Chapter 6

1.1K 14 0
                                    

Katrina

Nandito ako sa tapat ng gate ni Ina. Kakatok sana ako ng biglang bumukas yung gate ate niluwa noon si ate francelyn ang pangalawa sa magkakapatid ng pamilyang Mendez.

"Oh! Katrina bakit nandito ka?" Tanong nito at niluwagan ang bukas ng gate at hinila ako papasok ng bahay.

Nasa loob na Kami ng kanilang bahay ng marinig ko yung boses ni Ina at yung katulong nila.

"Ya, lalagyan ba ng asin itong itlog?" Tanong niya dito at tumingin kay Lola Odette.

"Opo, natural paano magkakalasa?" Sabi ni Lola at tumawa ng mahina. Kumamot naman si Ina sa ulo nito. Maya-maya lumabas nito at Tinanong kung Sino yung kasama ni ate francelyn.  Nang malaman nya na ako yung kasama nito ay dali-daling lumapit ito sa akin at kinuha yung bag ko at pinaupo sa sofa nila.

"Bakit ka nandito?pinalayas ka no?"tanong nito

"Hindi ako pinalayas ako ang lumayas"sagot ko naman at umiyak.

"Ok! So dito ka na titira?" tanong nito at hinagod ang likod ko.

"Kung pwede sana" sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Pwedeng pwede no!" Masayang turan nito at hinila ako pataas kung nasaan yung kwarto nya.

Pinahiram nya ako ng damit ng ate arra nya dahil wala naman daw ito dito sa pilipinas dahil nasa US ito.










2 weeks later

Feeling ko may sakit na ako kasi 1 month nang delay yung period ko at nahihilo rin ako, pero mas madalas na nagsusuka ako lalo na pag nakakaamoy ng bawang. Sabi nga ni Ina baka buntis ako pero ayokong isipin yun.

Nasa kusina ang nang may narinig akong sumisigaw.

"Asaan ang anak ko please ilabas nyo na sya!"

"Wala sya dito kaya umalis na kayo!"

Pagkatingin ko nakita ko si mama na nakaluhod at umiiyak.

Nilapitan ko ito at pinatayo nakita ko ang pag iling ni Ina.

"Nak,  sorry please uwi kana sa atin miss ka na ni Kael please magbabago na ako please" sabi nito. Tumango na lang ako at kinuha ang bag ko sa loob ng bahay nila Ina.

Pagkapasok ko sa loob at hinanap ko agad ang bag ko pero hinawakan agad ni Ina ang kamay ko na ikinahinto ko naman.

"Sigurado ka na ba?"tanong nito at tinignan ako na para bang nag-aalala. Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya.

Binigyan nya ako ng apat pregnancy test kit at sinabing gamitin ko daw pagkadating sa bahay namin.

Umalis na Kami ni mama sya na din ang nagdala ng bag ko. At niyakap ako hay sana ganito na lang palagi.

The battered daughter (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon