83

411 18 1
                                    


dahyun

"uwi na kami, hah." sabi nina ate nayeon at tumango naman ako. duh, ayoko pang umuwi. kakapasok ko palang ih, tapos ang aga pa. gusto ko munang maglibot, namiss ko school namin yiee. parang gago lang.

"sige, ingat kayo." sabi ko at nagpaalam na sila saakin. tiningnan ko sila habang papalabas na sila ng gate hanggang sa mawala na sila sa aking paningin. tumalikod ulit ako at huminga ng malalim.

"dahyun!" narinig ko si daniel sa likod ko at nilingon ko siya. kumakaway siya saakin at tumakbo siya papalapit saakin.

"nandito ka na pala? oh ano, kamusta ka na?" tanong niya. ngumiti nalang ako sakanya at sabay ikot.

"eto, maganda pa rin." tumawa kaming dalawa sa sinabi ko, at marami siyang pinagtatanong saakin. kung okay na daw ba sugat ko, kung wala na daw akong nararamdamang sakit at kung ano daw color ng bra ko. hayop to!

sinampal ko naman siya sa balikat niya at tawa siya ng tawa. bugok na to, kala mo kung sinong inosente.

"bastos!" sabi ko sabay tawa. napahawak naman siya sa kanyang tiyan habang tumatawa at joke lang daw yon.

"san ka galing?" tanong ko sakanya at napakamot naman siya sa kanyang ulo.

"ahhh, wala. naglalakad lang ako, tapos nakita kita." sabi niya. napangiti nalang ako sakanya. hays, sorry daniel kung nasaktan man kita. alam kong may iba pang babae diyan na mas magpapasaya sayo, at hindi lang ako yon. makakakilala ka rin ng babae na para talaga sayo.

"hala, sige. alis na muna ako, may pupuntahan kasi ako." sabi niya.

"sino pupuntahan mo? si yuna ba?" tumawa naman siya at umirap siya sa sinabi ko.

"hindi. tsaka, hindi ko na yon kinakausap. wala na akong pakialam sakanya." napatawa naman ako sa sinabi niya. duh, buti nga kay yuna. hayop siya.

"sige sige. ingat ka, hah." sabi ko at tumango naman siya sabay lakad papalayo saakin. naramdaman ko namang nagingay yung tiyan ko. shet, nagugutom ako. napagisipan kong dumiretso muna sa canteen para bumili ng pagkain at tumambay muna doon.

nang nakaabot na ako ay bumili ako ng isang yakult at isa rin na burger. pagkatapos kung bumili ay umupo na ako sa isang mesa. binuksan ko na yung burger at nagsimula na akong kumain. haaay, thank you lord.

habang kumakain ay napapatingin ako sa paligid ko. nang tumama yung tingin ko sa kanan ay nagulat ako sa nakita ko. nakita ko siyang nakaupo rin sa iisang mesa na kung saan nakaupo rin ako. mas napabilis ang tibok ng puso ko nang nakatitig rin pala siya saakin. pareho kaming gulat nang nakita namin ang isa't-isa.

"d-dahyun.." sinambit niya ang pangalan ko at tumibok ng mabilis ang puso ko. yung boses na yan, sobrang miss ko. namimiss ko sa tuwing sinasambit niya yung pangalan ko. nakatingin pa rin siya saakin at napayuko ako bigla.

"a-ano?" tanong ko sakanya.

"mag-usap naman tayo. may kailangan akong sabihin sayo." sabi niya. napakagat nalang ako sa labi ko at kunware hindi ko siya nakikita.

"importante ba yang sasabihin mo?" napansin kong tumayo si jimin at uupo sana siya sa tabi ko nang tumayo na din ako at tiningnan ko siya.

"mamaya nalang. may gagawin pa pala ako." sabi ko at kinuha ko yung yakult ko at aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. napatigil naman ako sa paglakad. nakatalikod lang ako pero ramdam kong titig na titig siya saakin.

"palagi nalang ba, dahyun?" tanong niya. "sa tuwing gusto kitang makausap, aalis ka. anong meron?" hindi ko nalang siya sinagot at nanatili akong tahimik. "nasasaktan ako, dahyun."

naramdaman kong kumirot yung puso ko. hindi lang ikaw ang nasasaktan, jimin. pati rin naman ako..

"kahit konting oras lang, dahyun. please?" pagmamakaawa niya. hinarap ko siya at pinipilit kong itago yung iyak ko sakanya, dahil baka pag umiyak ako sa harapan niya. iba ang isipin niya.

"i want to, pero.. ugh, i need to go." sabi ko. taray, napa-english ako. naglakad na ako papaalis at narinig ko pa rin na tinatawag niya ako. patuloy pa rin ako sa paglalakad at napaluha na pala ako. ipinunas ko naman yung mga luha ko at lumingon ako sa likod ko at nakita ko na hinahabol niya pala ako.

"dahyun! saglit lang, bigyan mo naman ako ng pagkakataon para makausap ka ngayon.." sambit niya. hindi ko alam at tumigil nalang ako sa paglalakad at nakaharap ko na siya. tumigil siya sa harapan ko at hinahabol niya yung hininga niya habang nakatingin saakin. teka, nagreen-minded ako dun ah.

nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. napatingin naman ako sa kamay naming dalawa at sinabi niyang, "para hindi ka na umalis pa, hawak-hawak na kita." ashuuu, kinikilig ako.

"j-jimin, pasensya ka na. pinapauwi na kasi ako ni nanay sa ngayong oras. sa chat nalang kaya tayo mag-usap." sabi ko sakanya.

"w-wag!" sabi niya. hinawakan niya yung dalawa kong kamay habang nakatitig saakin. "may sasabihin lang kasi ako.." tiningnan ko naman siya at umiling ako.

"ano ba kasi? anong oras na, baka hanapin na nila ako, jimin. aalis na ako." sabi ko at pilit niya pa rin hinahawakan ang kamay ko. ayaw niya talagang bumitaw at ang sobrang higpit ng pagkakahawak niya saakin.

"jimin.." bulong ko. "bitaw na." hindi pa rin siya kumikilos at napasampal nalang ako sa noo ko at huminga ng malalim.

"jimin, sabi ko bitaw na!" napasigaw nalang ako sa sobrang inis ko. nah, drama lang to. gusto ko nang umalis kasi, hindi ako galit. "aalis na ako." yumuko ako at inalis ko yung hawak niya sa dalawa kong kamay.

"bye." sabi ko naglakad na ako palayo sakanya. nang medyo malayo-layo na ako sakanya ay naramdaman ko na tumakbo siya papalapit saakin. nanlaki ang aking mga mata nang niyakap niya ako mula sa likod ko.

tumigil naman ako sa paglakad at yakap niya pa rin ako. wala saaming dalawa ang nagsasalita. nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

mga ilang segundo ay bumulong siya,

"stay."

wrong move / k.dh & p.jm Where stories live. Discover now