan ko ang tropa. Kahit di nila sabihin alam kong nagaalala sila para sa akin.
Ngumit lang ako kay Eun.
"Salamat Eun ha! Thank you for being there sa akin. Sorry narin" Sabi ko tapos nag iyakan nalang kami at nag yakapan.
Maswerte ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nila. Na katulad ni Eun.
Hahays. Lalayuan ko muna guro si Duke. Bakit?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.MAG MOMOVE ON NA ANG LOLA NIYO!!!!
YOU ARE READING
Majestics Story
FanficEto ay isang kwento kung saan makikita mo ang katatagan ng pagkakaibigan ng The Majestics. All rights reserved✔