Nagising ako sa tunog ng ulan. Napatingin ako sa bintana at nakitang malakas ang ulan.
Napabangon ako ng makitang papalubog na ang araw. Tumingin ako sa wallclock at nakitang magaala- singko na ng hapon.
Ang tagal ko palang nakatulog. Hindi pa ko nagtatanghalian pero di ako makaramdam ng gutom.
Bumaba na lang ako ng bahay para makipagkulitan kila Manang pero nagulat ako ng makarinig ng ibang boses.
"Hahaha, nako hijo! Nakakatawa ka pala. Kala ko eh masungit ka" Sagot ni Manang habang tumatawa.
"Hindi po ako masungit Manang. Gwapo lang." Sagot nya. Agad naman tumawa ng malakas si Manang.
Nang makababa ako ay tinignan ko kung sinong tao. Nakita ko si Manang na may kausap na lalaki.
Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nilang dalawa. Agad napatingin sakin si Manang at napatayo. Pumunta agad sya sakin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo Autumn? Hindi na kita ginising nung tanghalian para tuloy tuloy ang pahinga mo." Sabi ni Manang.
"Ayos na po ako. Ayos lang po iyon. Pero sa ngayon ay medyo kumakalam na po ang sikmura ko." Pagsisinungaling ko.
"Nako! Ipagluluto kita ng sopas. Ayos ba sayo 'yon?" Tanong ni Manang. Tumango na lamang ako.
"Bantayan mo muna ang bisita natin." Bilin pa ni Manang. Agad akong napatingin sa lalaki. Sya yung kapitbahay namin.
"Nako, hijo? Iwan muna kita ah? Ipagluluto ko kayo ng sopas. Mabait naman itong alaga ko." Sabi ni Manang sa bisita nya.
"Sige po." Tipid na sagot nito na may kasamang ngiti. Mabilis na pumunta si Manang sa kusina. Naupo naman ako sa malapad na sofa habang sya ay nasa pangisahan. Nginitian ko sya.
"Hello." Tipid kong sabi at kinuha ang remote upang manood. Inilagay ko ito sa cartoon channel.
Tahimik lang kaming dalawa ng lalaki. Parehas lang kaming nakatingin sa TV. Bat ba ang tagal ni Manang? Ang awkward dito. Grabe.
"Ahm, bat ka pala andito?" Tanong ko sakanya. Pero mukhang mali ang paraan ko ng pagtatanong.
Hindi sya sumagot pero tinitigan nya lang ako. Not having any emotions in his face nor in his eyes. Okaaay. Ang tahimik na talaga.
Tumikhim nalang ako para makabawi sa pagkapahiya.
"Ahm, kelan pala kayo lumipat dyan?" Tanong ko ulit. Sobrang awkward na nito. Akala ko hindi nanaman nya ko sasagutin ngunit laking gulat ko ng sumagot ito.
"Yesterday morning." Hindi ko ipinakita ang pagkagulat ko sa pagtugon nya.
"Ahh. Alam mo bang haunted house daw 'yang bahay na yan? Kaya medyo matagal na rin ng natirhan yan. Lahat nga ng tumira dyan? Umalis. Buti hindi yan yung kinuhang bahay nila mommy." Kwento ko sakanya.
Nakatitig lang sya sakin at di ko alam kung may nasabi ba kong mali. Di rin sya sumagot at tumingin nalang sya sa TV, kaya tumikhim nalang ako.
"Nagaaral ka pa ba?" Tanong ko ulit paglipas ng mahabang minuto na pagkatahimik naming dalawa.
"Yes." Maikling sagot nya sa tanong ko. Grabe namang lalaki 'to. Napakahirap kaya maginitiate ng conversation tas di pa sya nakikicooperate.
"Ahhh. Anong year mo na?" Tanong ko ulit sakanya. Tinitigan nya ulit ako at agad akong nagiwas ng tingin sakanya.
"I am a 4th year highschool student." Sagot nya rin. Buti naman sinasagot ako nito. Ang hirap mapahiya ah.
BINABASA MO ANG
Nights
Genç KurguI maybe smiling. I maybe joking. I maybe laughing. But that doesn't mean that I am happy. When night comes, I cry. I scream out of pain I feel inside. In night, the real me comes out. Then, along the way of this nonsense life. He came. He made me...