Tahimik ang lahat sa bahay, kasisikat palang ng araw kaya bahagya pang madilim. I peed and did the rest of my morning rituals saka nagtungo sa baba para humanap ng pagkain.
It's already mid may pero hindi pa sila umuuwi, maybe they're having a great stay in there dahil hindi naman palaging nakakabisita sa hacienda.
Iginisa ko sa butter ang pininong bawang saka ipinahid sa wheat bread at pinalaman ng peanut butter, kulang ang salitang sagad sa ginagawa ko sa peanut butter. Ang dapat isang pares ng sandwich ay nagmukhang dalawa and I am not fully satisfied by how it looks kaya hinati ko iyon para maging triangle.
I made a nice presentation at sakto naman na tapos na ang kape. In ordinary days they would tell me not to drink black coffee baka daw masira ang growth hormones but bruh! Coffee have high antioxidants so bahala sila diyan. No one will know.
I place the sandwich and coffee in the balcony saka binuksan ang laptop para manood anime habang kumakain. I'm busy munching my food when nanay amor tapped my shoulders, I remove my earphones and pause the episode before turning on her
“nay”
“inday, yung eyeglasses mo kay aga pa laptop na kaharap mo pag gabi naman cellphone o libro maawa ka naman sa mga mata mo” sermon niya pa.
I just blink in front of her saka tumalima agad para makuha ang eyeglasses para tapos na ang usapan. Pagbalik ko sa pwesto may nakalapag nang fresh fruits at carrot shake.
Si nanay talaga. She's with us for a very long time, wala pa ako sa mundo andito na siya kaya napakalapit narin ng loob namin sa kanya. She takes care of us kapag nasa trabaho si Mama at Papa, she’s more like a grandma from the heart.
I browse my files after finishing five episodes, time to do some digest! Sampung cases palang inaantok na ko, why do I have to do this in the first place?
After graduation
“Ara, proceed law immediately sayang ang panahon” komento ni Papa habang kumakain kami ng dinner.
“Oh, that’s a good idea Anton! Apo, it’ll suit you kung sakali ikaw ang pinakabata sa larangan iyan!” lolo Gabriel exclaimed.
Hala ayan na naman sila, last four years ganito rin ang pangyayari. Papa suggested business then lolo Fred seconded for the major. Buti nalang nasa spain siya ngayon pero umariba naman ang kapatid niya. Diyos ko po sakit sa ulo.
“Uncle, baka naman iba ang gusto ni Lara. Anak di gusto mo ng engineering?” baling ni Mama sa akin at kay lolo Gab.
“I want to be a scientist ‘Ma” I truthfully replied.
Everyone in the room laughed at my response except Kuya and Mama, he just smiled at me and mouthed “I'll support you” while Mama tapped my shoulders.
“Your daughter is gifted Anton, habang hindi pa siya sigurado eh pag aralin mo muna ng tugma para negosyo para wag masayang ang panahon” segunda ni Lolo Gab.
Maka panggatong talaga wagas! I never thought studying this bores me more than business do, simula ng magkaisip ako ito na naririnig ko parang paulit ulit nalang.
“Papa is a lawyer, kuya is pursuing it. Third year na siya sa pasukan kaya bakit ko pa ba kailangan na mag aral nito?!” Salita ko nalang kahit wala akong kausap.
There are times na hindi ko makuha ang pinaggagawa nila, maybe because of my age? Na kahit sabihin pang gifted kuno ako may mga bagay na 'di parin masasakop niyon so I'll just obey. I still have to learn and somethings are easier to if I'll follow them.
