Night #4:

8 0 0
                                    

5:30 ng umaga ng magising ako dahil sa katok ni Manang. At late ako ng gising.

"Nako Autumn, kala ko naman nagaayos ka na at nakabihis. Di ko alam na di ka pa gising. Sige na Autumn. Magayos ka na." Sabi ni Manang at nilabas ang mga gagamitin ko.

Mabilis ang naging pagkilos ko sa kadahilanang malelate nanaman ako kung hindi.

Matapos kong magsuklay ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na sa sala. Nakita kong nandon si Thunder. Nagtaka ako dahil bakit sya nandito ng ganito kaaga?

May dinaanan ba sya? May binigay kay Manang? Eh malelate na sya ah.

Napatulala ako ng maalala ko. Oh sheeezzz! Sabay nga pala kami ngayon. Nakita ko si Manang na naghihigapos papunta sakin na may dalang paper bag.

"Hija, Autumn. Di kayo aabot sa unang klase ninyo mung magaalmusal ka pa. Kaya naman pinagbalot kita ng kakainin mo habang nasa daan kayo papuntang school." Sabi ni Manang habang hinahabol ang hininga.

"Hay nako Manang, hindi na dapat kayo nagabala pa." Sabi ko naman habang nagsasapatos na.

"Hindi pwede hija, ito nga pala ang allowance mo." Sabi ni Manang. At dahil sa sinabi nya naalala ko nanaman ang kagabi.

Iniabot ni Manang ang sobre sakin. Binuksan ko ito at binilang. Kala ko ba niliitan ni Mommy? Eh bat sakto pa rin 'to?

Agad akong napatingin kay Manang habang naluluha ang mata ko. Nabigla sya sa nakita nya.

"Bat kaba umiiyak bata ka? Malelate ka na at si Thunder. Sige na." Sabi ni Manang na parang normal lang.

"Manang." Pumunta ako sakanya at yumakap. Naluha ako habang yakap nya ako.

"Ito talagang batang 'to ngayon pa nagdrama. Sige na, sige na. Mahuhuli ka na." Sabi ni Manang habang pinapatahan ako.

"Salamat po. Thank you po. Salamat." Bulong ko kay Manang. Pag kalas ko sa yakap ay nakita kong naluluha na din si Manang.

Ramdam ko ang titg ni Thunder samin. Pero wala akong pakielam. Ang laking bagay ng ginagawa ni Manang para sakin.

"Mamaya tayo magusap 'nak. Sige na Autumn. Pasok ka na." Sabi ni Manang habang nagpupunas ng luha. Humalik ako sa pisngi nya at nakangiting kumaway.

Naunang maglakad si Thunder habang ako umiiyak pa rin. Hanggang nakasakay kami ng kotse nya ay umiiyak pa rin ako.

Nagulat ako ng may box ng tissue na lumapag sa hita ko.

"Wag ka na umiyak." Sabi nya sakin sa malalim at seryoso na boses. Agad akong nagpunas ng luha ko. Hawak ko pa rin ang sobre na naglalaman ng allowance ko. Iniipit ko ito sa may libro at itinago sa bag.

"Pasensya ka na Thunder. Nadala lang ako." Sabi ko at agad na nagpunas ng mukha gamit ang tissue.

Tahimik lang si Thunder hanggang sa makarating kami sa school.

"Sabi ng Mama mo ay sa klase ko din daw ikaw. Tara na. May 1 hour pa tayo." Sabi ko, tinignan ko siya at nakita kong tumingin din sya sakin. Agad akong nagiwas ng tingin sakanya at diniretso na lang ang tingin.

Sabay kaming naglakad papuntang building, nang makarating kami sa room ay pumasok kami. Agad lumabas si Felly para icheck ang kasama ko. Di ko siya tinapunan ng tingin.

"Hello, I'm Felly. I am the Vice President of this class. Are you the transferee?" Sagot ni Felly na malaki ang ngiti.

"Yes." Maikling sagot ni Thunder sakanya.

"Ahm, may I know what you are doing with ahm, Ms. Sandoval?" She asked Thunder, tinignan ako ni Felly na nagtataka.

"She's my guide." Sagot naman ni Thunder.

NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon