Napamulat ako ng makarinig ako ng pagkatok.
"Hija? Gising na. Ala-singko na. Kumain kana sa baba." Rinig kong sambit ni Manang Rosa habang patuloy sa pagkatok.
"Oho. Magaayos lang po ako at bababa na." Sagot ko sakanya para tumigil na sya sa pagkatok. At maya maya nga ay huminto na sya sa kakakatok dahil sa sagot ko.
Nagsimula na akong bumangon at maghanda ng susuotin ko. Pagkatapos ay pumasok na ko sa banyo. Napatingin ako sa salamin na unang sumalubong sakin pagpasok ko ng banyo.
Hays. Mugto ang nga mata ko. Wala namang bago. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos. Dumiretso na ko ng shower at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay naglagay ako ng concealer sa mata at nagpulbo ako ng mukha. Kinuha ko na yung bag ko at bumaba ng hagdan na may ngiti sa labi.
"Manang, aalis na ho ako." Sigaw ko kay Manang na nasa kusina. Agad agad ko naman itong nakita na palabas ng kusina habang nagsasapatos na ko.
Bigla naman akong kinurot sa braso ni Manang.
"Aray! Manang naman." Napahiyaw ako sa kurot ni manang na hindi naman ganoon kasakit. Oa lang talaga ako magreact.
"Aba! Naku kang bata ka! Lagi ka nalang ganyan. Hala, sige! Pumasok ka at kumain. Pasaway ka talaga." Sermon sakin ni Manang.
"Manang, busog po ako. Wag na." Sagot ko pabalik.
"Hay nako kang bata ka! Masama magpalipas ng gutom. Tara na. Bilisan mo at malelate ka." Sabi ni Manang sabay hila sakin papuntang kusina at pinaupo ako.
Pinaghain ako ni Manang. Wala naman akong nagawa kundi kumain dahil hindi talaga ako titigilan ni Manang.
"Hay nako ka Autumn Aphrodite Sandoval! Pasaway ka! Alam mo bang madaming taong nagugutom tas ikaw? Nagpapalipas ng gutom. Hay nako ka." Sermon pa ni Manang habang umiiling-iling dahil sa pagpapasaway ko. At may pagtawag pa ng buo kong pangalan.
Nanahimik ako at sinimulan ang pagkain ng inihain sakin ni Manang. Para akong bibitayin sa sobrang dami.
"Sorry na Manang. Wala lang talaga akong ganang kumain. Sorry na. Yiieee. Ngingiti na yan." Paglalambing ko kay Manang habang papunta ako sakanya dala ang pinagkainan ko. Pag tumawag na kasi sya ng buong pangalan ay medyo masama na ang loob nya.
"Ikaw kasing bata ka! Nako Autumn! Konti nalang iisipin kong ayaw mo sa luto ko. Ang payat payat mo na nga tas di ka pa kakain. Minsan kung kumain kapa ay napakaonti." Sagot ni Manang na may halong pagdadamdam sa boses.
Niyakap ko si Manang sa likuran, dahil naghuhugas sya ng mga pinaglutuan kanina. "Sorry na Manang. Wag kana magtampo. Ganito nalang, mamaya magbake kayo ng chocolate cake, at marami akong kakainin. Promise." Sagot ko kay Manang para hindi na sya magtampo sakin.
"Maguuwi din ako ng ice cream. Kaya wag kana magtampo." Sabay halik ko sa pisngi nya. Somehow ay parang nanay ko na din si Manang Rosa. Di nga lang nya alam kung anong nangyayari sakin sa labas dahil di naman ako nagkekwento sakanya. Pero sobrang maalaga sya sakin. Kaya di ko kakayanin kung mawala pa sya.
"Talaga? Kakain ka ng marami? Promise mo?" Paninigurado sakin ni Manang.
"Opo Manang. Promiseeee." Sagot ko at lumabas na ng kusina.
"Manang, aalis na po ako!" Sigaw ko kay Manang na nasa kusina.
Sumilip si Manang sa hamba ng kusina. "Magingat ka Autumn." Sabi ni Manang na sinagot ko naman ng tango.
Lumabas na ako at nakita ko si Mang Edo. Asawa sya ni Manang Rosa, pero ang alam ko ay di maganda ang kanilang pagsasama, pero dahil sa mga anak ay hindi sila naghiwalay. Siya naman ang driver ng pamilya namin. Dahil di ako pinapayagan nila mommy na umalis ng sarili ko lamang. Hanggang ngayon ay hatid sundo pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Nights
Teen FictionI maybe smiling. I maybe joking. I maybe laughing. But that doesn't mean that I am happy. When night comes, I cry. I scream out of pain I feel inside. In night, the real me comes out. Then, along the way of this nonsense life. He came. He made me...