I got home. I thought I would never be able to return into this cold house.
Nag-doorbell na ako. Agad naman akong pinagbuksan and surprisingly, si Tita Rain ang nagbukas sakin.
"What happened to you?!" She exclaimed. I smiled at her.
"May nakalimutan po kasi ako sa school, Tita kaya nagpababa pa ko. Pinauna ko na si Thunder kasi baka magalala kayo sakanya." Pagsisinungaling ko.
"My son is not a liar. Autumn, is there any problem with him? Ayaw mo ba siyang kasama? Did he do something bad to you? Ang sabi niya sakin ay nagpababa ka daw." Sunod sunod na sabi ni Tita Rain.
"No! I just forgot something." Sagot ko. Ayoko ilaglag si Thunder. Ako yung naginarte.
"Come. Come in. So you can change your clothes." Iginiya ako ni Tita Rain papasok. Nagulat ako ng nandoon si Thunder sa sofa.
"Nako! Autumn! Kakagaling mo lang sa sakit nagpaulan ka nanaman! Ba't di ka nalang namasahe, ha!? Masyado kang nagtitipid!" Sermon sakin ni Manang.
Di ko alam ang isasagot ko kay Manang. Mukhang kakarating lang din dito nila Thunder at hindi pa nila nasasabi kay Manang. Agad kong tinitigan si Thunder at inilingan. Pati na rin si Tita Rain. Ayoko mag-alala pa sakin si Manang. I've been such a burden already.
"Ahm, may naiwanan po kasi ako sa school. Kaya pinauna ko na si Thunder kasi baka nagaalala si Tita sakanya. Kaso di ko naman po inexpect na uulan, Manang. Eh malayo na rin po ang nalakad ko mula sa school. Kaya hinayaan ko nalang." Mahabang paliwanag ko kay Manang.
"Aba! Ang dilim dilim pa naman diyan sa kalye papunta sa school niyo. Ba't di ka nagpasundo kay Edo?" Manang said, still disappointed.
"Eh malapit na rin naman po ako ng lumakas ang ulan, Manang. Sayang ang gas." Sagot ko sakanya. Agad niya akong nilapitan at akmang kukurutin ako ng tumakbo ako paakyat ng hagdan.
"Sorry na, Manang! Magbibihis muna ako!" Sigaw ko kay Manang mula sa hagdan. Agad akong tumakbo papuntang kwarto.
Pagkarating ay inilapag ko ang bag ko at kumuha ng mga gagamitin ko para makaligo. Baka magkasakit pa ako at lalong magalit sakin si Manang.
Mabilis lang ang naging pagligo ko. May mga bisita pa sa baba at kelangan ko silang makausap. Baka sabihin nila kay Manang yung totoo. Nang makapagbihis ako ng bestida na puti na flowy ang style ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
I don't think I look beautiful with this but I think it's presentable enough to face my visitors. Nagsuklay lang ako at hinayaan ang buhok ko na nakalaylay. Hanggang bewang na ito.
Lumabas na ako ng kwarto at isinarado ang pinto. Bumaba na ako papuntang salas pero wala akong naabutan na tao. Pero nakarinig ako ng usapan sa kusina. Hindi ko ugali ang mag eavesdrop pero narinig ko ang pangalan ko.
"Bata palang kasi 'yang si Autumn, akin na ipinagkatiwala ng mga magulang niya. Wala siyang kapatid." Sabi ni Manang.
"That's saddening. Magkasama pa rin ba ang parents niya?" Tanong ni Tita Rain.
"Opo ma'am. Kasal pa rin po at parehas nasa ibang bansa. Isang beses lang po sa loob ng isang taon kung umuwi. Minsan isang oras lang dito. Hindi ko nga po alam kung bakit ganoon nila pakitunguhan ang anak nila." Mahabang paliwanag ni Manang.
"Do you know the reason behind it? I mean, you know? Autumn is a wonderful girl, I think. She is so strong to still go on with life with a parent she have." Sabi ni Tita Rain na talaga namang nakapagpatigil sakin.
Hindi sumagot si Manang at nagkaroon ng mahabang katahimikan. Kaya pumasok na ko ng kusina. Agad namang lumingon si Tita Rain sakin ng narinig ang yabag ko. Nandoon pa rin si Thunder. Pero tahimik lang ito.
BINABASA MO ANG
Nights
Teen FictionI maybe smiling. I maybe joking. I maybe laughing. But that doesn't mean that I am happy. When night comes, I cry. I scream out of pain I feel inside. In night, the real me comes out. Then, along the way of this nonsense life. He came. He made me...