[YURI'S POV]
Pinatamaan ko siya ng isang arrow na naiwasan niya. Bigla na lang itong nawala sa paningin ko. Sh*t nasan na yun. Akala ko madali lang hindi pala. Nasangga ko ang bow ko sa likod ng may maramdaman akong papalapit na sword sa akin. Kahit na nasangga ko ito ay hindi ko pa rin maiwasang tumilapon ng ilang metro. Sh*t ang lakas ng pwersa nakakatang*na. Mapapadalas yata ang pagmumura ko nito ngayon. Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko at iwinasiwas niya ang kanyang espeda sa akin. Na nagdulot na masugatan ang tiyan ko.
Napasuka ako ng dugo at napaluhod. Sh*t dito na yata ako mamamatay. Halos mawalan ako ng ulirat ng sinipa niya ang sikmura ko ng pagkalakas-lakas.
"Suko ka na ba?" Tanong nito na nagpatawa sa akin kahit na nahihirapan na akong makahinga.
"Why are you laughing?" Nakakunot-noong tanong nito. Dahan-dahan akong tumayo. Pinulot ko na rin ang bow at arrow ko.
"Sorry ah hindi ko kasi alam ang salitang suko eh." Sabi ko at sinugod ko siya. Sinipa ko siya sa tagiliran na naiwasan niya pero hindi niya naiwasan ang suntok na paparating. Napabaling lang sa kaliwa ang ulo nito. Sh*t naman ang pagkaka-alam ko ay malakas ang pagkakasuntok ko sa kanya. Mapula na rin ang kamao ko sa ginamit kong pagsuntok sa kanya. Shemay ilang baso kaya ng gatas ang ininom nito at ganyan katigas ang mukha niya.
"Nice napatamaan mo ako." Napatamaan nga kita pero hindi man lang nagkaroon ng sugat. Napangsinghap ako ng hangin at dahan-dahang napatingin ang sword na kanina niya pa hawak na nakaturok sa tiyan ko hanggang sa likod. Napadapa na lamang aki sa sahig ng bigla na lang niyang hugutin ang espada. Sigurado na akong naliligo na ako ng dugo ko fu*ksh*t. Hindi ako makahinga. Is this really my fate? Hindi ko man lang ba makikita ang mga kapatid ko. Hindi ko na ba ulit makikita ang bestfriend ko. Napangiti na lamang ako at napapikit ng maalala ko ang unang pagkikita namin ni Tantan noon.
~~FLASHBACK~~
[THIRD PERSON POV]
"Ma! Pupunta po akong park." Sabi ng batang si Yuri.
"At bakit naman kita papayagan." Napa-pout na lamang si Yuri at nagpuppy-eyes pa ito. Kahit naku-kyutan na ang kanyang mommy sa kanya ay hindi pa rin niya ito pinayagan.
"Sige na po. Isasama ko naman si Lulu sa akin eh." Humaba pa lalo ang nguso nito.
"Sige na nga pero sa park lang ah." Tumango-tango siya at kinuha na niya ang aso niyang si Lulu. Nagmadali itong lumabas ng kanilang bahay.
Masayang naglalakad si Yuri ng may mamataan siyang naglalako ng fishball malapit sa kanyang kinaroroonan. Kahit na mayaman pa ito ay hindi naman siya mapili kung anong pagkain ang kanyang kakainin.
"Kuya tatlong piraso nga ng kwek-kwek at sampung pisong fishball." Sabi nito at inabot ang kanyang twenty pesos. Buti na lang at kumuha siya ng pera bago siya umalis ng bahay. Hindi na rin niya napansin na nabitawan na niya ang kadena ng kanyang aso. Inabot ng lalaking naglalako ang pera at ibinigay sa kanya ang isang malaking baso na may laman ng kwek-kwek at fishball. Kumuha siya ng isang stick at naglakad papunta sa isang bench.
Kain lang ito ng kain hanggang sa maubis niya ito. Napagpasyahan na rin niyang umuwi dahil malapit ng gumabi. Uuwi na sana siya ng maalala niya pala ang aso niyang si Lulu.
Nagpalinga-linga ito sa paligid nagbabasakaling makita niya ito. Pumunta ba rin siya sa mini playground sa park, sa flower garden at kung saan-saan pa.
YOU ARE READING
Kuroshiro Academy(The Seven Deadly Sins)
FantasiaPride is excessive belief in one's own abilities that interferes with the individual's recognitionof the grace of God. It has been called the sin from which all others arise. Pride is also known as Vanity. Envy is the desire for others traits, statu...