A's E H 16

75.7K 1.1K 26
                                    


THIRD PERSON

Matapos maangkin ang lahat ng kayamanan ng Vides at ang pagtanggal kay Ziche sa dinadaanan ng Ovledo, lubos na nagbago ang kanilang buhay.

Ang bahay nila na nakatirik lamang sa isang maliit na nayon ngayo'y nakatira na sila sa isang sabdibisiyon na para lamang sa may matataas na antas ng lipunan.

Tuluyan naring nasakop ni Simoun Ovledo, ang pangalan ng ninong ni Ziche, ang buong kompaniya ng Vides.

Mga pera at mga ari arian. Lahat ay inangkin. Walang tinira para sa tunay na talagang tagapagmana.

Ngayo'y komportableng komportable ang pamilya sa bago nilang biling mansiyon, sa napakalaki, magara at maespasyong sala ng bagong bahay, naguusap ang mag asawa habang ang anak na si Sera ay walang pakeng nanonood lamang ng palabas sa napakalaking flat screen TV na nandodoon.

"Honey, gusto kong bumili ng alahas. Maraming alahas! Saka mga imported na bag! Yung LV? Ngayong sobrang mayaman na tayo, mabibili, magagawa na natin lahat ng gusto natin! "

Nananabik na sambit ni Herra Ovledo.

Ngumisi naman si Simoun dahil tama ang pahayag nito.

Samantala, napatutok naman si Sera sa panonood ng isang balita na biglang ipinalabas sa screen ng TV.

Laman ng balitang iyon ang nag iisang lalaking hinding hindi niya makakalimutan simula nang makita't makilala niya ito matagal na panahon na rin.

Ang lalaking tagapag ligtas niya.

"Heitor Zacarias.."

Napatingin ang mag asawa nang marinig ang wala sa sariling pagbigkas ng pangalan nay yun ni Sera.

Nakita nila ang tutok na tutok nitong atensiyon sa screen habang ipinapalabas ang mukha ng isa sa pinakamayamang tao.

Kalauna'y nagkatinginan sila sa isa't isa.

"Princess? "

Pagtawag ni Simoun sa kaisa isa niyang prinsesa.

"Mmm? Bakit po Dad? "

Sagot nito na hindi tinatanggal ang mata sa TV.

"Kilala mo si Mr. Heitor Zacarias? "

Ang ina naman nito ang nagtanong.

Nang matapos lang ang pagbabalita bumaling si Sera sa mga magulang.

"Umm.. Siya po yung sinasabi ko sa inyong nagligtas sa akin."

Nanlaki ang mga mata bigla ng ama.

"T.. Totoo ba iyan anak? "

Naalala nila, noong sampung taong gulang pa lamang ang anak nilang ito, nasabi nitong muntik na siyang malunod. Buti na lang daw ay iniligtas siya ng isang lalaki. Pero hindi naman nito sinabi kung sino.

"Opo.. "

Mula sa pagkakaupo sa napakalambot na sofa at bigla itong tumayo at tumakbo papalapit sa ina't ama. Nang makalapit ay agad na niyakap niya ang isang braso ng ama.

Napatingin si Simoun sa asawa na nasa tabi.

Kilala nila ng anak.

Alam nilang kapag ganito ang inaasta nito, may gusto itong gawin o kunin. O ipagawa sa kanila.

"Daddy! Alam ko po iyong mga sabi sabi tungkol kay Heitor. Kung totoo man iyon, naniniwala akong magbabago pa siya. Mababago ko siya. "

Nakangiti at puno ng paniniwala ang mga mata ng dalagitang ito.

"Anak, anong pinagsasabi mo? Ki bata bata mo pa.. "

Napatingin si Sera sa ina na nakakunot ang noo.

"Mom! I'm not a child anymore! Saka, alam kong nakikilala pa ako ni Heitor. Alam kong hindi niya ako nakalimutan. Ang iniligtas niya noon. Mom, Dad, ngayong mayaman na tayo, pwede niyo naman pong magawan ng paraan na makita ko siya diba? "

Pangungumbinsi ni Sera sa ina't ama.

Napaisip si Simoun nang may maalala siya.

"Wag kang mag alala prinsesa ko, makikita mo si Mr. Heitor Zacarias. Naalala ko, may isa akong kakilala. Sabi niya'y may inihandang party daw si Mr. Heitor sa Hotel&Resto na magaganap bukas ng gabi."

Nanlaki ang mga mata ni Sera sa sabik.

"Dad!! Punta tayo! Punta tayo! "

Napangisi si Simoun at tumingin sa asawa. Nagtama ang mga mata nila tanda ng pagkakaintindihan.

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon