Prolouge

22 2 0
                                    

It's evening. As I walk into the staircase of our house, I sigh. Gabi nanaman pala. Oras na ayaw ko. Time really flies fast. Kanina lang umaga pa at nagaalmusal lang ako. Pero ngayon, papaakyat na ko ng kwarto at gagawin ang nakasanayan. Ang umiyak.

I've been depressed since my childhood days. Wala akong kakilala. Wala akong kaibigan. Di rin ako pinapalabas ng bahay non. Mahigpit ang parents ko. Pero lagi naman silang wala sa bahay. Puro trabaho lang naman ang inaatupag nila.

Di ko nga alam kung naaalala pa nilang may anak sila dito. Tss.

Sila Manang Rosa nalang yata ang nagaalaga sakin. Lumaki akong school at bahay lang ang pinupuntahan. Di rin nila ako naipapasyal. Ang pinakamalayo ko lang na napuntahan aynay yung park ng subdivision namin. Pinagalitan pa nga nila ako nung nalaman nila na umalis ako ng bahay para lang pumunta  ng park.

Wala rin akong cellphone. Dahil baka kung anong kabulakbulan lang daw ang gawin ko. Di rin nila ako pinapayagan kapag may group projects. Kaya ang mga kaklase ko ang nagpupunta sa bahay. Tss.

Isa din 'yong mga kaklase ko. Kala mo mga totoo. Lalo lang lumala 'tong depression na 'to dahil sakanila eh. Kala ko kapag pumasok ako ng school mababawasan ang lahat. Pero nadagdagan lang.

As I walk upstairs, parang antagal kong umakyat. Ayoko na makarating sa kwarto ko. Dahil iiyak lang naman ang gagawin ko don.

"Oh? Hija? Bat nandito ka pa? Kanina ka pa umakyat diba? Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga. Maaga pa ang pasok mo bukas." Anang ni Manang Rosa ng makita akong na tuktok palang ng hagdan. Ayoko na kasing pumasok sa kwarto.

"Papasok na din po Manang.  Goodnight po." Isang matamis na ngiti ang ipinagkaloob ko sakanya, ganoon din naman ang sinukli nya saakin.

Umalis na nga si Manang Rosa, dahil nasa baba lang naman ang kanyang silid. Siya lang ang nagiisa naming katulong dito. Simula baby palang ako ay sya na ang nakalakihan kong nagaalaga sakin. Dahil ang nga magulang ko, di ko alam kung san lupalop nagpunta.

Pagkaalis ni Manang  ay pumasok na ko ng kwarto. Wala pa rin namang nagbago. Malamig at madilim pa rin ito. Walang ibang makikita kundi kama at study table.

Humiga na ako. Ipinikit ko ang aking mata. Wala pang limang minuto ng humagulgol ako kakaiyak.

Ganito lang ako buong gabi. Minsan wala na kong oras matulog. Iyak lang ako ng iyak sa di malamang kadahilanan. Hinayaan ko lang dahil sanay na rin naman ako.

Tumagal ng tatlong oras ang pagiyak ko. Napatingin ako sa wallclock na nasa tapat ng kama ko. Magaalas-dos na pala ng madaling araw, at ala-singko ang bangon ko. May tatlong oras pa para magpahinga.

Humiga na ako at pumikit. Sa awa ng diyos, nakatulog ako.

Ito ang buhay ko. Buhay na miserable. Buhay na puno ng masasamang tao. Buhay na puno ng luha, lungkot at sakit.
Sakit na walang patawad. Sakit na ayaw ko nang maramdaman pa kahit kailan.

NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon