Nang makarating kami sa may gate ng amusement park ay bumili kami ng ticket. Unli rides! Galante yata tong si Thunder ngayon.
Isinuot sa mga kamay namin yung tickets. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Nagikot-ikot muna kami sa loob ng amusement park.
Manghang- mangha ako sa nakikita kong rides! Nakakatakot! Ang tataas kasi eh. Pero mukhang exciting!
"So?" Sabi ng katabi ko. Yan nanaman siya sa so niya! So ano ba kasi?
"Anong so? So what?" Sagot ko sakanya na nakakunot ang noo. Agad niya naman akong inirapan. Wah! Eh hindi ko nga alam kung anong so sinasabi niya eh!
"What I mean is, anong ride ang una nating sasakyan?" Sagot niya sakin sa nababagot na boses.
"Ahm, di ko alam eh. Ikaw nalang pumili." Agad naman siyang lumapit sa isang ride na may bangka na nagsesway. Parang di naman nakakaexcite eh!
Agad kaming pumunta sa may ride at pinakita yung ticket namin. Agad naman kaming pinapasok. Umupo kami sa punakadulo ng bangka. 8 rows siya kada side. So, bali 16 rows ang bangka. Ang liit.
Matagal tagal din kaming nakaupo bago napuno ang ride na sinasakyan namin. Nang mapuno ito ay ipinakabit na yung safety belts dahil uumpisahan na daw yung rides. Nang masigurado ng mga crew na naka safety belts na lahat ay inumpisahan na.
Sa umpisa ay mabagal lang at mababa. Hanggang sa unti- unti na itong tumataas. Nang lumakas at tumaas na ang pagsway nito ay nagsimula na akong mapasigaw. Di ko ineexpect na ganito kataas yon.
Wahhhhhhh! Ayoko na! Nahihilo ako! Bumabaliktad yung sikmura ko! Matagal tagal pa bago tumigil ang ride na sinasakyan namin. Yung katabi ko hindi man lang sumigaw. Pano niya natagalan yung ride na yon?
"What's next?" Tanong niya sakin. Agad naman akong napahawak sa ulo ko. Nahihilo pa rin ako. Nang hindi ako sumagot ay agad siyang lumingon sakin at natawa sa nakitang itsura ko.
"Sandali lang. magpahinga muna tayo. Di ko na kaya. Di ko alam na ganon pala kasama yung ride na yon." Sabi ko na pagewang gewang.
"Doon tayo sa bench." Sabi niya na may mumunting ngiti sa mukha. Mukhang talagang nasiyahan siya na makita ako sa ganoong estado ah? Agad akong napaupo ng marating namin ang bench na sinasabi niya.
"Do you want something to eat?" Tanong niya sakin pagkaupo niya sa tabi ko.
"Mukha bang gugustuhin kong kumain?" Sarkastikong balik ko ng sarili niyang tanong sakanya. Nakita na ngang nahihilo ako eh.
Di na siya sumagot kaya pinikit ko nalang ulit yung mata ko at sumandal sa bench. Ilang minuto lang ang tinagal ng mawala ang hilo ko. Agad akong dumilat at tinignan ang katabi ko.
Laking gulat ko ng wala akong abutang kasama doon. Asan na siya? Iniwanan na ako? Just when I was about to stand to look for him, he popped out beside me holding two ice cream in his both hands.
"San ka galing? Pinakaba mo ko! Kala ko iniwanan mo na ako dito!" Kinakabahang sabi ko sakanya.
"I bought you an ice cream. It reduces headache." Sagot niya sakin. Agad naman akong napatango. Iniabot niya saakin ang isang ice cream cone na may ice cream.
Naupo ulit ako sa bench at sinimulan ang pagkain ng ice cream na binili sakin ni Thunder. Umupo siya sa kabilang dulo ng bench at doon tahimik na kumain.
Walang nagsasalita saaming dalawa. Tahimik lang kaming kumakain. Nauna niyang maubos ang ice cream niya. Nang maubos ang akin ay tumayo siya at nakita kong papunta siya sa tindahan sa loob ng amusement park.
Nang bumalik siya ay inabutan niya ako ng isang mineral water. Agad ko itong tinanggap at ininom. Nang matapos ay tumayo na rin ako.
"Are you already fine? Kaya mo na bang sumakay ulit sa rides?" Tanong niya sakin. Agad naman akong tumango. Gusto ko nang sumakay. Nauna akong maglakad sa may space shuttle. Nakita ko itong ride na to kanina! Grabeeee!
BINABASA MO ANG
Nights
Teen FictionI maybe smiling. I maybe joking. I maybe laughing. But that doesn't mean that I am happy. When night comes, I cry. I scream out of pain I feel inside. In night, the real me comes out. Then, along the way of this nonsense life. He came. He made me...