Chapter 7

11 1 0
                                    


The dots are slowly connecting but the time before it totally connects suddenly idled. Our parents came from two big families in the country kaya hindi na bago ang marinig na ipagkasundo kami sa iba ring malaking pamilya.

I’m not too nosy about my parents own story, if they were arranged or not ang importante nakikita ko ang loyalty ng dalawa sa isa't isa.

Faithful is a big word, if they have it then it is good. Whatever they have we don’t have the right to question them, lumaki naman kaming tama at kahit kailan hindi naman namin naramdang may kulang financialy and emotionally.

The thing that bothers me is kuya's statement six months ago,

You knew it, right Lara?

Ipinilig ko ang ulo habang pinagmamasdan ang problem set na sinusubukan kong matapos, I need to finish this one dahil wala na akong oras pa bukas. Finals na sa law school at umaasa nalang ako sa stock knowledge buti nalang rin at nakatulong ang pagpapadigest nila sa akin ng cases last summer at di ako ganoong nahihirapan.

“Shit it’s almost three am!” bulalas ko nang makita ang oras sa laptop, halos tatlong tasa ng kape ang naubos ko ngayon, bakit ba kasi ang hirap lagyan ng graphics ang water tank na ‘to?

Ayos lang sana kung web based or java pero sumasakit ang puso ko sa c++! Maganda lang gamitin kapag system kasi di na kailangan ng arte dahil sa console lang naman pero mahirap ang graphics!

Baliw ka rin Rei! Next semester pa iyan na subject pero naaligaga ka na

“Ayoko talagang napupuyat gumamagana ang kabaliwan ko” I uttered again as if I am talking to someone buti at walang sumagot.

Mas pinili ko nalang na ibaba ang pinagkainan at mug ng kapeng hindi ko naubos sa kitchen mahirap na baka langgamin ang mga libro ko.

Nasa may hamba na ako ng dining area nang makita kong bukas na ang ilaw roon, pasado alas tres palang ang aga naman ata nila?

Dahan dahan akong sumilip at nakita ko si Ange na naghahalo sa kaldero na may nilang baboy o baka, ganoon kasi ang amoy.

Dumiretso na ako ng lakad papasok, baka kako manghihingi nalang ako noon para dalawin ako ng antok.

Nilapag ko ang plato saka inilagay ang mug sa taas noon, I assume na napansin na niya ang presence ko kayat bahagya akong ngumiti nung bumaling ako

“ate, pw—“ pwedeng pahingi ng sabaw , yun sana ang sasabihin ko pero nagsisigaw na siya ng

“MALIGNO!” tili siya ng tili pero yun lang naman ang sinasabi,

Tinakpan ko ang makabila kong tenga dahil ang sakit pakinggan ng boses niya

Dyosa ako ate! Dyosa! Ipinangalan ako sa dyosa hindi maligno!

I felt something rough on my face habang nagtatakip ako ng tenga kaya kinamot ko iyon, it’s a bit disturbing
tho

Kaya naman pala kung maka maligno si Ange, naka face pack pa kasi ako nung itim para matanggal ang white heads. I usually let it on my face overnight at umaga ko na tinatanggal dahil sa banyo naman ako agarang dumidiretso maliban ngayon.

Kumalma na siya nung sinimulan kong I’peel ang mask, I can’t blame her ikaw ba naman makakita ng babaeng naka black mask, black sando at black cycling ng alas tres ng madaling araw.

Halos di na huminga si Kuya sa kakatawa habang nagpapaliwanag si Ange, naiiyak na talaga siya. I want to tell her na hindi niya naman kasalanan pero natatawa rin ako sa reaksyon niya.

His Enigmatic LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon