Katrina
Andito Kami ngayon sa S.M. dapat nga nasa MOA Kami ehh, kaso nga Lang umayaw ako eh.
Andito Kami sa babies section. Binilhan kasi nya si baby kael ng crib, stroller, walker at laruan siguro lagpas 30,000 na yung nilibre niya sa amin.
"Uy, tulala ka dyan"sabi nya
"Huh? May na alala Lang" sabi ko
"Yung totoo? Sinasaktan ka nila no? Hindi mo Lang sinasabi" tanong nya. At humarap sa akin.
Si baby Kael kasi tulog at ako ang nagbubuhat sya naman tagatulak. Bumuntong hininga muna ako bago tumango.
"Hay naku kung ako yan aalis na ako. Btw kapag pinalayas ka nila samin ka na Lang tumira sama mo na Lang si Kael ok?" Tumango na Lang ako kasi pag umayaw ako kukulitin rin ako nito.-__-
Fast forward
Hay! Andito ako sa bahay namin sad to say sa likod ako natutulog may bubong naman at may higaan. Si kael dun natulog sa crib na binili ni Ina. Akala ko nga kanina kakapusin Kami ng pera.
Flashback
"Maam 35,499.75 lahat po" sabi nung cashier Kay Ina. Si Ina naman ay nilabas ang wallet nya at kinuha dun ang credit card nya.
Pagkatapos magbayad ni Ina ay pununta kami sa Jollibee para daw masaya. Habang kumakain Kami at tinanong ko sya.
"Beh, magkano sweldo ng papa at mama mo?"
"Ahmm, si mommy mga nasa 70k tapos si daddy ewan ko pero siguro nasa 80k, bakit mo natanong?" Sagot nya.
"Ehh wala lang, ikaw magkano pera mo sa credit card mo?" Tanong ko.
"Ahmmm 2.5 million tapos yung allowance ko is 10k a week" sagot nya. Nagulat ako said pera nya ang bata pa nya tapos ang laki ng pera nya.
"Kung tatanungin mo kung paano nangyari yun, well nag mo-model at nag a-artista ako sa channel 7" sabi nya. Nagulat naman ako dun. Artista at model ang kaibigan ko shuckss.
"Nga pala manood ka naman ng Alyas robin hood at Super ma'am nandun ako" sabi nya at ngumiti.
End of Flashback
Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig Kong may Tumawag sa pangalan ko.
" Katrina tawag ka ni mama at papa" sigaw ni Janine. Pumunta ako dun sa lamesa kung nasaan sila lahat.
" balita ko may kaibigan kang Mayaman ahh" sabi ni Josh. Pangalawa sa amin.
"Oo nga maganda pa daw"sabi ni Kristen. Pangatlo sa amin.
"Baka naman pwede ko syang maging kaibigan tutal mas maganda at mabango ako sayo" lintaya naman Tasya.
"Papuntahin mo sya dito ha??" Sabi ni Aaron. Pang lima samin.
"Hindi nya yan papapuntahin maramot yan ehh, gusto nya sya Lang ang mabibigyan ng biyaya" saad naman ni kristel. Kahit bata pa sila ganyan sila kawalang modo sa akin pero ok lang.
" subukan mo Lang na hindi
Papuntahin yang kaibigan mo at makakatikim ka sa akin" sabi ni papa. Tumango na Lang ako at umalis para matulog dahil Maaga pa akong gigising. Hay! Papasok ako bukas para makausap si Ina tungkol dito. Pero Hindi pa ako nakakaalis at kinuha na ni mama ang perang ibinigay sa akin ni Ina at tinulak ako na syang dahilan para masugatan ako.Iika-ika man ay mabilis kong nilisan kung nasaan silang siyam.
Pagkadating ko sa likod ng bahay kung saan ako natutulog ay Dali - daling pumatak ang mga luha ko.'hay hanggang kailan ba tong paghihirap ko'. Saad ko sa aking isipan.
Alam ko naman ang gagawin Nila ehh peperahan nila si Ina. Pero alam Kong hindi nila magagawa yun dahil matalino yung babaeng yun.
Isipin mo Lang dapat daw senior high na sya kasi yung talino nya ay sobra pa sa teachers namin. Imagine 12 years old sya tapos grade 8 na, hindi Lang yun natutulog Lang sya sa klase namin at pag tinatanong sya ay nasasagot nya ng perfect lalo na sa history, math, english, at science kahit pa itanong mo sa kanya ang lahat ng tanong sa chemistry, physics,biology,astronomy at marami pang iba magaling rin sya pag pinaguusapan ang nangyari sa world war, kung paano nabuo ang earth, Greek mythology, at daig niya pa yung teacher namin sa math kung mag explain. Para sa akin sya na yung perfect na tao pero ang sabi nya hindi daw sya yun pa humble pa ehh.
BINABASA MO ANG
The battered daughter (Completed )
Short Storyhanggang kailan kaya makakayanan ng isang anak ang pagmamaltrato ng Kanya pamilya?susuko na Lang ba sya? o magpapatuloy pa?