THIRD PERSON
Tahimik lang ang byahe. Walang imik si Ziche at kita naman niya ang konsentrasyon ni Heitor sa pagdadrive.
Pokus na pokus si Heitor upang mapanatili ang hindi masyadong mabilis na pagpapatakbo niya ng sasakyan.
Nasanay na siyang naka full speed kapag nag dadrive siya ng sasakyan. Pero ngayong kasama niya ang isang anghel, kailangan muna niyang iwasan ang nakasanayan.
"Angel.. "
Mula sa atensiyon ni Ziche sa labas ng bintana ng tinted na sasakyan, napalingon siya kay Heitor nang tawagin siya nito.
Hindi maiwasan ni Ziche ang palihim na mapangiti dahil kahit hindi pa siya sigurado sa nangyayari sa kanilang dalawa, kahit naguguluhan pa siya at di parin lubhang naiintindihan ang lalaki, sa tuwing maririnig niya ang pag tawag nitong 'angel' sa kaniya, nararamdaman niyang lumalakas ang tibok ng puso niya.
Ito lamang ang nagiisang lalaki na nakakapagdulot ng reaksiyon sa kung ano man ang gawin nito sa kaniya.
"Bakit? "
Tanong niya rito. Pansin niyang hindi talaga ito palangiti at parating walang emosyon ang mukha. Pero kahit ganoon, napakagwapo pa rin nito.
"Say something about yourself. Anything."
May paghehesitasyon si Ziche.
"I just want to get to know my angel better. Now that you are mine."
Napatanga si Ziche dahil seryosong seryoso ang mukha nito habang sinasabi iyon.
"Umm.. G.. Gusto rin kitang makilala.. "
Totoo. Gustong gustong makilala ni Ziche si Heitor. Gusto niyang malaman kung lahat ba ng pinagsasabi ng ibang tao tungkol sa kasamaan nito ay totoo. Gusto niyang malaman ang tunay na pagkatao ng kinikilalang demonyo.
Napansin ni Ziche ang pagngisi ng lalaki.
"Okay."
Napangiti si Ziche at biglang may naisip.
"Eh kung 20 questions po? "
"What? "
Tanong ni Heitor na napatingin pa saglit sa kaniya.
"Ano po kasi.. Yun po minsan nilalaro pag bago pa magkakilala."
Pagpapaliwanag ni Ziche.
"So, it's a kind of game? "
Tumango naman si Ziche. Nang mapagtantong hindi naman nakikita ni Heitor ang pagtango niya dahil nasa kalsada nga ang pagtingin nito, kaya nagsalita siya.
"Opo. Magtatanong ako sayo ng 20 questions tapos magtatanong ka rin sa akin ng 20 questions. Kahit anong tanong na dapat ay sasagutin ng tapat."
"Mmmm.. "
Pagsang ayon ni Heitor sa gustong laro ng kaniyang anghel.
'My angel wants to play with a demon like myself.'
Sa isip ni Heitor na di naman nawawala ang ngisi.
**
THIRD PERSON
Dahil ramdam ni Ziche na magtatagalan pa ang byahe, kaya naisip niya ang larong 20 questions.
"Gusto mo pong ikaw ang unang magtanong? "
Pag aalok ni Ziche kay Heiton.
"Then my first question is.. did you had a boyfriend before? "
Muli, napatanga si Ziche ngunit agad din naman siyang sumagot.
"Umm.."
Umiling siya at napatingin sa harapan.
"Sa totoo lang po, ikaw pa lang ang lalaking nakalapit sa akin. "
Habang sinasabi ay pahina ng pahina ang boses niya.
Nagulat na lamang si Ziche nang biglang inihinto ni Heitor ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
"Really? "
Agad siyang napatingin dito.
"Ba't ka po tumigil?"
Hindi sumagot si Heitor pero nginisihan siya nito. Hindi. Nginitian siya nito.
Napanganga si Ziche.
Ito ang pinakaunang nakita niya na ngumiti ito. At ito rin ang pinakaunang ngiti na nakita niyang pinakamaganda.
Hindi namalayan ni Ziche ang mga bumubusinang sasakyang nasa likuran ng nakahinto nilang sasakyan. Parang wala namang pake si Heitor habang pinagmamasdan parin ang nakangangang mukha ng anghel.
Nawala lamang ang ngiti niya nang marindi sa mga tunog ng busina at sigaw ng mga taong nagrereklamo. May isa pang tumuktok sa bintana niya.
"Umm.. Magdrive ka na po. Baka ireklamo nila tayo. "
Kinakabahang ani ni Ziche nang makita ang komusyon sa labas dahil sa pagtigil ng sasakyan nila sa kalagitnaan ng kalsada.
At dahil sinabi ng anghel, kaagad na sinunod ito ni Heitor. Pinaharurot ang sasakyan na parang walang nangyari.
"Your turn now angel. "
Oo nga pala, naglalaro pa sila.
"Mm.. Ilang taon ka na po Mr. Heitor? "
"29."
Mabilis na tugon ni Heitor.
'Kung ganon, sampung taon din pala ang agwat namin. '
Sa isip ni Ziche habang tumatango.
BINABASA MO ANG
Angel's Evil Husband
Romance*COMPLETED* *UNDER MAJOR EDITING AND RECONSTRUCTION* "Boss, may lalaking nagtatangkang manligaw kay Lady Ziche." "Kill him." "Boss, sinampal ni Ms. Ovledo si Lady Ziche nang iniwan niyo siya sa table." "Cut off that b*tch hands and kill her family...