Night #8:

6 0 0
                                    


"Lumayas ka dito!" Bulyaw ni Mommy na nagpatigil saakin. Nanigas ako. Bakit ganito? Akala ko ba? Akala ko ba naniniwala sya saakin? Wala ba talaga siyang pakielam?

"M-mommy? Hindi po a-ako nakikipaglandian. Muntikan na po a-akong mar-rape. Mommy nagsasabi po ako ng t-totoo." Sabi ko habang kinukumbinsi si Mommy. Napatingin ako kay Daddy na wala man lang pakielam.

"Sinungaling ka! At talagang kaklase mo pa ah! Yung manliligaw mo dati yon diba?! Diba?! Ano? Papagalaw ka na?! Umalis ka dito! Wala kaming anak na disgrasyada!" Sabi ni Mommy na hinihila ako palabas ng bahay.

"Ma'am! S-sandali lang po! S-sobra na po ata yan. Wala pong kasalanan si Autumn." Sabi ni Manang Rosa pinipigilan si Mommy sa pagpapalayas saakin.

"Hindi! Manang Rosa! 'Wag mo pagtakpan ang batang ito!" Sabi ni Mommy at nagpatuloy sa paghila saakin. Nakita ko ang tingin ni Manang na tila wala na siyang magagawa. Ang dami ko ng natamong gasgas at sugat dahil sa pagkakahila sakin ni Mommy.

"Subukan mo manirahan sa kalye para magtanda ka! Huwag na huwag kang babalik dito, tandaan mo yan! Tinatakwil kita!" Sabi ni Mommy habang kinakaladkad ako papuntang gate. Patuloy naman ako sa pagiyak.

"Daddy! D-daddy! Please maniwala k-kayo saakin!" Sabi ko at tinignan si Daddy. Pero umiling lang ito.

"I can't believe I raised a child like you Autumn." Malamig na sabi ni Daddy na nagpatigil saakin. 'Yon ang pinakamasakit na mga salitang narinig ko. Nanghina ako.

Nadala ako ni Mommy sa gate ng bahay. Pagbukas niya ay natigilan siya sa paghila saakin. Napatingin ako sa harapan at nakita ang mag-inang Thunder at Rain na nakatayo.

"Sino kayo?" Tanong ni Mommy sa malamig na boses.

"Kalilipat lang namin dyan sa katapat na bahay. Bibisitahin sana namin si Autumn dahil may nangyari sakanya." Nagulat ako ng malamig ang boses ni Tita Rain.

"Pasensya sa kasinungalingan na sinabi ng anak ko sainyo. Tuturuan ko sya ng leksyon. Hindi sya muntikan marape. Gusto niya talaga iyon." Sabi ni Mommy. Wala na akong pakielam. Di na ako makakilos. Ang sakit ng mga sinabi ni Daddy. Kinaladkad ako ni Mommy palabas at pabalibag akong binitawan.

"M-mommy?" Tawag ko sakanya. Walang emosyon ang mukha ko. Maging ang boses ko ay nawalan ng emosyon. Napatingin ako sa braso ko na napuno ng gasgas dahil sa ginawang paghila at pagkaladkad sakin ni Mommy dito sa labas.

"I just want to ask. Did you ever treat me as your child? As your flesh and blood? Do you really hate my guts? Do you really hate me?" Tanong ko kay Mommy. Natigilan sila sa tanong ko.

"Kasi Mommy, ginawa ko lahat. Para maging masaya kayo na naging anak niyo ako. Pero mukhang hindi. Kasalanan ko bang hinayaan niyo akong mabuhay? Sana pinatay niyo nalang ako." Sabi ko at tumayo. Tumalikod ako sakanila.

"Autumn!" Sigaw ni Tita Rain. Hindi ako huminto, ni lumingon ay di ko ginawa. Nagpatuloy lang ako. Nagulat ako ng biglang may humatak sa kamay ko at niyakap ako. Tumulo ang luha ko dahil sa yakap. I realized how I badly want comfort.

"Let me take you home." Sabi sakin ni Thunder. That's what I need. A home. A family. I didn't experience the feeling of being home in my whole existence. I am aching for the love that can be found inside a family.

"Let's go home." Niyakap ako ni Thunder ng mahigpit habang iginigiya ako papuntang bahay nila.

"What are you doing, young boy!She's a flirt! She'll ruin your future! Your life. Let her learn her lessons!" Sigaw ni Mommy.

"If letting her learn her lessons means this way, mas magandang di nalang niya matutunan ang lessons niya. She is young. Kung pakikielam ang tawag dito, tawagin nyo na akong pakielamero." Sabi ni Thunder at giniya ako papasok ng bahay nila.

NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon