A's E H 15

79.6K 1.1K 26
                                    

THIRD PERSON

(The time when sinundo ng mga tauhan ni Heitor si Ziche sa bahay ng Ovledo, ang ninong ni Ziche)

"Papa, sino po sila? "

Tanong ni Ziche nang makita ang tatlong nakaitim na lalaki na nakaupo sa hindi kalambutang sofa na nasa sala ng bahay ng ninong niya.

Ang bahay na tinuring na rin niyang bahay. Ninong na ama narin ang tingin niya.

Simula nang akuin ng ninong ang pangangalaga sa kaniya, sinabi ng ninong na simula nun ay papa na ang itawag sa kaniya.

"Kunin niyo na siya. "

Hindi sumagot ang ninong at inutusan lamang ang tatlong iyon na kunin siya.

Hindi maintindihan ni Ziche ang nangyayari.

Bakit siya kukunin?

"Papa, bakit? Saan nila ko dadalhin? Papa ayoko.."

"Kunin niyo na siya. Ngayong nabayaran na namin at wala na kaming utang sa boss niyo, wag niyo na kaming guluhin. Umalis na kayo. "

Napatahimik si Ziche at nagulat sa sinabi ng ninong.

Utang?

Bayad?

Anong ibig sabihin nito?

Nang kumilos ang tatlo para kunin siya, hindi siya makapalag dahil pilit parin na iniintindi niya ang sinabi ng ninong.

Tinignan niya ang asawa ng ninong niya at nakitang nakangisi ito.

"M.. Mama.."

Nasambit niya.

Ngunit ang dating may lambing at ngiti na laging pagtingin sa kaniya ng babaeng ito na tinuring na rin niyang ina, ngayo'y may panunuya ang mga titig nito at nginisihan lamang siya.

Bago tuluyang makalabas sa bahay ng ninong, narinig niya ang sinabi ng ginang.

"Haaay salamat at nagamit narin natin ang silbi ng babaeng yun. Sa wakas at nasa atin na ang kayamanan ng Vides. Wala talagang kasing gaga ang babaeng iyon at ang daling mauto sa mga akto natin para mapirmahan ang mga papeles. Ngayon, magbubuhay mayaman na tayo. Mayaman na tayo mahal ko! "

Napayuko si Ziche at naramdaman ang pagtulo ng luha.

Totoo ba iyon?

Samantala, sa ikalawang palapag ng bahay  na pinamalagian ni Ziche ng walong taon, sa bintan na naroroon ay nakasilip si Sera Ovledo. Anak ng kaniyang ninong na dapat ay siyang kukunin ngayon.

Katulad ng ina'y di matanggal ang ngisi ng labing walong taong gulang na babae na iyon.

'Ngayong magiging isa ka ng parausang babae, sa tingin mo magiging maganda ka pa rin, ha Ziche?'

Nanlilisik ang mga mata nito habang iniisip ang kahahantungan ng inaanak ng ama niya. Ang babaeng kinasusuklaman niya.

Bata pa lang ay magkakilala na sila. Sa kaalamang sekretarya ng ama ni Ziche ang ama niya ay nakakapunta si Sera sa mansiyon ng mga Vides. At doon naging magkaibigan silang dalawa. Pero dahil sa yaman ng mga Vides, lahat ng gugustuhin ni Ziche, kahit hindi pa man ito magsasalita ay nakukuha na nito ang magagandang bagay na gusto niya.

Gusto ni Sera na maging ganon rin ang buhay niya. Maging prinsesa.

Hanggang sa lumalaki sila, ramdam ni Sera na kahit magkaibigan sila, parehong magaganda at matalino, si Ziche pa rin ang lamang. Ang magaling, mas maganda, mas matalino, mas sikat, mas gusto.

Kahit nuong namatay ang mga magulang nito at nagsimulang mamuhay kasama ang pamilya niya. Sa parehong skwelahang pinapasukan, ito ang pinakakilalang magandang babae sa buong campus. Maraming lalaki ang nagkakagusto dito at maraming babaeng gusto itong maging kaibigan. Samantalang siya, binansagang alalay dahil sa estado ng pamumuhay nila.

Ang mas ikinagagalit niya, ay ang pagbabait baitan ni Ziche. Ang pagpapanggap nitong pagpapahalaga sa kaniya. Nagpapanggap na wala itong alam sa mga magagandang katangiang gusto niyang maging kaniya. Pinilit ni Sera ang sariling maging katulad ni Ziche. Pinilit na makihalubilo sa kung paano makihalubilo si Ziche.

Pero si Ziche parin ang hinahangaan.

Kaya naman, ngayong wala na ito sa buhay nila, ngayong mayaman na sila, walang kasing saya ang nararamdaman niya habang nakikita ang nakayuko at umiiyak na itsura ni Ziche.

Alam niya na magiging miserable ito oras na makuha ito ng organisasyong pinagkautangan ng ama.

Oo nga't makakaya na nilang bayaran ang utang gamit ang pera ng mga Vides. Pero mas pinili nilang ang babae na lamang na ito ang ibabayad para wala ng hadlang sa mga plano nila.

'Mararanasan mo kung ano ang naranasan ko noon. Ang pagkakaroon ng miserableng buhay. At alam ko na mas grabe ang mararanasan mo ngayon! '

Gustong tumawa ni Sera sa saya. Tumawa ng malakas. Humalakhak sa tagumpay na nadarama.

"Lahat ng iyo, magiging akin na. "

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon