20

541 23 0
                                    

dahyun

"ang panget mo," tinitigan ko ng ilang minuto si daniel at mukhang bagong gising palang. "bagong gising ka no??" tanong ko sakanya at umiling lang siya. luh, arte neto.

"kanina pa ako gising, simula nung nagtext ka sakin." sabi niya. naglalakd kami papuntang starbucks, ang init pa naman jusko. eto kasi, gusto niya maglakad para daw makatipid. duh? ngayon ko lang napansin na nagtitipid din pala tong mokong to.

"ay oo nga pala," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "nalaman kong may girlpren ka na pala, sino?" napatigil din siya sa paglalakad at tiningnan niya ako. luh, creepy.

"kanino mo nalaman, hah? ikaw talaga." kinurot niya yung ilong ko, at hinampas ko naman kung kamay niya palayo. hilig niya talagang kurutin ilong ko, meron naman siyang ilong eh.

"la lang, narinig ko lang." sabi ko sabay ngiti. "so, totoo nga ba?" napatingin si daniel sa paligid at huminga ng malalim. tiningnan niya ulit ako sabay ngiti ng sobrang pugi. hays, kung hindi ko lang to bestfriend panigurado naging crush ko na to eh.

"naniwala ka naman?" tumawa naman siya ng nakakaloko. "wala, naghihintay lang." sabi niya at tumango naman ako.

mga ilang minuto ay nakaabot na rin kami sa starbucks. pumasok na kaming dalawa, at pumunta na si daniel sa counter para magorder at naiwan naman ako sa table ng mag-isa. oo, mag-isa sanay na akong mapag-isa palagi putangina.

brrrtttt... brrrtttt.. brr----

"hayop, ang ingay ng cellphone ko, akala ko lowbat na ako." kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko, at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: BeSana 🐍

uyyy, pukinginamo. may date ka pala ngayon, di mo man lang ako sinabihan, qaqo. take out-an mo nalang ako ng kape, salamat. ;*

"nakakahiya naman kung pati kape itake-out ko pa"

napairap nalang ako at napansin kong nakabalik na pala si daniel. umayos ako ng upo ko, at umupo siya sa harapan ko.

"anong inorder mo?"

"malamang kape."

"gago ka talaga." tumawa kaming dalawa at nagsimula kaming mag-kwentuhan. sinabi niya saakin kung gaano siya naga-struggle sa pag-aaral para sa contest niya sa susunod na linggo. ang talino lang ng bestfriend ko, noh? pag wala akong naiintindihan sa mga homeworks siya, siya nalang nagtatapos. maaasahan din ang tanginang to.

"ikaw? kamusta ka na?" tanong niya. "parang gumanda ka lalo ah. may crush ka no?" hinampas ko naman sakanya yung tissue sabay tawa.

"maganda lang, walang crush hehe." tiningnan niya lang ako sabay tawa at dumating na rin yung order naming dalawa. habang iniinom ko yung kape, napagisip-isip ako.

"totoo nga ba yung sinabi niyang wala siyang girlfriend? eh ano nga ba yung mga naririnig kong mga kwento-kwento sa school? sabagay, kwento-kwento nga eh. di naman totoo."

"huy," napatingin naman ako sakanya at tiningnan niya ako. "okay ka lang? parang nawawala ka ah." umiling-iling naman ako at ngumiti.

"weh?" ngumiti naman siya ng nakakaloko. "panget mo talaga." tumawa nanaman siya at kinurot ko siya sa bewang niya. nagtawanan naman kami hanggang sa napag-isipan ko na bumili muna ako ng isang slice ng blueberry cheesecake.

tumungo naman ako sa counter at nag-order na. ayaw naman ni daniel ng cake, edi bahala siya, akin nalang. habang naghihintay sa counter para sa sukli ko, may isang lalake na medyo matangkad ang tumabi saakin. tiningnan ko siya at parang familiar siya saakin, parang nakita ko na siya somewhere-- di ko lang matandaan.

hindi talaga siya umaalis sa kinatatayuan niya, kaya tinitigan ko lang siya. luh? watdafak? hindi ko pa nga nakukuha sukli ko, inunahan niya na ako.

mga ilang segundo ang nakalipas ay binigyan na siya ng isang cup. tiningnan ko yung cup at may nakasulat na pangalan.

"thanks." sabi ng lalake, at kinuha niya yung cup.

'jimin'

jimin ang nakasulat sa cup.

teka, familiar.

jimin

jimin...

park jimin????

pARK JIMIN?!?!

"jimin?"

napahinto naman yung lalake sa paglakad at hinarap niya ako sabay tingin saakin. ay, naka-shades nga pala siya. pero sigurado akong nakatingin siya saakin duh.

"dahyun!"

pumunta naman sa kinaroroonan ko si daniel, at napahinto din siya simula nung sinambit ko yung pangalan ni jimin. napatingin din si daniel kay jimin, at balik saakin.

"anong nangyayari dito?"

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now