75

379 14 2
                                    


jimin

"dahyun!" sigaw ko. nakita ko si dahyun na umikot sa may corridor. sigurado akong siya yun. gusto ko siyang makausap, marami akong gustong sabihin sakanya.

sinunod ko pa rin siya at tuloy pa rin ang kanyang paglalakad. parang may hinahabol siya o sadyang lumalayo lang siya saakin?

"dahyun, wait! kausapin mo naman ako!" hindi niya pa rin ako narinig. pero alam kong naririnig niya ako. walang tao sa aming paligid, kokonti lang. tsaka malakas naman yung pagkakatawag ko sakanya, imposibleng hindi niya ako marinig.

"dahyun!" malakas kong sigaw. huminto naman ako sa paglalakad, at nakita kong tumigil din siya. nakatalikod pa rin siya saakin. "hindi mo na ba talaga ako papansinin?" pasigaw kong tanong.

"ganito nalang ba tayo palagi?" tanong ko sakanya. nakatalikod pa rin siya at mukhang nakikinig naman siya saakin. unti-unti siyang humaharap saakin at tumama ang aming mga mata. bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. kahit hindi siya magsalita ay nakikita ko kung gaano siya nasasaktan.

napakagat siya sa kanyang labi at huminga siya ng malalim at yumuko sabay sabi, "i'm sorry." at tinalikuran niya ulit ako sabay takbo papaalis. iniwan niya akong mag-isa. sa muli, ay nag-iisa nanaman ako at umaasang pansinin niya ulit ako.

"dahyun.."

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now