A's E H 14

80.6K 1.2K 58
                                        


THIRD PERSON

"Breath angel.. Breath.. "

Lumuluhang habol ni Ziche ang hininga nang sa wakas ay pakawalan ni Heitor ang labi nito sa nakakamatay niyang halik.

Nang makita ang namamaga, namumulang labi, gustong ulitin ni Heitor halikang muli ang anghel.

Ngunit dahil sa lumuluhang anyo nito, hindi niya mapigilang mayakap ito.

Ito ang unang pagkakataong naging agresibo si Heitor. Nung una niyang matikman ang labi nito, matinding pagtigil ng sarili ang ginawa niya.

Ang tamis, ang init, ang lambot ng labi ng anghel na ito ay di nawala sa isip niya. Kaya ngayon ay hindi niya napigilang halikan niya ito. At gusto pa niyang halikan ulit. Paulit ulit hangang makontento siya.

Pero sa naging reaksiyon ng babae, batid niyang hindi ito sanay. Wala itong alam.

Samantala, hindi alam ni Ziche ang mararamdaman matapos ang napakalalim na halik na iyon.

Pangalawang halik na natanggap niya mula sa lalaking binayaran ng ninong niya sa papamagitan ng sarili niya.

Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito habang niyayakap siya ni Heitor.

"I'm sorry angel, I lost my control."

Ito rin ang kauna unahang senserong nanghingi ng patawad si Heitor.

Oo nga't sa kaniyang anghel ay nagbabago siya, ito'y dahil sa tuwing matititigan nito ang inosenteng mga mata ng anghel, ramdam niya na para bang nahahawa at nadadala siya dito.

Nung unang makita niya ang babae, naramdaman niya ang isang pakiramdam na kay tagal na niyang di naranasan.

Ang pagtibok ng puso.

Sa mga nagawa niyang kasamaan, naniniwala na rin si Heitor na talagang wala na siyang puso.

Na lahat ng emosyon niya ay namatay na rin nang masaksihan ang isang madugong patayan.

Pero nang makita ang anghel na ito, sa madaling panahon pa lang na pagsasama, unti unti na nitong binabalik ang pilit niyang winawaksi.

Nang mahimasmasan na si Ziche, kumalas na ito sa pagkakaakap ni Heitor ng nakayuko.

Hindi parin alam ang dahilan kung bakit sila nandito.

Kung bakit parang hinuha niya ay may mangyayaring hindi niya alam kung maganda ba o masama.

"Come, you'll know the reason of us being here if we go inside angel. "

Tahimik lang namang tumango si Ziche. Hindi niya alam ang iaasta.

Nagsimula ng maglakad ang dalawa patungo sa entrada ng Hotel&Resto.

Sa pasukan pa lang ay malulula ka na sa makikinang nitong kagamitan at laki. Hindi mapigilan ni Ziche ang iikot ang paningin sa paligid at obserbahan ang loob niyon.

Nagtataka siya kung gaano kayaman ang may ari ng gusaling ito at kagaling sa pamamahala na umabot sa ganito ka asenso ang negosyo.

"Do you like it? "

Nabaling ang tingin niya sa lalaking nakahawak sa bewang niya ng magtanong ito.

"Mmm.. "

Tumango siya, nahihiyang magsalita dahil hanggang ngayon, ramdam parin niya ang dila nitong gumagalugad sa loob ng bibig niya.

Napakatamis ng laway nito at halatang napaka eksperto rin nito sa mga ganoon.

"Lord Heitor, it is already starting. "

Noon lang napansin ni Ziche ang mga nakahilirang staffs ng Hotel&Resto nang magsalita ang manager.

Hindi ito pinansin ni Heitor at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa purong salamin na elevator.

Nang makaabot sa pasukan nito, nakita ni Ziche ang pagpindot ni Heitor sa parang isang scanner gamit ang hinlalaki nitong daliri.

Agad na bumukas ito at pumasok sila.

Sa loob ay nagtaka si Ziche bakit walang mga buton dito upang pindutin kung saang floor ka hihinto. Pero nagulat na lamang siya nang makarinig ng isang robotic na boses.

"Good evening Lord Heitor and Miss. Which floor do you want to go? "

"69th"

Hindi nakaimik si Ziche sa nasaksihan.

Nakalimutan niya, isa nga rin pala ito sa may pinaka haytek sa seguridad sa buong mundo. Ang mga teknolohiya, makina, at kagamitan at mismong mga imbentor ang may gawa na nagtratrabaho lamang dito.

"H.. Heitor? Anong gagawin natin sa floor 69th? "

"What do you think angel? "

Hindi alam ni Ziche pero bakit parang may nababatid siya na may pagka paos ang boses na pagkakatanong niyon ni Heitor?

Anong meron sa floor 69th?

Angel's Evil HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon