A's E H 10

87.1K 1.4K 28
                                        

ZICHE

Hanggang ngayon  ay pinipilit parin ng isip ko na iproseso ang nangyari kanina.

Tama ba yung naramdaman ko?

Tama ba yung inaakala ko?

Na malambot na labi ni Mr. Heitor ang dumampi sa labi ko at sumipsip ng dugo.

Na hinalikan ako ni Mr. Heitor.

Bigla akong napatayo.

Nakaramdam ako ng pagkalito at... Kilig?

Bakit ganun?

Bakit niya ako hinalikan?

Diba dapat ang gumagawa lang ng ganon ay mag asawa o mag nobyo?

Si Mr. Heitor ang unang nakahalik sa akin.

Anong ginagawa niya sakin?

Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba?

Yung parang okay lang?

"Good afternoon lady Ziche."

Parang nagising naman ako at nabalik sa reyalidad ang pagiisip ko nang marinig ang boses na iyon ng isang babae.

Mula sa pinto, nakatayo ang babae.

"Umm.. Good afternoon din. "

Bati ko sa kaniya.

"Ako nga pala ang inatasan ng Lord Heitor upang ihanda kayo."

Kahit nagtataka parin kung saan siya dadalhin ni Heitor, hinayaan na lamang niya ang babae na ayusan siya nito.

"Ang ganda mo Lady Ziche. Kaya pala inangkin ka ni Lord Heitor. Para kang anghel. "

Habang inaayos ang aking buhok na sambit ng babae. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko kaya nginitian ko na lang siya sa pagitan ng salamin na nasa harapan ko.

Nang matapos ayusan ang buhok, nilagyan rin niya ng kunting kolorete ang mukha ko kasi sabi niya maganda naman daw ako kahit hindi na mag make up.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko naman ang mukha, normal lang. Hindi ko masasabing maganda ako dahil ang sabi ni mama, hindi naman talaga sa mukha o katawan makikita ang kagandahan. Nasa pag uugali at kung paano siya makitungo at umasta malalaman kung talagang maganda ang taong iyon.

Samantala, may tatlo namang babae pa ang pumasok dala ang isang napakagandang dress at halatang mamahalin.

"Miss Clea, nandito ang dress na gustong ipasuot ni Lord Heitor kay Lady Ziche."

Napalingon ako sa tatlo at napagtantong ang tinatawag nilang Miss Clea ay ang babaeng nag ayos sa akin.

Nang makita ko naman ang dress na maingat na dinadala ng nasa gitna, nanlaki ang mga mata ko. Off shoulder ito na kulay ginto , nagniningning sa dami ng mga maliliit na kristal kung saan naka latag sa palda ng dress. Ang babaeng nasa kaliwa naman, kita kong may dala itong heels na paghihinuha ko ay nasa 3 inches lang at may pagkapareho sa kulay ng dress ang kulay din nito. Habang ang nasa kanan ay may hawak na kahon. Mga alahas.

Parang nalula si Ziche sa mga kumikinang na mga bagay na ito at nananakit ang mga mata niya.

'Pwede bang di ko na lang iyan suotin?'

**

THIRD PERSON

Habang hinihintay matapos ayusan ang anghel, sinigurado naman ni Heitor na handa na ang lahat.

Nakasuot siya ng kulay itim na 3 piece suit at ternong kulay na neck tie sa damit na napili niya para sa susuotin ng kaniyang anghel.

"Is everything ready? "

"Doncha worry boss! Ebriting iz redi now! "

Hindi naman pinansin ni Heitor si Lior na siyang inutusan niyang maghanda sa lahat ng kinakailangan niya upang maisakatuparan ang gagawin niya ngayon.

'Hindi talaga ako makapaniwalang nabighani si boss ng isang babaeng pinambayad utang lang. Gaano kaya kaganda ang babaeng yun?'

Sa isip ni Lior habang panakanakang tumitingin sa elevator at inaabangan na bumukas ito upang masilayan ang babaeng kinababaliwan ngayon ng boss niya na talagang umabot pa sa puntong ito.

Kilala niya si Heitor. Hindi bilang boss kundi bilang kaibigan. Hindi ito basta basta umaangkin ng mga bagay na nagugustuhan lang nito, tao pa kaya?

Kaya naiintriga siya sa babaeng tinatawag na anghel ng demonyo niyang boss.

Lumipas pa ang sandali nang marinig ang inaabangang 'ting' ng elevator. At doon lumabas ang siyang kinasasabikang masunggab ng demonyo. Ang anghel.

Nagniningning ito at bakas sa mukha ang kainosentehan. Walang muwang. Isang anghel.

Kasama nito ang apat na tagapag ayos. Nang makita siya ng mga ito, yumuko sila at binati si Heitor. Pero kailan ma'y di natanggal ang paningin nito sa anghel na pagaaari na niya.


Angel's Evil HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon