“we're here” simpleng sabi ni Kuya habang inaantay ang pagbubukas ng gate.
P
The car is heavily tinted kaya ‘di halata ang nasa loob, sinipat ko ang kabuoan ng bakuran it’s still the same maging ang mga poste ng bahay ganoon parin and when I say ganoon parin ibig sabihin ay ubod ng linis ni wala akong makitang bitak o dumi kahit pa ang mga halaman well trimmed at walang naliligaw na damo.
Bago paman maka diretso sa parking lot ay sinabihan na ako ni kuya na bumaba para mas mapabilis ang akyat ng mga gamit. I gathered my gadgets and slid it inside my bag bago muling bumaling sa front seat.
“I miss nanay. “ wala sa sariling wika ko habang pinaanood si kuya na naghahanda naring bumaba.
The house helps here are new, wala akong matandaan kahit isa. Yung dati kasi na nakalakhan ko nagtratrabaho na sa kompanya or firm tapos yung iba nasa Manila or Cebu.
Ngumiti si Kaya habang may kinukuha sa bag, “Nostalgic?” komento ni Kuya habang ako naman natulala sa bukana ng bahay.
I smirked, this is my home. This is where I grew up and it saw everything that happened from my childhood. Dito kami masaya kahit pa busy pareho sila Mama at Papa sa trabaho, they still manage to be with us.
Ito lang talaga ang rason ba't ako pumayag sa aral aral na sabi nila dahil alam kong dito ako mag-aaral kasama si Kuya kasi wala nang magbabantay sa akin pag nag maynila pa,
hmm there’s tito Phil but I doubt na papayag doon si Papa dahil andoon rin si Tricia.
Binuksan ni Raymond ang back compartment saka isa-isa nang binababa ng kasambahay ang mga gamit, si Kuya bumaba narin habang naka sunglasses na akala mo turista terrorista naman ang dating.
“Ako na dyan Rosalie, ipahanda mo nalang ang pagkain.” I overheard Kuya talking to the house help who attempted to carry my luggage.
Oh well twenty five kilos yun dapat lalaki talaga ang magbuhat
Namula ang kasambahay at lihim na napangiti, kinikilig ata para na siyang kamatis. Bumuntong hininga siya saka marahang tinapik ang pisngi bago lumakad kaya sumunod narin ako.
Sa likod siya dumaan dahil may pinto doon na diretso sa kusina, pinasadahan ko ng tingin ang garahe sa ibaba at nakita kong nililinisan pa ang ibang kotse kaya naman pala pinababa na kami para di na mas maantala.
Dumiretso na ako sa kusina at naghalungkat sa ref, pasado ala una na at dahil inumaga na ako sa pag i'empake tinanghali na ako ng gising kaya no breakfast for me kasi baka mabugahan na ako ng apoy ni Kuya.
I settled on the box of fresh milk and watermelon na naka slice na in half pinatong ko iyon sa may table saka naghanap ulit ng baso at kutsara, good thing at hindi pa nabago ang arrangements kaya hindi na ako nahirapan.
Dumiretso ako sa bar counter at naupo sa high chair, bunned my hair saka nilantakan ang watermelon.
Juicy! Ibilad ko kaya ang buto nito tas budburan ng asin?
“nako Ange! Bilisan mo na at maghain, pinapahanda na ni sir Lowell ang pagkain dahil gutom na si Mam!” aligagang apura ni ateng kamatis dun sa may hawak ng isang tray ng buttered chicken.
Pwede penge?
Sa sobrang aligaga ‘di na ako napansin, buti naman alam nila na gutom na ‘ko kaya nga etong watermelon at gatas kahit weird sarap na sarap na ako lul.
“mahadera ka talaga Rosa! Mahirap kaya lutuin ang mga ito, maka apura naman at nagpapakyut ka lang naman kay sir.” Taray nung isa.
Hala chismis, this is getting interesting ehem,
