Teaser

308 176 8
                                    

Takbo ako nang takbo sa masukal na kagubatan. Madilim at malamig na ang gabi na nagbibigay ng kilabot sa aking katawan. Hating gabi na at ito ako ngayon, hinahabol ang taong pamilyar sa akin. Hindi ko na alam saan ako pupunta.

Patuloy lang ako sa pagtakbo, hindi inaalala ang mga galos sa aking katawan dahil sa mga sanga. Sa kasamaang palad ay naputol ang isa kong tsinelas habang tumatakbo.

Bakit kasi ako naka tsinelas? Malas naman oh!

Wala na akong oras para isaayos ito kaya minabuti ko nalang itong iwan. Wala namang sasay kung aayusin ko pa ito at tumanganga nalang. Kailangan ko siyang maabutan.

Bakit ngayon pa ito nangyari? Sa dami-daming oras at pagkakataon, bakit ngayon pa kung saan hindi ako handa. Akala ko handa na akong makita siya, harapin at malaman ang katotohanan. Pero hindi pa, hindi pa ayos ang lahat.

Ayaw ko ng pumasok na naman sa gulo. Kung kailan maayos na kami. Kung kailan nagkakabutihan na kami. Ayaw ko ng maulit ang nakaraan. Sawa na akong balikan pa.

Patuloy parin ako sa pagtakbo kahit wala ng sapin ang aking isang paa. Tumitingin ako sa palagid baka makita ko pa ang anino man lang niya o kahit prensensya man lang.

Nakaramdam ako na parang may tumingin sa akin kaya dali-dali akong tumingin sa aking likuran. Nakakita ako na parang may tumakbo kaya tumakbo na rin ako papalapit doon. Kailangan ko siyang maabutan. Wala na akong paki kung papagalitan niya naman ako.

Napahinto ako sa pagtakbo nang may naapakan ako. Tinignan ko yun at isang basag na bote ang aking nakita. Kinuha ko ang basag na baso sa aking paa, hindi iniinda ang sakit. Pagkuha ko nagsimula ng umagos ang dugo nito. Kitang kita ko kung paano ito umaagos sa aking paa.

Nabaling ang aking tingin sa aking gilid nang may napansin akong nakatanaw sa skin. Agad kong sinira ang ibabang damit ko para matabunan ang dumudugong sugat. Wala akong oras para indihin ang sugat. Tinignan at pinagmasdan ko ulit ang paligid at hindi na ito gaya kanina na tensyonado, hindi na ko na rin naririnig ang mga uwak na napakaingay kanina.

Napa upo nalang ako sa gilid ng isang puno. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Maging masaya ba ako dahil nakita ko ang taong matagal ko ng hinanap.

O maging malungkot dahil hindi ko man lang siya nakausap at nahawakan man lang. Hindi ko din maanig masyado ang kanyang mukha pero sigurado akong siya ang taong matagal ko ng hinanap.

O magalit dahil sa ilang buwan namin siyang hinanap at ako ang sinisisi ng lahat kung bakit siya nawala. Hindi man lang siya nagpapaliwanag kung anong nangyari sa kanya?

Ang daming tanong na tumatakbo sa aking isipan na kahit isa man lang ay walang kasagutan. Saan na siya nakatira? Sinong nag alaga sa kanya sa loob ng ilang taon? Bakit hindi siya nagpapakita sa amin ng ilang taon? Anong nangyari matapos ang aksidente? Bakit buhay pa siya?

Hindi ko na alam. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Sabi ni Lolo hindi daw dapat kami mawalan ng pag- asa pero ito ako ngayon, gusto ko ng sumuko. Hindi ko na kaya. Ang sakit na.

Biglang umikot ang aking paningin at para akong nahihilo. Nagsimula ng madilim ang aking paningin. Hinawakan ako at may nakapa akong malagkit.

Nakakita ako ng dugo sa aking kamay galing sa aking ulo. Hindi ko alam kung paano ito nangyari at hindi ko man lang ito naramdaman kanina.

May narinig akong kaluskos sa aking tagiliran at nakita kong may paparating na tao. Malaki ang katawan, may katangkaran. Biglang umikot ang aking paningin at para akong nahihilo. Nagsimula ng madilim ang aking paningin. Hindi ko na maanig ang kanyang itsura dahil sa panlalabo ng aking paningin. Hindi nagtagal naramdaman ko nalang na ako ay binuhat nito.

"Shit! Sorry for not being with you. This is all my fault. Sleep now baby everything will be alright. Whenever you're with me, you're safe. You will always feel safe in my arms. I'll never let you go, again," huling katagang binitawan niya bago ako nakaramdam ng panghihina.

----
Yynelicious

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now