Prolouge

111 6 0
                                    

"Sinasabi ko naman sa inyo na hindi magandang ideya na pumasok tayo dito eh" Kanina pa iyan sinasabi ni Miya at kanina pa naiirita ang mag-kambal na sina Yuki at Yuri.
Kung saan-saan na sila dumadaan para lang makalabas sila sa gubat.

Dark Forest ang pangalan ng gubat na kanilang kinalalagyan, Ang gubat na kinatatakutan ng lahat ng mamamayan ng Avilla. Sinasabi pa nilang may mga halimaw na naninirahan sa loob ng gubat. Nagmumukha rin itong haunted forest dahil sa mga matatayog na mga puno nito kaya walang sinag ng araw na tumatagos. Mayroon ding mga hamog na nakaharang sa toktok ng puno kaya hindi ito makita. Malamig din ang simoy ng hangin na nakapag-padagdag sa pagka creepy nito.Sa sobrang curios ng magkakapatid na Ichihashi plinano nilang pumasok sa gubat kaya ang ending ay naliligaw na sila.

"Ikaw ang nagsabi na pumasok tayo dito noh" sumbat ni Yuri kay Miya

"Eh bakit sumunod ka ha!" Maangas na sabi ni Miya

"ABAT--" hindi na naituloy ni Yuri ang kanyang sasabihin ng batukan siya ni Yuki.

"SHUT UP YOU TWO!! Kailangan nating makahanap ng pagtutulugan natin ngayon" Yuki said at iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid nagbabasakaling may mahanap siya.

"Ayon oh" sabi ni Yuri habang nakaturo siya sa isang kweba hindi kalayuan sa kanila.

"No!no!no" naghi-hysterical na sabi ni Miya habang iniiwaygay niya ang kanyang kamay na ngangahulugang ayaw niya talaga. Natatakot kasi ito na baka totoo ang mga sinasabi ng mga tao ng mamamayan ng baryo Avilla.

"We have no choice Miya" Yuki said in a serious tone so that hindi na maka-angal pa si Miya. Miya pouted of what she said.

Nagsimula ng maglakad ang mag-kambal na pumunta sa kwebang nakita nila. Bagsak ang balikat na sumunod si Miya sa kanilang dalawa.

Purong kadiliman ang sumalubong sa kanilang tatlo pagpasok pa lamang nila sa kweba. Inilabas ni Yuri ang kanyang cellphone para sana gawing flashlight pero ayaw bumukas.

"Shit! Deadbatt" bulong niya. Napamura na lamang siya sa kanyang isip ng maalalang hindi pala niya nai-charge ang kanyang cellphone nung pumunta sa gubat na ito.

Kahit na bulong lamang ang pagkakasabi ni Yuri ay narinig pa rin nina Miya at Yuki ang kanyang sinabi. Napahawak si Miya sa laylayan ng damit ni Yuki ng makarinig sila ng kaluskos.

Kahit na madilim at natatakot na ang tatlo ay hinanap nila kung nasaan nanggagaling ang kaluskos. Dahil hindi sila makakita hindi nila napansin ang isang butas kaya nahulog ang tatlo.

"AHHHHHH" Puro sigaw nila ang iyong maririnig sa loob ng kweba.

"Thud"

"Shit! Ang sakit ng pwet ko" Yuri said habang hinihimas ang kanyang pwet. "U-umalis k-ka n-nga s-sa i-ibabaw ko" nahihirapang sabi ni Miya. Dali-dali namang umalis sa ibabaw ni Miya si Yuri. Yuri helped her to get up at nag-sorry sa kanya.

"It's okay" kahit ang totoo ay hindi, gusto sana niya itong tanungin kung ilang tonelada ng bigas ang kanyang kinain,ang bigat niya ha sa isip-isip nito.

Namangha ang dalawa ng mapagmasdan nila ang paligid na kanilang kinalalagyan. Sa kanilang tinatayuan ay isang grass field, mayroon ding mga ligaw na bulaklak ang tumubo and the best part is mayroong cherry blossom na nasa gitna ng field.

"Guys! You have to see this" Lumapit sina Miya at Yuri sa kinaroroonan at tinignan ang kanina pa tinitignan ni Yuki.
Hindi pala nila napansin na may mga pader na nakapalibot sa grass field na ito.

"Troubled blood with sleep's unease
Remove the cause of this disease
Sleep eternal,nevermore
And shift the source of illness borne
To this poppet whom none shall mourne"

Sabay na basa nilang tatlo. Bigla na lamang yumanig ang kinaroroonan nila. Napakapit sila sa isa't-isa pinikit nila ang kanilang mga mata. Isang malaking magic circle ang bigla na lamang lumitaw sa kanilang harap. May mga iba't-ibang simbolo, ang nasa hilaga ay isang ulo ng leon the symbol of sin of pride, sa timog ay isang kambing na may pumapaikot na sungay the symbol of sin of lust, sa hilagang silangan ay isang serpent the symbol of sin of envy, sa timog silangan naman ay isang oso na kumakain ng isda the symbol of the sin of sloth, isang fox naman ang nasa hilagang-kanluran the symbol of sin of greed, sa timog-kanluran naman ay isang baboy-damo the symbol of sin of gluttony. And the symbol of the sin of wrath na nasa gitna.

Ang mga simbolo ng sloth, gluttony, at envy ay bigla na lamang umilaw. Bigla na lamang napaluhod si Yuki dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

"Hey! Anong nanyayari sayo" natatarantang tanong ni Miya. Tinatanong din niya kung saan ang masakit pero puro sigaw lang ang isinasagot nito sa kanya. Napaluhod din si Yuri ng makaramdam siya ng sakit sa bandang chestbone niya. Napaluhod din si Miya ng makaramdam din siya ng sakit sa wrist niya. Hindi na nila makayanan ang sakit na kanilang nararamdaman kaya nawalan sila ng malay.

♠♠♠♠

Sabaw po ba!!

PLEASE VOTE AND COMMENT

Kuroshiro Academy(The Seven Deadly Sins)Where stories live. Discover now