Chapter 4

25 2 0
                                        



Tahimik ang paligid na parang nangiingganyo na matulog pa ng mahimbing, dim parin ang ilaw at andoon parin ako sa dating pwesto. Hindi na tulad dati na pag natulog ka sa sofa gigising kang nasa kama.

You have to grow up Rei! Wala kang mga magulang dito, ang kuya mo busy rin at hindi ata balak bigyan ka ng chismis sa buhay niya.

I inwardly smile, baliw na ata ako at kinakausap ko ang sarili ko. Well sabi naman dun sa nabasa ko mataas daw ang IQ ng mga taong kumakausap sa sarili, they have citations pero ‘di parin ako convinced.

Binalingan ko ang phone ko nang bigla iyong mag vibrate, ten minutes pass six na pala. Six thirty ang dinner time sa Cebu ewan ko dito kung ano ang siste ni Kuya.

“’Rie,” sagot ko sa phone habang lumalakad papunta sa walk in closet.

I am impressed with how they managed to buy the clothes that I wanted, inayos niya na raw iyon last month kaya hindi na ako nag abala pa na mag pack ng damit.

Kinuha ko ang black sweat short at gray sando saka nagbukas ng drawer para makakuha ng fresh panty para makaligo.

“Ate, OMG ate!” sigaw ni Eirie sa kabilang linya, she's my cousin sa father's side. Anak ng bunso nila Papa.

Kahit kailan talaga maka tili akala mo ang sarap sa tenga,

“O”

“Ate, totoo dito ka na raw? Dito ka na!?” tumili ulit, natawa nalang ako saka napaharap sa  malaking  salamin na naka attached sa closet kapag isinasara iyon.

“yah. “ simple kong sagot at nagtitili na naman ang bata, actually tatlong buwan lang ang tanda ko sa kanya pero dahil wala rin siyang kapatid na babae mas malapit siya sa akin.

Unlike me, mag co'college palang siya. She planned to take up accountancy at supportado naman nila tito na nakakainggit kung minsan. Buti pa tong gagang ito walang problema, ang simple ng buhay.

“Te magsalita ka naman! So gala gala ulit tayo tapos food trip! Ayiee 'di mo na makakasama yung mga bruhang uling at gold fish!” pertaining to Tricia and Dwayne na cousin ko sa mother side.

I chuckled on her rants, pano naman kasi ‘di talaga sila magkasundo even Tricia and Dwayne nagsasabunutan din minsan eh di ko naman ikakaganda kung aawatin ko't pinapabayaan ko nalang.

Ni loud speaker ko ang phone para makapag timpla ng temperature ng tubig habang kausap pa siya. More like siya lang ang nagsasalita, chismis updates nga raw sayang naman ang oras so maliligo ako habang ‘di pa siya tapos.

Inilublob ko ang sarili sa tub saka nilagyan ng treatment ang buhok, naglagay narin ako ng facial mask habang magbababad ako.

“ate you serious about law?” tanong niya bigla na nagpakuha sa attensyon ko, I shrug kahit pa ‘di niya iyon nakikita.

Alam naman niya na wala talaga akong kabalak balak dun, I just want to be away from their expectations. Hello? I’ll be the one to live this life not them. I still want to talk to them about this matter pero baka pag hindi rin naman kasi ako mag aaral ay bigla nalang akong pagtrabahuin sa kompanya.

“te, sagot sagot din pag may time dami mong sinasabi sa isip 'di mo naman masalita. Utak mo nalang sana may bibig” she commented after a while.

“Gaga” I blurted kaya napahagalpak siya sa tawa.

“I'm interested in programming, ‘rie” I honestly said

“walang course sa Pinas na pwede kang maging scientists at di naman ako papayagan sa ibang bansa, ito lang ang option ko” paliwanag ko,

Hindi naman siya slow kaya alam ko na gets niya ako. Besides among all the persons around me siya ang mas kilala ako.

His Enigmatic LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon