Nana(7)

24 3 0
                                    

[YURI'S POV]

Dahan-dahan akong bumangon. Pinulot ko na rin ang bow at arrow na nasa tabi ko lang. Nakatalikod sa akin si Beelzebub. Ini-ready ko na ang bow at arrow ko. Sh*t ito na lang ang pag-asa kong manalo. Hinang-hina na rin ang katawan ko. Ini-aim ko sa kanya ang bow at arrow at pinakawalan. Bumulusok ito papunta sa kanya ang arrow. Kailangan ko na ring gawin ito. Kung hindi mamatay ako dito.

Alam ko namang maiiwasan niya iyon. Kaya tumakbo na ako ng mabilis na akala mo ay nagteleport ako sa harapan niya. Kumuha ako ng isang arrow sa quiver at iaambang isaksak sa kanya. Nahuli niya ang kamay ko at ngumisi.


"A surprise attack ei. Hindi uubra sa ak---" Nanlalaki ang matang napatingin siya sa kanyang tiyan kung saan nakasaksak ang isang arrow na hawak ng aking kanang kamay. I won! Buti naman makakapagpahinga na ako. Napahiga na lamang ako sa sahig. Ipinikit ko ang aking mga mata na may ngiti sa aking labi. And darkness engulfed me.

**********
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata na agad ko namang ipinikit. Tang*na bakit ba kung gigising ako eh lagi na lang akong nasisilaw sa ilaw na ito at bakit ba nakabukas ang ilaw dito tsk.

"You're awake" Nakangiting salubong sa akin ni Miya. Napatingin naman ako sa likod nito ng may marinig akong pag-galaw doon. Tumayo si Yuki sa pagkaka-upo niya sa couch na nasa kwarto ko.

"Ilang oras ba akong tulog?" Nagtataka kong tanong. Para kasing nabunutan ng tinik itong si Miya ng makita niya akong nagising.

"2 weeks" Nababagot na sabi ni Yuki na kina-upo at napasigaw.

"WHAT!!!" Napahawak na lamang ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng sakit sa bandang iyon at napadaing. Nag-aalala namang lumapit sa akin si Miya at binatukan. Tanginech kung hindi ko lang siya kapatid kanina ko pa siya sinapak.

"Wow! Sobra naman ang pag-aalala mo sa akin at binatukan mo pa ko."

"Kakagising mo pa lang bumangon ka kaagad kaya binatukan kita." Kung di lang siya cute sa paningin ko ay matagal ko na siyang inihagis sa bermuda triangle. Inalala ko naman kung anong nangyari sa akin sa laban namin sa Beelzebub na yun. Pero sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit ko tsk.

"Anong nangyari?"

"Ewan" Wow ang ganda nang sagot nitong dalawang to na sa sobrang ganda ay ang sarap nilang pagbuhol-buholin. May ibinigay namang envelope si Yuki sa aming dalawa ni Miya. Binuksan ko ito at kinuha ang papel na nasa loob nito. Gold ang kulay ng papel at black naman ang pagkakasulat ng letra. Totoo kayang gold isasangla ko ito kapag ganon. It's say here na natanggap ang form namin at kukuha na lamang ng exam para makapasa kami. Wait lang ah anong form? Sa pagkakaalam ko ay di pa naman ako nag-enroll.

"Sino nagpasa ng form ko?" Nakataas kong kilay na sabi sa dalawa.

"Ako" Nakataas pa ang kamay ni Yuki na hindi nakatingin sa akin. Aba't bastos to ah.

"Hindi naman ako naghubad sa harapan mo ah." Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. Binasa na naman niya kasi ang isip ko at wala pang ka gana-gana ang pagkakasabi nito na akala mo di kumain ng isang linggo.

"Ano bang school ang pinagpasukan mo sa amin." Nagtataka kong tanong. Tumayo siya na parang zombie na naglalakad papunta sa akin at may iniabot na flier.

"Kuroshiro Academy?" Basa ko. I never heard this school before.

"Hmm hmm"

"Ehh ayokong pumasok sa ordinayong school lang Yuki. Gusto ko yung may magic akong makikita araw-araw yung maganda na uniform. Marami ang pagka--aww."

Kuroshiro Academy(The Seven Deadly Sins)Where stories live. Discover now