62

405 11 0
                                    


dahyun

"dahyunieee, pinapapunta ka daw ni ma'am sa stock room." napahinga nalang ako ng malalim. jusko naman, pagkatapos magpa-quiz, ipapapunta ako ni ma'am sa stock room? seryoso ba siya?

"sige, sabihan mong papunta na ako." iniwan ko muna yung mga nagkalat kong notebook at papel sa mesa ko at naglakad na papuntang stock room. sa totoo lang, hirap na hirap na ako. hindi ko alam, basta ganon hahahaha.

napatingin naman ako sa phone ko at ni isa wala akong nakuhang message galing kay jimin. siguro busy yun, okay lang. nakakahiya naman kasi kung araw-araw naman ako nagpapaturo sakanya sa thesis ko.

nang makaabot na ako sa stock room ay hinanap ko si ma'am. luh? anong naisip non at pinapunta ako dito. nasa may parte ako ng pintuan, at silip ng silip sa loob. yuck, ang baho putangina. tas andaming alikabok, gusto ata ni ma'am na atakihin ako ng asthma dito. oo, hehe may asthma ako. pero hindi naman gaanong kalala, tama lang. okay lang ako mga mamshies.

sa sobrang likot at kakalingon ko nahulog ko yung cellphone ko. no, yung pinakamamahal kong cellphone! kawaw naman, nahulog na nga wala pang sumalo. sakit, noh?

yumuko ako at pupulutin na sana yung cellphone nang may tumulak saakin paloob ng stock room. nadapa naman ako kasi sobrang clumsy nga ako enebe, at tumama yung ulo ko sa may maliit na cabinet sa loob. hinawakan ko yung ulo ko at hinimas himas ito nang narinig kong sumara nalang yung pinto at may nag-lock.

omg! tangina, horror ba to?!

napatayo nalang ako bigla at kumatok ng katok sa stock room. pilit kong pinipihit yung doorknob, at naka-lock nga talaga huta. nagsisigaw ako sa loob pero walang nakakarinig. andami kasing dumadaan na mga estudyante, tapos ang iingay pa sa labas.

"hoy! buksan niyo ako dito!" sigaw ko habang kumakatok. nakarinig na lamang ako ng ilang tawa ng mga babae sa labas ng stock room, at tumili silang lahat.

"naririnig niyo ba ako? buksan niyo ako dito!" sigaw ko ulit. napatigil naman yung tawanan sa labas, at nagsalita yung isa sakanila.

"huh? pakilakasan nga ng sigaw mo, dahyun. hindi ka namin makinig."

nagsimula ulit silang magtawanan at iniwan na nila ako sa loob.

putangina, sigurado akong kabilang sakanila si yuna. siya ata yung nagsalita kanina, urgh! ano bang problema ng kutong yon sakin? hindi ko na nga siya pinapakialaman, tapos ilo-lock niya nalang ako bigla sa stock room? gago ba siya? eh, gago talaga yon!
umupo nalang ako sa sulok at tinatakpan yung bibig ko. grabe talaga ang alikabok! hindi ko to kakayanin kung mas tatagal oa ako dito sa loob. baka atakihin ako dito, tangina.

naalala ko naman na dala ko pala yung cellphone ko, hay salamat. binuksan ko yung phone ko at buti nga may charge pa. teka, sino ba ime-message ko? sina ate sana? nah, baka busy silang lahat. pagtripan pa nila ako, sabihin nila na nagjo-joke lang ako. si daniel? si jimin?

at dahil nalito ako kung sinong itetext ko, tinext ko nalang yung dalawa--- si daniel at jimin. ganda ko noh? joke.

habang nagtetext ay nagulat nalang ako nang may dumaan na isang maliit na daga sa may paa ko. hala! napatalon naman ako at mas lumabas naman lalo yung mga alikabok.

umuubo na ako at tinatakpan ko nalang yung bibig ko. naramdaman ko nalang na nanginginig na yung mga kamay ko, at pinagpapawisan na ako. no, huwag muna.. hindi pa dumarating sina daniel--- jimin....

nanghihina na ako at sumasakit na yung dibdib ko. nahihirapan na akong huminga at napaupo nalang ako sa sahig habang yakap ko yung sarili ko. naiiyak nalang ako habang hinahabol ko yung hininga ko.

wag kang umiyak, dahyun.. mas lalo ka lang mahihirapang huminga.

lalo nalang akong napaiyak sa nangyayari. halo-halo na yung nararamdaman ko ngayon, napapagod na ako. naiinis na ako sa mga nangyayari, pati na rin sa sarili ko. ano bang ginawa ko at nararanasan ko ito? ganon ba ako kasama sa mga taong nasa paligid ko? o ganon lang talaga ako kasama sa sarili ko at hinahayaan ko nalang na masaktan ako ng ibang tao?

napapikit nalang ako at hindi ko na kayang huminga pa. mas lumuwag yung yakap ko sa sarili ko at napasandal ako sa malaking kahon na nasa tabi ko.

kasabay sa pagpatak ng luha ko sa aking mata, ay sabay din ang malakas na pagbukas ng pinto at narinig ko ang pangalan ko.

"dahyun!"

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now