Mabilis lang ang takbo ng panahon, gumising nalang ako at patapos na ang second sem ng dalawang taon ko sa college. Iba talaga pag hindi ka bored dahil hindi ko mamalayan ang oras.
“Ikaw Rei, may crush ka?” usisa ni Thalia sa akin habang naka upo kami sa benches malapit sa mala ilog ng water lily.
The place is so quiet at perpektong tambayan pag gusto mong mag aral. Itiniklop ko ang laptop saka inayos ang handouts ng law school habang pinipilig ang ulo paharap sa kanya.
“Oo” sino ba naman ang wala diba?
I can’t even say na sapat ang salitang “crush” para doon, oh I can still remember how perfect his face is!
“ayiee sino?” nagtitili siya kaya naagaw rin pati ang atensyon ni Carlotta.
Lul, hala sila oh! Pag chimis talaga eh “uhm ---“
“ay I know na! si Ash!” she excitedly blurt out
Napanganga ako ng wala sa oras, wait what!?
“Akala ko si Ean, Rei!” sabat ulit ni Carlotta habang ‘di pa ako nakabawi sa nauna.
Loka-loka rin sila eh, nagtatanong tapos sila rin ang sasagot.
“Uhmm kasi di-“ ko kilala
“Ayiee baka both!” kinikilig nilang utas like wtf?
“both Rei? Nako iba ang hilig mo ha! Total opposite!” carlotta commented.
Ano daw? I don’t know if nasobrahan sila sa kakastudy o wala lang silang nakain at kung ano ano ang napupulot nila
Humagalpak nalang ako sa tawa dahil hindi ko na alam kung alin at paano ko sasabihin sa kanila, bulag ba ang mga ito?
“ang tanging pinagkaiba lang nila ay ang pagkatahimik at yung isa bulgar” saad ko
Tahimik si Ash, bulgar si Ean pero the rest magkapareho na. Parehong paker!
“Asus, Rei kunwari ka pa. Namumula ka na nga eh!” carlotta teased me pero mas lalo lang akong natawa.
Ito ang maganda sa kanila eh, pareho silang hindi typical na cliché na ipupush ka sa akala nila gusto mo kaya hindi ako na bo'bored kumpara sa iba kong mga ka’klase. Another thing is parehas silang bangag, akala mo di makabasag pinggan pero ang totoo may itinatago palang mga patalim
“pero ako feel ko talaga si Ean may something sa ‘yo, Rei!” si Carlotta
Haha feel mo lang yun feelingera ka kasi
“si Ash rin eh, halos di yun namamansin ng iba pero kahapon nakita ko sila ni Rei eh magkasabay tas tumawa pa!” chismis naman ni Thalia kay Carlotta kay nawindang na naman ulit.
Tawa lang ako ng tawa, kapag magsimula na kasi ang theory session nila ‘di yan makikinig hanggat hindi nila matatapos. Bakit kaya sila pasang awa sa philo 1 kung ganito sila mag isip.
“pero matinik parin yung Dela Monte no! See halos maraming nag co'confess sa page about sa kanya” Thalia blurted again.
Well this is chismis but I want to know anong ganap, aba at least may pantukso na ako kay Eirie ngayong bakasyon at uuwi ako sa Hacienda Dela Monte
“They always say na maganda raw pero RBF” patuloy ni Thalia
“RBF?” sabay ning sabi ni Carlotta,
“duh, Resting Bitch Face!” elaborate ni Thalia.
That is new to here, Eirie has that friendly aura o baka naman sa bahay lang siya ganoon at iba rito?
