76

405 14 0
                                    


dahyun

"i'm sorry." pabulong kong sabi at tumakbo na ako papalayo sakanya. hindi ko siya kayang tingnan at makasama ngayon. nanghihina nalang ako bigla.

yung iyak na pilit kong itinatago ay bumuhos na ng tuluyan nang nakalayo na ako kay jimin. takbo pa rin ako ng takbo hanggang nakalabas na ako ng building. hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa basta't gusto ko lang lumayo sakanya.

napaluhod nalang ako sa damuhan at humagulhol ng malakas. bumabalik nanaman yung sakit, sobrang sakit na talaga. napahawak nalang ako sa aking dibdib habang umiiyak. umiinit na yung buo kong katawan, at ninenerbyos na ako. ganito talaga ako kapag nasosobrahan ako sa iyak.

"ayoko na.." bulong ko sa sarili ko. "gusto ko siyang kalimutan pero ang hirap. kahit saan man ako pumunta, siya lang palagi ang naaalala ko." napapikit nalang ako sa kakaiyak, at tinakpan ko yung bibig ko para maiwasan yung hagulhol kong malakas.

"ang sakit sakit na.." sabi ko habang pinagsusuntok ko yung dibdib ko. bakit kasi ganito? sa tuwing nagmamahal ako, ako din naman yung nasasaktan. wala naman akong nagawang iba kundi magmahal, pero bakit nasasaktan ako ng ganito? may narinig akong may pumapalakpak sa likod ko. hindi ko na siya tiningnan at alam ko na kung sino ang taong ito.

"wow, galing mong mag-arte." sabi niya sabay tawa. "akala mo ba maaawa sayo si jimin kapag nakita niyang umiiyak ka?" nakatayo lang siya sa likod ko habang tinitingnan ako.

"kawawa ka naman, dahyun. hindi ka na nga pinapansin ni jimin, wala ka pang kadamay? anong gagawin mo? iiyak ka sa harapan ng mga kaibigan mo? magdadrama ka nanaman para makuha mo ang atensyon ni daniel? ang hina mo naman, dahyun." sambit niya. napahawak naman ako sa mga damo, at hinigpitan ko yung hawak ko dito. nang-iinis ba siya?

"alam mo, kung ako sayo." sabi niya. "magpapakamatay na ako. nakakahiya na kasi, diba?"

sa sobrang inis ko ay napatayo ako at sinugod ko siya. tinapon ko sa mukha niya yung binunot kong damo at napasigaw naman siya sa ginawa ko.

"ano ba!" sigaw niya. kunot-noo niya akong tiningnan at hinila niya yung buhok ko. napasigaw naman ako sa sobrang sakit, at pinaghihila ko na din yung buhok niya.

"hayop ka, yuna! ginawa ko na yung gusto mong gawin ko, tapos hindi ka pa rin titigil!" sigaw ko at pinagtutulak ko siya ng malakas. sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko ay pareho kaming nahulog sa damuhan at pinagsasampal niya na ako. sa sobrang talim ng kuko niya ay nasugatan ako sa may pisngi ko, at napaiyak nalang ako sa sakit.

"ikaw ang mas hayop saatin, dahyun! hinding-hindi ako titigil hangga't nandito ka pa rin sa school na to! umalis ka na!" sigaw niya at pinagpupunitan niya na yung suot kong uniform. habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga paghihila, sampal at kurot na ibinibigay niya saakin. habang tumatagal ay nanghihina na ako, hindi ko na kinakayang lumaban pa pabalik. ayokong madamay nanaman ako sa gulong ito.

"hoy!" narinig kong may sumigaw sa hindi kalayuan, at inilayo niya saakin si yuna. bakas sa mukha ni yuna ang pagkainis at pilit niya pa ring abutin ako. nakahiga lang ako sa damuhan at napaiyak nanaman ako sa nangyari.

"dahyun!" narinig ko ang boses ni jimin at nakita kong lumapit siya saakin. nagsidatingnan na rin sina ate nayeon at iba pa. nagulat sila nang nakita nila ang itsura ko. siguro puro kalmot ni yuna ang nasa mukha ko. nagalit si ate jihyo at pinagsisigawan niya si yuna. ganun din naman yung iba. hawak-hawak ni daniel ang braso ni yuna, at galit rin siya.

lumapit saakin si ate sana at hinawakan niya ang mukha ko. naawa siya saakin at napaluha siya. "dahyun.. anong nangyari sayo?" tanong niya at umiyak nanaman ako. gusto ko nang umuwi, gusto kong lumayo dito.

"gusto ko nang umuwi ate sana, ayoko na dito.. please.." pabulong kong sabi. pinaghihimas ni ate sana yung likod ko habang yakap niya ako. iyak nalang ako ng iyak, hindi na ako nauubusan ng luha. ilang araw na akong umiiyak, sobrang pula na ng mga mata ko.

"sige, iuuwi ka na namin." sabi ni ate mina at pinagtulungan nila akong tumayo. inakbay ako ni ate jeongyeon, at nakita kong si ate nayeon at jihyo ay pinagsasabihan si yuna. galit na galit rin sila, at itinaas ni ate nayeon yung kamay niya. sasampalin niya sana si yuna pero ibinaba niya kaagad yung kamay niya. narinig ko ang sinabi niyang,

"pasalamat ka at hindi ako yung klaseng tao na nananampal ng mga hayop na katulad mo."

nakita ko rin na iniwan ni daniel si yuna at sumama na siya saamin. nang papalayo na kami ay nakuha ng atensyon ko ay si jimin sa likod nina ate sana habang nakatingin saakin. tiningnan ko lang siya hanggang sa napapikit nalang ako sa sakit.

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now