24

478 24 3
                                    

third person's pov

"pati ba naman ikaw?" padabog na sagot ni yuna at huminga siya ng malalim. "hindi mo ba alam kung gaanong hirap ang ginawa kong talikuran lang si jimin, para sayo?"

"yuna.." pautal na sabi ng lalake. "hindi rin madali ang nararanasan ko ngayon." napahawak nalang si yuna sa balikat ng lalake at naiiyak na ngayon.

"mahal kita, at alam kong alam mo yun.." humigpit ang hawak niya sa kanyang balikat at naiyak na ng tuluyan. "pero bakit? mahirap bang kunin ang tiwala mo?"

"yuna.." sabi ng lalake. "oo alam ko yun, pero.." napatingala si yuna sa lalake at umaasang masagot ng binata ang kanyang mga katanungan.

"hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon, yuna." napayuko nalang ang lalake at pilit alisin ang hawak ni yuna sa kanyang balikat.

"bakit? anong problema?" tanong ni yuna. "may nagawa ba akong mali? may problema ba? okay ka lang ba? sabihin mo lang sakin--"

"may mahal akong iba, yuna."

napatigil sa pagsasalita si yuna nang narinig niya ang mga salitang iyon. lumuwag naman ang hawak niya sa binata, at huminga siya ng malalim.

"sige.." sabi ni yuna. "pero hindi ako titigil at susuko hangga't mapunta saakin ang atensyon mo. mahal na mahal kita, at gagawin ko ang lahat para lang mapunta ka saakin, daniel."

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now