A's E H 17

77.4K 1.2K 35
                                    

THIRD PERSON

Hawak parin ang bewang, matiyagang naghihintay lamang ang dalawa na makarating sa 69th floor.

"H.. Heitor? "

Nag aalinlangang tawag ni Ziche sa lalaki at tumimgin sa mukha nito. Bilang tugon, gumanti rin naman ito ng tingin sa kaniya.

"Kilala mo ba ang may ari nito? Bakit parang kilala ka ata ng mga staff nung binati ka nila kanina? "

Pansin iyon kanina ni Ziche nang pumasok sila, ni hindi nga sila sinisayat ng mga guards at dumaan sa scanner na talagang dapat pagdaanan pa ng kung sino mang papasok. Nagtataka lamang si Ziche kung bakit nang makapasok sila, nakahelera na din ang mga staffs.

"I am the owner angel."

Hindi makapaniwala si Ziche at di namalayang bahagyang nagparte ang mga labi.

'Gaano ba talaga siya kayaman? '

Tanong niya sa isip.

Kanina'y natanong rin niya kung gaano kayaman ang nagmamay ari nito. Pero hindi niya inaasahan na ang kasama niya, si Heitor Zacarias ang siyang mismong may ari pala.

Ngayon mas lalong nabatid ni Ziche kung gaano ito kayaman.

Pero nang maisip ang ginawa nito sa parking lot ng Hotel&Resto na ito, hindi niya mapigilang mamula.

Hinalikan lang naman siya ng isa sa mga sikat at makapangyarihang bilyonaryo sa buong mundo.

"Why is your face so red angel? Are you thinking about the kiss? "

Nanlaki ang mga mata ni Ziche nang mahulaan nito ang iniisip niya at bahagyang nakaramdam ng takot na baka gawin niya ulit iyon na talagang tuluyang makapagpawala sa hininga niya.

Laking pasasalamat na lamang ni Ziche nang magsalita ang elevator. (Oh ha? San kayo makakahanap niyan? XD)

"We have reach the 69th floor Lord Heitor."

Napanganga si Ziche nang unang makatapak sa 69th floor.

Akala niya ay tatambad sa kanila ang isang koridor na may magkakaharap na mga pinto sa pag aakalang may pupuntahan silang kwarto.

Ngunit ang tumambad sa kaniya ay isang napakalaki at dobleng pinto na may apat na gwardyang bantay.

Napakagarbo ng pintong at halatang gawa gamit ang kamay talaga.

Kakaiba ang desinyo at ang dalawang hawakan na nasa gitna ay napakakintab at talagang natatakot kang hawakan ito dahil baka madumihan.

Ang ipinagtataka ni Ziche, anong meron sa loob ng malaking pinto?

"Lord Heitor. "

Bati ng apat na gwardya at pagkatapos ay sabay na binuksan ng dalawa sa kanila ang dobleng pinto.

Nang makapasok, mas napanganga pa si Ziche. Ang daming tao. Napakarangya. Napakaelegante. Lahat ay nakasuot ng mamahaling damit at talagang bagay na bagay ang bawat isa sa mga porma nila.

Samantala, pansin din niya ang pagkakadesinyo ng buong paligid. Gold theme. (Di niyo naman pansin na fav color ko ang gold no? XD)

Hindi siya makapagreak sa ganda ng pagkakaganap ng party na iyon.

Pero para saan ang pagtitipon na ito?

Bakit siya nandito?

Alam niyang si Heitor lamang ang inimbitahan ng kung sino man ang nangunguna nito. Kaya ano ang silbi niya dito?

Habang punong puno ng tanong at kaguluhan ang isip ni Ziche, hindi niya namalayan ang mga matang sa kanilang dalawa'y nakatitig.

Halos lahat ng taong dumalo doon ay inaabangan na makita si Heitor, partikular na ng mga babae.

Ngunit hindi nila inaakalang may kasama ito.

At hindi sila makapaniwalang babae pa!

Ang lahat ay alam na sa ganitong okasyon, mag isa lang itong dumadalo at kapag may maswerteng babaeng magustuhan ay doon niya iuuwi.

Sino itong babaeng kasama ng panginoon nila?

Ang pagkagulat na tingin ng mga babaeng nandoon ay napalitan ng galit at ngayo'y masamang tinitignan si Ziche.

Ang mga kalalakihan nama'y may kagustuhan ang pagtitig sa walang kaalam alam na babae.

Sa isip nila, ngayon lamang sila nakakita ng ganitong klaseng ganda. Pinagsamang pagkainosente at pagkasedaksiyon.

Kaya't oras na mapagsawaan ito ni Heitor, sisiguraduin nilang sila ang susunod na makakaangkin sa malaanghel na babaeng ito.

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon