42

468 18 2
                                    


yuna

"ugh!" padabog kong tinadyakan ang pinto na nasa aking harapan. "nakakainis!" napahawak naman ako sa aking ulo habang humihinga ng malalim. hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni jimin, o hindi.

lumakad na ako papalabas ng kwarto at diretso akong pumunta sa canteen para uminom ng malamig na tubig. naiinis na ako at gusto kong kausapin ng harap-harapan si dahyun. tsk, akala niya ba hindi ko alam ang mga pinagagawa niyang kalandian sa ex boyfriend ko.

habang naglalakad ako ay nakita ko si daniel sa malayo. medyo gumaan-gaan naman ang aking pakiramdam at naglakad ako papalapit sakanya.

"daniel?" nagulat naman siya nang nakita niya ako. ngumiti ako sakanya at napakamot naman siya sa kanyang ulo. "anong ginagawa mo dito?"

napatingin naman siya sa kanyang paligid at pautal na nagsabi, "hah? w-wala naman, nagpapahangin lang." tumango naman ako at ramdam kong ninenerbyos siya ngayon.

"kanina ka pa ba? tara, samahan mo naman ako sa loob ng canteen! kain tayong dalawa!" hinila ko naman siya at sabay kaming pumasok sa canteen. umupo kaming dalawa sa mesa at pansin kong tingin siya ng tingin sa mga tao. parang may hinahanap siya.

"may hinahanap ka ba, daniel?" tanong ko sakanya. umirap naman siya at ngumiti saakin. napansin kong may tinitingnan siya sa parte ng likod ko.

"hah? kanina ka pa daniel, parang natataranta ka. anong tinitingnan mo?" titingin pa sana ako sa likod ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. nagulat naman ako sa ginawa niya at ngumiti siya saakin.

"wala, may iniisip lang ako." sabi niya. napangiti naman ako sa ginawa niya at hinawakan ko rin pabalik ang kanyang kamay. minsan lang maging sweet saakin si daniel ih. kaya sulitin ko na ito!

"sigurado ka ba?" tumango naman siya at tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin. siya nalang daw magbabayad, at um-oo naman ako. tumayo na siya sa kanyang inuupuan at bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagiging medyo malungkot habang nakatingin sa likod ko. naglakad na siya papaalis, at tiningnan ko lang siya.

"ano kayang tinitingnan ni daniel.." tanong ko sa sarili ko at tumingin naman ako sa likod ko. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa aking nakita. nakita ko silang dalawa na nag-uusap, at tawa sila ng tawa. mukhang masaya sila sa ginagawa nila, hah. sila nga ba talaga yung tinitingnan ni daniel kanina pa?

"jimin at dahyun?"

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now