Night #2:

9 1 0
                                    

I hear knocks on the door. I open my eyes and open the door. It's Manang Rosa.

"Maligo kana at magalmusal." Sabi ni Manang. Agad naman akong tumango sakanya at sinara ang pinto pagkatalikod nya.

Hinanda ko na ang uniform ko at kinuha ang mga gagamitin ko. Medyo napatagal din ako sa paliligo dahil medyo inaantok pa ko. Anong oras na kasi ako nakatulog kanina kakaiyak.

And as usual, mugto ang mata ko. Oh! Shit! Pinagbuksan ko si Manang kanina. Hindi kaya nya nahalata? Hays. Inaantok pa talaga ako.

Dahil sa bagal ko kumilos at 5:48 na ng umaga ay di pa ko nakakakain, aakyatin na sana ako ni Manang pero nakasalubong ko sya sa hagdan kaya nginitian ko sya.

"Nako Autumn. Ang bagal mo kumilos bata ka. Malelate kana oh. Tara na at kumain kana. Nako." Sabi ni Manang habang hawak hawak ako sa braso.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod sakanya. Kahit pagsubo ko ng pagkain ay napakabagal. Inaantok talaga ako.

"Autumn? May sakit kaba? Ang tamlay mo ngayon." Tanong ni Manang ng makita nya na halos wala pang kalahati ng pagkain ko ang nakain ko na.

"Wala naman Manang. Medyo inaantok lang ako. Anong oras na din kasi ako nakatulog kagabi eh." Sabi ko kay Manang.

"Ha? Eh kaya pala namumugto ang mata mo kanina eh. Wala ka naman pinagkakapuyatan. Bakit ka napuyat?" Tanong ni Manang.

"May research papers lang po akong tinapos." Pagsisinungaling ko. Di ko naman pwedeng sabihin sakanya na umiiyak ako gabi-gabi kaya ako napupuyat.

"Aba'y nako. Baka antukin ka sa klase, hija?" Sabi naman ni Manang.

"Pwede nyo ho ba akong timplahan ng kape Manang? Baka makatulog ako eh." Tanong ko kay Manang. Agad naman itong tumango at itinimpla ako ng kape.

6:10 na nang umaga ng umalis ako ng bahay. 6:30 ang start ng klase namin. Aabot naman siguro ako. Malapit lang naman ang school eh.

Ilang minuto lang ng maihatid ako ni Mang Edo sa tapat ng school. Agad akong bumaba at sumilip sa bintana upang magpasalamat. Tinanguan lamang ako ni Mang Edo.

Agad akong pumasok sa gate at dire-diretso papuntang building.

Nakarating ako sa classroom ng 6:23. Wala pa ang adviser namin. Usually kasi 6:00 ng umaga ay andito na sya para macheck ang attendance at ang classroom.

"Guys, listen up." Sigaw ng President namin. Sya si Felly Leval.

Agad naman tumahimik ang buong classroom.

"Absent daw si Sir ngayon. Emergency daw." Sabi nya at agad naman naghiyawan ang mga kaklase ko. Ang boring naman. Walang klase.

"But don't celebrate too early guys. May pinaiwan syang gagawin. Get your textbook and answer 1st up to 5th activity." Sabi nya na agad na nagpareklamo sa mga kaklse ko.

Tahimik ko naman sinunod si Felly at nagumpisa na. Mamayang breaktime daw ipapasa. Magpapasa na ko pag natapos ko agad.

Habang gumagawa ay nagkekwentuhan ang mga kaklase ko at dahil ayoko sila ma rinig ay kinuha ko ang earphones at mp3 sa bag ko.

Agad kong isinalpak ang earphones ko sa tenga at tinuloy ang activity na pinapagawa.

After almost 30 minutes of being busy natapos ko din. Mas grabe pa ang ginagawa namin pag wala si Sir kesa sa ginagawa namin pag nandito sya.

Agad akong pumunta kay Felly na nakaupo sa teacher's area na nasa harapan ng classroom. Inilapag ko ng mabilis at tahimik ang paper kung nasan ang activity ko.

NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon