THIRD PERSON"Who is that slut? "
"She's so ugly! "
"Why is she with my soon to be husband? "
"I will kill that bitch! "
Mga hindi nakatakas na 'bulong' daw ng mga babae. Habang naglalakad sina Ziche at Heitor papasok, sumalubong sa kanila si Lior na purmadong purmado din. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya tumingin pa sa babaeng akap ng boss niya.
'Shet ayokong mabigwasan ang kagwapohan ko! '
Sa isip niya at tumungo upang mabati ang amo.
"G.. Good evening L.. Lady Ziche."
Ngumiti si Ziche at akmang babatiin din si Lior nang hinakbit ni Heitor ang bewang niya at lumakad palagpas kay Lior.
Napakurap naman si Ziche at nang lilingon sa naiwang si Lior, bigla namang nagsalita si Heitor.
"Turn your head back and he's dead. "
Kaya naman, sa mukha nalang ng lalaki si Ziche tumingin. Pero nakatingin naman ang lalaki sa harapan.
'Hindi ba sila bati ni Lior? Bakit parang ayaw ni Heitor kay Lior? '
Gustong itanong ni Ziche sa lalaki.
"Lord Heitor! "
Napabaling si Ziche sa tumawag na iyon. Isang matandang lalaki na kahit si Heitor ang tinatawag, sa kaniya ito nakatingin.
May ibig sabihin ang ngiti nito habang tinitignan si Ziche sa paa pataas sa napakaganda nitong mukha.
"Mr. Acumin. "
Doon lamang napatingin si Mr. Acumin sa gawi ni Heitor.
"Oh! Good evening Lord Heitor. I'm so glad to recieved your invitation for this party. "
Tumango lamang si Heitor.
"And who might this lovely lady you have here Lord Heitor? Is she your new play toy? I am really envious of you My Lord. You always get the best of all."
Walang pakundangan nitong bigkas. Sa narinig, nanlamig ang paligid at parang may kung anong pwersa ang biglang naramdaman ng mga nakarinig at nagmamasid doon.
Hinihintay din ang kasagutan ng Lord Heitor.
Samantala, wala namang kaalam alam si Ziche sa sinasabi ng matanda.
"Umm.. Ako po si Ziche Vides. "
Mas lumapad ang ngiti ng matanda.
Alam niya na patay na ang mag asawang Vides at may nag iisang anak nga itong babae dahil isa sa mga kaibigan niya ang naging sekretarya ng ama nito, si Simoun Ovledo. Hindi lang niya alam na ganito pala kaganda ang kanilang anak.
"What a beautiful name. As beautiful as the owner. "
"Thank.. "
Magpapasalamat sana nang maramdaman ni Ziche ang paghigpit ng kanina pang nakapulupot na braso sa bewang niya. At muli, naglakad sila sa pagaakay sa kaniya ni Heitor palagpas kay Mr. Acumin.
Sa kanilang paglalakad, wala ng sumalubong pa.
Halos lahat ay talagang sinadyang pumunta upang makita, makausap ang kilalang kilalang si Heitor Zacarias ngunit walang lakas ng loob dahil sa nakakatakot na tindig nito at hindi basta bastang nalalapitan ng kung sino lang.
Sa isang bilog na mesa nakaupo ang mga taong may matataas na ranggo sa buhay. Sila ang mga pinagkakatiwalaan ni Heitor sa pamamahala ng negosyo o ng organisasyon niya.
May siyam na taong nakaupo na doon. Isang matandang babae, tatlong matandang lalaki, tatlo ring mga lalaking ang edad ay di lang nalalayo kay Heitor at dalawa magagandang babae.
Ang isa sa dalwang magagandang babae na ito'y may pananabik ang titig habang hinihintay ang pagdating ni Heitor sa mesang kinaroroonan.
Sampu lamang ang upuang nakatalaga sa mesang iyon at iisa na lamang ang bakante.
"Lord Heitor! Here! I saved a chair for you. Sit with me. "
Sinadya nitong palambingin ang boses at hindi pansinin ang babaeng kasama ng lalaki.
Nagaaalala namang napatingin si Ziche kay Heitor nang makitang iisang upuan nalang ang walang nagmamay ari.
Kung dito uupo si Heitor, saan siya uupo?
Tinignan niya ang ibang mesa kung mayroon bang bakanteng upuan.
Mayroon naman pero nahihiya siyang makihalobilo sa nakaupong mga tao doon.
Naisip ni Ziche na tumayo na lang siya. Sasabihin sana niya kay Heitor na ok lang kung siya ang umupo doon nang hinila na lamang ng lalaki ang bakanteng upuan at nagmuwestrang umupo siya.
Nagdikit ang mga kilay ni Ziche.
"Per.. "
"Sit. "
Nang makita ang pagkaseryoso ng pagmumukha ng lalaki, hindi makapalag si Ziche kaya nag aalinlangang umupo na lamang siya.
Samantala, napatanga naman ang babaeng siyang nag aya kay Heitor.
Ang kanina'y may tamis na ngiting mukha ay biglang umasim habang nakatingin sa babaeng inalalayang umupo ni Heitor.
Ang mga nakaupo sa mesang iyon nama'y hindi makapaniwala. Bakas ang pagkagulat sa nakitang asta ni Lord Heitor sa isang babae. Babae!
Ano ang nangyayari?
"Hey whore! What are you doing?! Umalis ka nga diyan! Si Lord Heitor ang gusto kong makatabi! Pwede ba! Isa ka lang sa mga puta niya at di kalaunan, itatapon na lang. Get out of here bitch! "
Dahil sa galit, hindi mapigilan ng babae ang pumutak ng bibig.
"Kate, shut up! "
Pagpigil naman ng biglang namutlang matandang lalaki, si Mr. Ventura.
"But lolo! I save this chair for Lord Heitor so that I can sit beside him! Tapos uupuan lang ng kung sinong parausang babae?! Lord Heitor.. "
Nang tawagin nito ang lalaking gustong gusto niya talagang makatabi ay bumalik sa paglalambing ang boses niya.
"..can you drag this bitch out of here for me please? "
At iginawad pa niya ang pinakamatamis niyang ngiti.
Alam niyang hindi siya bibiguin ng Lord Heitor at susundin ang gusto niyang palayasin ang babaeng ito dahil wala pang ni isang lalaki ang tumanggi sa kaniya. At hindi taliwas doon ang kilalang demonyo na ito.
'This bitch! Trying to steal my man? Watch me, I will be Lord Heitor, the demon's angel. '
BINABASA MO ANG
Angel's Evil Husband
Romance*COMPLETED* *UNDER MAJOR EDITING AND RECONSTRUCTION* "Boss, may lalaking nagtatangkang manligaw kay Lady Ziche." "Kill him." "Boss, sinampal ni Ms. Ovledo si Lady Ziche nang iniwan niyo siya sa table." "Cut off that b*tch hands and kill her family...