A's E H 9

89.3K 1.4K 25
                                        


ZICHE

"M.. Mr. Heitor.. "

Gulat at wala sa sarili kong bigkas. Di ko inaasahan ang biglaan niyang pagpasok at pagkakita sa kaniya.

Mula sa pagkakatayo ni Heitor sa pintuan ng kwarto ay naglakad ito papalapit sa akin.

Kung noon ay ramdam ko ang takot at pagkaayaw na mapalapit sa kaniya, ngayon ay hindi ko alam ang ikikibo at nakayuko lang habang hinihintay ang paglapit niya.

Wala akong alam. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako sa kaniya pero sa tuwing naiisip at naaalala ko ang nagawa niyang pagligtas at pagasikaso sa akin na sa halip ay pabayaan at ibenta nga ako, di ko na magawang matakot ngayon.

Hindi ko rin alam kung bakit sa nakaraang dalawang linggo ay hindi ako masyadong nakatulog sa pag iisip na baka pumasok ang tatlong lalaki sa kwartong ito o baka may iba pang lalaki ang magtangka sa akin ng masama pero ngayong nakita ko siya, ngayong nandito na siya, parang nawala ang kaba. Ang takot.

Alam kong may dalang panganib ang prisensya niya. Mapanganib siyang tao.

Kaya nagtataka ako, bakit parang ang bait niya sa akin?

Nagulantang ako nang may maramdamang mga palad sa kaliwa kong pisngi. Napaangat ang ulo ko nang mapagtantong nasa harapan ko na pala si Mr. Heitor habang nakaupo parin ako dito sa gilid ng kama. Nakayuko ito at nakatitig sa akin. Seryoso ang mukha nito ngunit sa halip na matakot ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi sa kaba. Kundi dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin na parang matutunaw ako. Dagdagan pa ng makisig nitong itsura.

Hindi ko kaya. Kaya iniwas ko ang tingin at yumuko ulit.

Pero ang kamay nito na nasa pisngi ko ay napunta sa baba ko at mahinang inangat upang mapunta uli sa kaniya ang paningin ko.

At sa mga oras na ito, hindi na ako makaiwas.

"Are you still afraid of me angel? "

Napalunok ako ng laway at napakagat sa pang ibabang labi.

Nawala na nga ang takot ko sa kaniya pero naiintimida parin ako dahil sa awrang nakapalibot sa kaniya.

Nang bigla, naramdaman ko ang isang daliri niya na pilit pinapakawalan ang pang ibabang labi ko na di ko namalayan kinakagat ko parin pala ngayon. Nang mapakawalan ko ito, dun ko lang naramdaman ang sakit at lasa ng dugo.

Napangiwi ako. Ayoko ng lasa ng dugo.

Ngunit ang ngiwi ay napalitan ng panlalaki ng mga mata.

Sa isang mabilis na pangyayari, nawala ang lasa ng dugo dahil sa isang malambot na bagay na dumampi sa nakanganga kong bibig at sinisipsip nito ang mga dugong umaagos parin sa bahaging nakagat ko.

"Someone will be here to get you ready angel. We are going somewhere."

**

THIRD PERSON

"Kill them all. "

Utos ni Heitor nang mapagdagumpayang masakop ang kampong pinagtataguan ng oraganisasyong Avitia. Ito ang organisasyong sumira sa kalakalang nagaganap sa lugar na ito sa pagitan ng isa sa pinakamalaking Mafia group ng bansa.

"Boss. Nakatakas ang mga higher ups ng Avitia. May backer sila."

"Find it out Lior."

"Yes boss."

Umabot rin ng isang lingo ang paghahanap nila sa grupong Avitia. Ito ang pinakanatagalan para sa grupo ni Heitor na mahanap ang kalaban nila.

Dahil pala ito sa backer ng Avitia. Nahihinuha ni Heitor na hindi basta basta ang tumutulong sa Avitia na ito dahil nagawa nitong masupilpil ang isa sa mga plano niyang makipag ugnayan sa Calixto. Ang Mafia group na katransaksiyon ng grupo niya.

Mas sumeryoso ang pagmumukha ni Heitor.

Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang may nanghihimasok. Lalo na ang mga nagtatangkang pigilan siya sa kung ano ang gusto niyang gawin.

Nang makontrol na ng grupo ni Heitor ang lahat, umalis na siya sa lugar na iyon at dumeretso sa pag aaring private jet nang makatanggap ng tawag sa nag iisa na lamang niyang pamilya. Ang lola niya.

"Heitor, apo.. When will you let me meet the girl you'll going to marry?"

At sa seryoso at walang emosyong mukha nito, bumakas ang isang maliit na ngiti sa labi ng may demonyong pusong si Heitor sa pagkakarinig ng malamyos na tinig ng lolang nagpaliki't nag aruga sa kaniya.

"Soon nd'ma."

"Then, are you going to visit me here? I miss you apo."

"Yes nd'ma, I'll be there to visit you. "

Habang nakaupo sa loob ng ereplanong iyon, tinignan ni Heitor ang pinagkakatiwalaang piloto niya.

Naintindihan naman ng piloto ang senyas na iyon at nagsimula ng palipadin ang eroplano.

Ilang oras nang marating ni Heitor ang mansiyon ng lola niya.

Si Hithelda Zacarias.

Kaagad na niyakap niya ito na tinugunan naman ng walompung taong gulang na matanda.

Sa lugar na iyon ng lola, namalagi pa si Heitor ng isang linggo.

Sa lahat ng taong nakapalibot sa kaniya, ang lola lamang niya ang siyang pinakikitaan niya ng pagmamahal at pag iingat. Hindi dahil nagiisa na lamang itong pamilya ngunit dahil talagang mahal niya ang matanda.

Matapos ang pananatili, nagpaalam na si Heitor sa lola at nangakong sa susunod na pagbisita ay dala na niya ang babaeng pakakasalan niya.

At sa isip niya, isang babae lamang ang gusto niyang pakasalan. Isang anghel na gusto niyang habang buhay ikulong.

Ziche Vides.

Angel's Evil HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon