Duke's POV
Actually kanina pa ako dito sa school, kanina pa KAMI. Kami ng tropa si Eunice nalang talaga ang kulang.
Patay talaga tong babaeng to!
Dahil naiinip na ako na maghintay nag paalam naman ako na pupunta lang sa canteen para bumili ng maiinom.
Habang nasa canteen ako, ang daming naka tingin na babae sa akin.
Ang hirap maging gwapo.~Kyaaah diba si Duke yan?
~Oo girl, yung kasama sa grupong The Majestics
~Ang hot niya pala sa malapitan
~Oo nga eh, ang gwapo talaga niya
Hahays. Ang gwapo ko talaga.
Kaya umalis na ako sa lugar na iyon. Baka rape-an pa ako dun. Hahaha.
Naglalakad na ako ng may mabangga ako. Anak ng tipaklong! Buti nalang di ko pa nabubuksan yung binili ko.
Pagtingin ko sa nabangga ko eh
WOW.
Ang ganda, amputek!
PARAISOOOOOOO!!!!!
"Sorry po" sabi niya. Napakahinhin naman niya.
"Ah-eh okay lang, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito" Sabi ko naman
"Oo bago lang ako dito. I'm Maurie Arzon call me Mau" sabi niya sabay lahad ng kamay. Hahawakan ko ba? Hehe. Nahihiya ako eh. Pero sige, chance nato mga pre!
"Duke Cabarial" pag papakilala ko tapos nag shake hands na kami, at nag paalam siya na mauuna na. Hahanapin pa daw kasi niya section niya.
Kaya umalis nalang ako at sinabi na na kitakits nalang kami.
Naglalakad na ako papunta sa kung saan nag aabang ang tropa kay Eun.
Nakita ko na sila at yung bag ng isang babae, paniguradong si Eun yun.
Kaya pinuntahan ko na sila at sinabihan na wag na awayin si Eun. Bakit? Kasi alam ko naman na nanood siya mag damag ng movies.
*FLASHBACK*
Dahil bored ako, tinawagan ko muna si Eun. Para may maki chika kaso pag sagot niya sa tawag ko
"ANO BANG KAILANGAN MO?! LAHAT NAMAN BINIGAY KO SAYO?! DI PA BA KUNTENTO, PARA LOKOHIN MO AT SAKTAN AKO NG GANITO?!" Umiiyak siya ng sinasabi niya yan. Hahays.
Tumukar na naman sakit neto!
"Ano na naman bang ginagawa mo sa buhay mo?" Sabi ko
Napahinto siya.
"Ay hehe. Hi Duke! Eto nanonood ako ng movie. Mag momovie marathon kasi akong mag isa ngayon" huh? Nag momovie marathon siya? Eh maaga siya bukas eh.
"Hay nako! Maaga pa tayo bukas Eun. Papagalitan ka talaga ng tropa pag nalate ka" naiimagine ko na ang mukha niya ngayon. HAHAHAHA!
"Osge na nga Duke, promise malapit natong matapos then matutulog na ako. Babye na" sabi niya.
"Hahays osge na. Babye. Nyt Eun" saad ko.
"Goodnight Duke!" Tapos inend ko na ang tawag.
Alam ko na naman na hindi lang iyon ang papanuodin niya. Naku! Malelate talaga yun, sigurado!
*END OF FLASHBACK*
Tama talaga ang hinala ko. Late siya at pinapagalitan na naman siya ng grupo.
Kaya dahil, gwapo ako, edi to the rescue ako.
After nung pagtatanggol ko sakanya, nag pasalamat naman siya sa akin.
Hahays. Besties kasi kami ni Eun since grade 6. Seatmates kasi kami sa Math Class. Then sa original seats naman ay likod ko siya at katabi ko si Alyza. Kaya kami close.
Then nabuo naman ang tropa namin na The Majestics noong 1st year highschool kami.
Dati dalawa lang ang babae, at yun ay si Eun at Aly. Pero noong tumransfer sila Nell, Husya at Samara sa REA (Royal Eastwood Academy) naging ten na kami. Going strong parin kami.
Ang pinaka close ko talaga sa kanilang lahat ay si Yvan, Eun at Aly.
So ayun.
Naglakad na kaming lahat papunta sa section namin, alam na kasi namin na magkakaklase kami, sinet na yan ni Aly na dapat kaming magkaklase. Nagtataka kayo paano niya na set? Ang Montega Family kasi ang may ari ng school na pinapasukan namin.
~Janpi! Akin ka nalaaaaang
~Duke, pakasal na tayoooo
~Yvan! MAHAL NA MAHAL KITA
~Eman! Ang gwapo mo!
~Rafie! Bunti-
Di na natuloy nung babae yung sasabihin niya dahil sinamaan lang siya ng tingin ni Husya. Nakakatawa talaga basta nagalit si Husya kaya inakbaya nalang siya ni Raf.
Edi sila na may lovelife, pwe!
~Nelly! Bebe loves koooo
~Eunice ang sexy mo talaga!
~Aly! Sabay tayo lunch
~Samara! Liligawan na kitaa
~Husya! Maha-
Tiningnan ni Rafie kung sino nag sabi nun, yung tingin na ayaw mo nang makita kaya
~Husya! Mahal ka ni Rafieee
Tumawa nalang kaming lahat.
Pumunta na kami sa building namin at nag hinanap ang section naming lahat
"GUYS NANDON!" Sigaw ni Samara. Kahit kelan talaga tong babaeng to!
Kaya pumunta narin kami kung saan tinuro ni Sam yung lugar.
Bago kami pumasok eh binasa namin ang mga magiging kaklase namin.
May nabasa ako sa babaeng listahan na Maurie Arzon. Teka? Parang may naalala ako, pero di ko maalala.
Ano daw? HAHAHAHA.
At pumasok na kami, pero tiningnan ko si Eun na nakatunganga sa listahan.
Pinuntahan ko siya para tanungin anong meron.
"Oh? Bakit Eun? Anong problema mo?" Sabi ko
"KYAAAAAAAAAH!!!!" Tili niya kaya agad naman akong napatakip sa tenga ko.
Pinitik ko naman siya sa noo para bumalik sa realidad.
"HUY! ANO NGA?! SABIHIN MO NALANG KASYA SA TUMILI KA JAN" Saad ko kaya tumigil siya at tumingin sa mata ko.
Shet. Alam kong kinikilig ang mata niya.
Bakit naman kaya?
Bumuntong hininga siya.
"CLASSMATE NATIN SI ERICHO ALNUR NIYSCOM! KYAAAAAAAH" sabi niya habang sumasayaw pa na parang balerina habang hawak ang palda niya.
Kaya naman pala. Classmate namin yung kinekwento niya nung Summer na stinastalk niya.
Tumawa nalang ako. At sinabi na pumasok na kami kasi magsisimula na.
Kaya pumasok na kami, at-
SHET SI MAU! BAKIT SIYA NANDITO?
(Konsensya: Tanga lang? Siya nga si Maurie Arzon diba?)
Ay korek! Hihihihi. Ewan ko ba kung bakit kinikilig ako.
Well well well, not a bad year after all.
YOU ARE READING
Majestics Story
FanficEto ay isang kwento kung saan makikita mo ang katatagan ng pagkakaibigan ng The Majestics. All rights reserved✔