Night #7:

6 0 0
                                    

Ginising ako ni Manang ng saktong 4:00 ng umaga. Ano kayang gagawin ko sa ganito kaaga na oras?

Nandito ako ngayon sa kusina. Nakabihis na 'ko at kumakain ng umagahan. Sabi ni Manang ay kailangan ko daw kumain lalo na at masyadong maaga ang alis ko ngayon. Nagabala pa siya gumawa ng pancake mixture dahil naubos ang mga binili namin sa grocery na pancake mixture.

"Autumn, ba't ikaw maaga ka ngayon? Eh di ba, kaklase mo si Thunder? Dapat maaga din siya." Sabi ni Manang habang naghuhugas ng mga ginamit niya kanina. Shoot.

Nilingon niya ako ng hindi ako sumagot.

"Baka natapos na nila yung kanila Manang. Malay ko." Sabi ko. Inubos ko na ang pancake na nasa plato at uminom ng gatas. Pagtapos ay uminom ako ng tubig at dinala kay Manang ang pinagkainan ko.

"Aalis na po ako Manang." Sabi ko at isinukbit na sa balikat ang bag ko. Nang makapagsapatos ako ay sumigaw pa ulit ako ng isang beses para sabihin kay Manang na nasa kusina, na aalis na ako.

"Sandali! Dalhin mo itong payong. Mamaya umulan nanaman. Nako! Mag-ingat ka, ha?" Sabi ni Manang at ipinasok sa bag ko yung payong.

Nginitian ko siya at lumabas na. Nang masara ni Manang ang pinto ay pumunta na akong gate. But I was not expecting what I saw.

Thunder is there. Nakasandal sa sasakyan niya at nakatingin sa cellphone.

"Ahm." Tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang lumingon saakin at tinignan ako.

"What are you doing here?" Tanong ko sakanya.

"Aren't you going to school? And we're classmates. Also seatmate." Sabi niya saakin.

"I told you, you don't have to do this." Sabi ko sakanya.

"And besides, magkagrupo tayo. At ang dahilan mo kay Manang ay may di pa natatapos. Meron pa ba?" Tanong niya saakin.

"No. Wala. Dahilan lang 'yon. So, please? Papasok na ko." Sabi ko sakanya.

"We both know that the gate of school opens exactly 5:00 in the morning. It's only 4:37 in the morning. Don't tell me you are planning to wait 'till 5 am?" Tanong niya saakin.

"Pwede ba? Wala kang pakielam kung anong gusto ko. You have your own life. Please. Wala tayo sa school kaya hindi oras ng pagiging guide ko. Okay? Wag mo kong guluhin." Sabi ko sakanya sa medyo mataas na boses.

"Why are you suddenly like this? Did I do something wrong?" Tanong niya.

"No. You didn't do something wrong. I just don't want to be friends with anybody. Not even with you." Sabi ko sakanya at nagsimula na akong maglakad. Wala si Mang Edo ng ganito kaaga kaya kailangan ko magcommute.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ko ang sasakyan niya na lumagpas saakin. Napabuntong hininga nalang ako. I love this kind of silence. Cold wind brushes against my skin. I sighed.

I just walk. I don't feel tiredness at all. Maybe it is because I am more than tired.
I reached the gate of our school and it just opened. Pagtingin ko sa relo ko ay 5:13 na ng umaga.

Nang dumating na ang key holder namin ay pumasok na kami. Umupo ako at nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Thunder. Kala ko galit sya? Bahala na nga siya.

NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon